Chapter 46

12.2K 522 48
                                    

Sage Imperial's

It's been 2 months.

Dalawang buwan na ang nakalipas nang mangyari ang pinakahindi ko inaasahan at isa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.

Dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang matulog si Alejandro, na hindi ko na narinig ang boses niya, na hindi ko nakikita ang paraan ng pagtitig niya sa akin, na hindi niya ako nahahawakan. Dalawang buwan na at hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.

My heart aches again as I softly caressed his face as he sleeps in this hospital bed.

Alejandro is in coma because of the two bullets that should be for me. Ako dapat ang nakahiga ngayon pero iniligtas ako ni Alejandro at ang sakit makitang ganito ang kalagayan niya. I missed him so much.

"Hun," I said as I traced his nose bridge. "I missed you. You should open your eyes for you to see my baby bump. 3 months na ang baby natin, Alejandro. Hinihintay ka na namin. I can't wait for you to touch my tummy dahil sigurado akong matutuwa ang baby natin. Bumalik ka na sa amin, please."

Katahimikan ang sumagot sa akin. Tanging ang tunog ng makina mula sa heart monitor ang naririnig ko at natatakot ako na baka biglang— stop right there, Sage. Hindi mangyayari ang iniisip mo. Stop.

"Hihintayin kita kahit pa gaano katagal. Our baby and I will always wait for you kagaya ng ginawa mong paghahanap, paghihintay at pagsasakripisyo para sa akin noon. Alejandro, gumising ka na. Pangako, babawi ako sa lahat. I love you so much, hun."

Hindi ako susuko kay Alejandro kahit pa sinabi na mismo ng doctor na maliit lang ang chance na magigising pa siya ulit. Kahit gaano pa kaliit ang chance na sinasabi niya, kakapit at kakapit ako. Hindi ko siya susukuan. Hinding-hindi.

"I can't for you to come with me every check up. Gigising ka pa at sasamahan mo naman ako 'di ba?  Kapag 'di mo talaga ginawa, malalagot ka talaga sa'kin."

Tinitigan ko si Alejandro ng mabuti. Ang gwapo niya talaga. Mukha siyang anghel habang tulog pero mas gusto ko yung nakikita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ang swerte ko sa parteng ako ang pinili nitong mahalin.

"Alejandro, hindi ako mag-iisip ng pangalan ni baby kasi gusto kong ikaw ang magbigay ng pangalan sa kanya," Gumaralgal ang boses ko at parang sinasakal ang puso ko. "Patawarin mo ako. Patawad kung hindi ko nasabi kaagad sayo na buntis ako. I was so selfish at pinagsisihan ko yun."

My tears fell as I reached for his hand and I held it tightly na para bang kapag hindi ko ginawa ay tuluyan na siyang maglalaho.

"I'm sorry kung nasabi ko man na kung mabubuntis man ako, kailanman ay hindi ikaw ang gugustuhin kong maging ama ng anak ko. Isa yung malaking kasinungalingan, Alejandro. The truth is, you just don't know how happy I am knowing that you're the father of my child. Mahal na mahal kita, Alejandro. Gising na ha? Hihintayin kita."

Mariin akong napapikit. Ang lungkot lang na hindi ko siya maririnig na sumagot pero kailangan kong kayanin. Naniniwala along maririnig ko ring muli ang boses niya.

"Sage..."

Napalingon ako sa likuran ko at doon nakita ko ang kakapasok lang na si Eli. Bahagya akong ngumiti. Eli went to me at kaagad akong niyakap ng magaan bago bumitaw.

"Umalis na pala ang mga magulang ni Alejandro. Ibinilin nilang magpahinga ka na raw, Sage. Parating na raw si Marcus at siya na muna ang magbabantay sa kapatid niya. Umuwi ka na muna, Sagey."

Bahagya akong umiling at hindi iniwan ng tingin ko si Alejandro. My heart aches even more. He's near but it seems like he is so far.

"Hindi ko siya iiwan, Eli. Dito lang ako sa tabi niya, dito lang." This is where I belong. I belong to Alejandro's side.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon