Chapter 25

12.8K 550 88
                                    

Someone's

A devilish smile creeped on my lips. Hindi ko naman akalain na ganun pa nga lang ang nangyari ay masasaktan na ito. His expression tells it all.

I can really sense that Sage was hurt and to think that it was just the shallow part. How much more kapag oras na para maningil na ako ng buo.

"Wala ka talagang awa! Pinagkatiwalaan ka niya!"

Umiling lang ako't ngumisi. Lumapit ako sa nagsalita at mahigpit na hinawakan ang panga nito.

"Hindi ba't sinabi ko ng huwag kang mangingialam. Baka hindi ako makapagpigil," Lalo kong hinigpitan ang hawak sa panga niya. "Malagyan ko pa ng butas yang ulo mo."

Binitawan ko ang panga niya't muling tumingin sa kawalan at ngumisi. Konti na lang. Konti na lang.

Pasensyahan tayo, Sage.


Sage Imperial's

Narinig ko ang pagbukas ng pinto nitong condo unit ni Alejandro. Alam kong si Alejandro na ito pero nanatili akong nakatingin sa tv screen at kunwaring focus na focus sa pinapanood.

"Sweetheart," Tawag nito sa akin.

I smiled bitterly. Sweetheart huh? Hindi ako kumibo. Tumabi siya sa akin pero umusog ako at pinanatili ang tingin sa tv screen.

"Talk to me,"

Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero naging maagap ako't naiiwas ito agad. Lalo akong umusog palayo. Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hininga.

"It meant nothing, Sage."

Pinatay ko na lang ang tv. Tumayo ako't nilagpasan siya. I immediately went inside the room at ibinagsak ang sarili sa kama at patagilid na humiga. Gusto ko na lang matulog kaysa makipag-usap sa kanya.

"Talk to me," he frustratedly said. "Sage..."

Narinig ko ang mga yapak nito papunta sa kama pero hindi ako gumalaw. Bahala nga siya dyan. Lumundo ang kama ang kabilang side ng kama kaya alam kong nasa tabi ko na siya. Seconds later, I felt him hugging me from behind.

"Bitiwan mo nga ako," Matigas na sabi ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa bewang ko pero sadyang malakas siya kaya sa huli'y hinayaan ko na lang.

Mariin ang naging pagpikit ko nang maramdaman ko ang paglapat ng katawan niya sa likod ko. Hindi ako gumalaw.

"Sweetheart, it really means nothing," he whispered.

"Nothing? Hindi mo nga tinulak 'di ba? Nakatayo ka lang doon!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. "Sabagay, first love mo nga pala." I mockingly said.

With all my force, I managed to remove his hands from my waist. Agad akong tumayo upang umalis pero pagbangon ko pa lang ay nakayakap na ito sa akin ng mahigpit.

"Sage, nagulat lang ako. I didn't see her for how many years but that doesn't mean I still have feelings for her." Lalong humigpit ang yakap niya. "She means nothing to me."

I sighed. "Ako ba, Alejandro? Ano ba ako sayo? Naglalaro lang ba tayo dito?"

"Fuck no! Of course we're not playing, Sage," he said in desperation. "Hindi kita pinaglalaruan."

Malungkot akong ngumiti at inalis ang mga braso niyang nakapulupot sa akin. Mabilis akong tumayo at hinarap siya.

Kanina pagdating ko dito, ang dami-daming kong inisip. Ang daming realizations sa akin kanina habang iniisip ko rin ang mga pinagagagawa namin kahit wala akong assurance kasi hindi naman kami.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon