Chapter 04

21.9K 935 153
                                    

Sage Imperial's

Napahikab ako bago tumingin muli sa company building. Hindi ako nakatulog kakaisip kung ano ang mangyayari ngayong first day ko bilang assistant ng halimaw.

Baka magpatayan lang kaming dalawa dahil kapag sumobra siya'y hindi ako mangingiming lumaban. Ayoko ng pakiramdam na parang invalid ang feeling ko.

I checked my watch at nakita kong 10 minutes na lang, 7 am na. Inagahan ko na lang dahil ayokong may masabi ang Chairman. Napailing-iling ako.

Naglakad na ako papasok ng building. Binati ko si manong Roger at manong Carlos, ang security guards ng kompanya. Pagkapasok ko'y agad na akong dumiretso sa tapat ng elevator. I pressed it and when it opened, wala pang tao kasi maaga pa naman.

I immediately went inside. The elevator's door is about to close when someone so strong pulled me out at walang habas akong kinaladkad kung saan.

"Let me go!" Naiinis kong sabi habang pilit binabawi ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Sir Alejandro, oo! Hila-hila niya ako ngayon. Kaasar! "Bitiwan mo nga ako, Sir Alejandro!"

Padarag niya along binitawan at halos matumba ako kung hindi lang ako naging maagap. Naiinis ko siyang tinignan na inayos ang tie at as usual, malamig pa sa ice berg ang aura.

"You will use this elevator from now on, got it?"

Okay, easy access. This elevator is exclusive for the high persons only pero ngayon, pwede kong magamit. Galing. Dapat ba akong matuwa?

"Opo, Sir Alejandro." Tamad kong sagot. Tinignan ako nito at sinamaan ng tingin. Gusto ko rin siyang pandilatan ng mata pero pinigilan ko ang sarili ko.

Pumasok ito sa loob ng elevator at sumunod naman ako. Pagsara ng elevator ay agad kong pinindot ang floor kung saan ang office nito dahil hindi ito gumalaw. Sus! Arte-arte para pagpindot lang eh kailangan pa ng assistant?

Nang umandar ang elevator ay 'saka naman ako binalot ng kaba. First time kong makasabay itong lalaking 'to knowing he was my f— hep! Tigil, Sage. Knowing that he is the most ruthless Chairman ever.

Binalot ng amoy niya ang buong elevator. Aaminin kong ang bango-bango niya. Langhap na langhap ko talaga dahil malapit ako sa kanya. Feeling ko ang price ng perfume na gamit niya ay milyones.

Bahagya akong lumayo pasimple ko siyang tinignan mula paa hanggang ulo. He is so formal right now, I mean madalang ko siyang makita kaya 'di ko mapigilang mag observe. Grabe! He's literally a walking power and of course with his red flag!

"Done eye-raping me?"

I flinched a little bit at agad na nag-iwas ng tingin. Ang yabang! Akala niya talaga na sa kanya lang umiikot ang mundo. Nakagago!

"Hindi kita tinititigan, Sir." Kapal mo.

"Keep denying the obvious, Imperial." He mockingly said. Umiinit na naman ang ulo ko sa kapal ng apog niya pero nagpigil ako, as usual. Ngumiti lang ako ng pilit at nag-iwas ng tingin.

We arrived at the floor, we both went out from the elevator. Agad naming tinungo ang office niya na katabi lang ng meeting room. Minsan na akong nagawi rito pero hindi pa ako nakakapasok sa office ni Sir Alejandro.

Bakit ako papasok? Para na rin akong pumasok sa sarili kong ataol. Pero ngayon, heto ako, makakapasok na sa loob.

"Sir, hindi ba pwedeng sa labas na lang ako?" Ayaw kitang kasama dahil bwesit ka at 'saka naaalala ko lang ang— "Kahit maliit na desk—"

"Shut up, Imperial." sabi nito't pumasok sa loob kaya pinilit ko rin ang sarili kong pumasok.

"Hindi ka bagay sa labas, you belong here."

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon