Chapter 34

10.6K 485 124
                                    

Sage Imperial's

'Sage, Alejandro flew back here in PH, first. Hindi kami magkasamang bumalik dito and yeah, he didn't even finish the 2 days.'

Kanina pa okupado ang utak ko sa mga sinabi ni Sir Juancho nang puntahan ko ito sa office niya kaninang umaga dahil nalaman ko na nakauwi na siya and Alejandro hasn't.

Alejandro flew back here in PH, first? Hindi niya tinapos ang dalawang araw sa Singapore? Bakit hindi siya umuwi? Tanong ng isip ko.

Pangatlong araw na ngayon. Kahapon ang supposed to be last day niya doon sa Singapore pero nalaman ko kay Juancho na nauna siyang umuwi. Pero bakit wala siya dito?

Hindi rin siya tumawag o nagtext. I thought he was so busy there kaya hindi na rin ako nag-isip ng kung ano-ano and I did try to understand him pero hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon sa mga nalaman ko.

I breathed deeply as I stared at his contact number. Gustong-gusto ko siyang tawagan pero masama talaga ang loob ko sa kanya ngayon.

Nasaan pala siya ngayon kung kahapon ay nakauwi na siya?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nagmadali akong tumayo at lumingon doon. My heart thumps so fast in mix emotions. My heart knew so well.

"Alejandro..." Mahinang tawag ko sa kanya.

Hindi nga nagkamali ang puso ko.

Si Alejandro ang taong kakapasok lang. I bit my bottom lip as his gaze met mine. Agad na natunaw ang inis sa puso ko. I immediately run to him and then I embraced him tightly.

"I missed you!" Iyak ko at lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

I really do missed him kaya nga nawala lahat ng inis ko kanina. All I could think right now is that he's finally here.

My Alejandro is finally home.

Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at inilagay sa pagitan ng dalawa kong palad ang mukha niya. "I missed you!" Pag-uulit ko sa sinabi ko.

I blink three times to make sure that I am not just imagining. Hindi kasi siya kumikibo at nanatiling nakatitig lang sa akin. He didn't even hug me back awhile ago.

"Alejandro..." I called.

Hinawakan niya ang magkabilang palapulsuhan ko. I suddenly felt his warmth kaya sigurado akong hindi ako nag-iimahinasyon lang.

Nakangiti pa ako noong una pero unti-unting napapawi ang ngiti ko't napalitan ng pagtataka nang ilayo ni Alejandro ang mga kamay ko sa mukha niya. Pagkatapos ay binitawan niya ako.

Bakit siya ganito? Dapat nga ay ako ang magalit kasi hindi umuwi kahapon gayong andito na pala siya sa Pinas 'di ba? Why is he acting like this?

"May... May problema ba, Alejandro? Pagod ka ba? Mamasahiin-"

"Shut the fuck up."

Malamig na sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Ilang beses pa talaga akong napakurap at siniguradong muli kung si Alejandro ba talaga 'tong nasa harapan ko ngayon.

"Alejandro..."

I called as I extended my hand to reach his. Nahawakan ko nga ang kamay niya pero parang may kumudlit sa puso ko nang mabilis niyang binawi ito mula sa pagkakahawak ko.

"Ano... Ano bang problema?" Naguguluhang tanong ko at hinuli ang mga tingin niya.

His eyes, as I stared at it, I can't see any emotions. Kahit anong basa ko sa nararamdaman niya, wala talaga. Nanatili itong blangko at malamig kagaya... noong mga panahong kilala ko pa siya bilang Chairman na walang awa.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon