Chapter 09

18.9K 744 75
                                    

Sage Imperial's

"Sagey, baby!

Alam niyo naman na kung sino ang palaging tumatawag sa akin ng Sagey baby, none other than Marcus. Nilingon ko ito and I saw him approaching me, nakangiti ito kaya hindi ko rin mapigilan ang ngumiti. Nakakahawa ah?

"I missed you!" Agad nitong sabi nang makalapit sa akin. Akmang yayakap pa ito pero inundayan ko ito ng suntok kaya ginulo niya na lamang ang buhok ko.

"Hindi ka papasok ngayon?" he asked. Tumango ako bilang pagsagot. Yeah, nag absent muna ako sa part time ko kasi parang kailangan kung huminga sa mga nangyari kanina.

I tried to contact Caelus but he's out of coverage kaya hinayaan ko na lang muna. I care for him but I shouldn't meddle with their problem. Caelus is a brave person so he can make it.

Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagkurot ni Marcus sa pisngi ko. "You're spacing out, are you okay?"

Tumango ako and I gave him a smile for assurance. Naku! Ayusin mo sarili mo, Sage. You invited Marcus tas tutunganga ka.

Ah, right. I invited Marcus tonight kasi gusto kong malaman kung ano na ang progress ng puso niya. Chismosa ba? Hindi, curious lang.

"Halika, Marcus. May bibilhin ako," Ngingisi-ngisi kong sabi.

Naglakad na ako ganoon din si Marcus. He's walking beside me. Ang daming napapalingon sa amin habang naglalakad. It's like a spotlight were on us. Syempre, who would not? Ang gwapo ni Marcus at halatang isa na namang definition ng hot billionaire.

"This is my first time being in this place, Sage," Rinig kong sabi nito. He sounded so amaze na ikinatawa ko. Napangiti ako.

I decided to met Marcus in a seaside. I wanted to feel the night breeze 'saka masarap ang mga benta nila dito. Ewan ko na lang kung ang hindi sanay na sikmura ni Marcus ay hindi magreklamo.

Huminto kami sa isang tindahan ng isaw. "Manang, apat na isaw ho," sabi ko't agad na dumukot ng pera sa bulsa ko. Agad na ngumiti ang matanda.

"Is that intestines?" Marcus asked. Napalingon ako sa kanya dahil sa tono ng pananalita niya. Kinagat ko ang labi ko kasi natatawa ako dahil sa hindi maipintang mukha niya. Ngumuso naman ito.

"Oo, chicken intestines. Masarap yan," sabi ko kahit na nahihirapan ako dahil sa pagpipigil ng tawa. Bwesit!

"Malinis yan, Sagey baby?" Bulong niya sa tenga ko. Bango ng hininga. Tumango ako at marahang tinapik ang braso niya.

Magsasalita na sana ito nang biglang nagsalita si manang na nagtitinda. "Mga hijo, mag nobyo ba kayong dalawa?"

"Naku! Hindi ho, manang. Magkaibigan lang kami." agarang kong sagot. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Marcus sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit, manang? Bagay ba kami?" he asked. Napanguso ako. Baliw talaga 'to.

"Oo hijo, naku! Bagay na bagay kayo. Kapag naging kayo, huwag niyong intindihin ang sasabihin ng iba ha? Basta ba masaya kayo't walang naaapakang tao."

"Okay lang ho sa inyo ang isang magkarelasyon na pareho ang kasarian?" Hindi ko mapigilang tanong.

Ngumiti muna siya at inihinto ang pagpaypay sa isaw. "Oo naman. Wala kasi sa kasarian yan. Kapag nagmahal ka, nagmahal ka."

Parang hinaplos ang puso ko. I am so happy that there are still people who doesn't judge us, that for them love is love.

"If ever he'll be mine, I won't let him go, manang."

Kinurot ko ang braso ni Marcus na nakaakbay sa akin. Natawa lang ito at agad na inalis ang braso niya. Sinamaan ko nga ng tingin. Ang kulit!

Inantay lang namin ang isaw at nang maluto ito ay agad na akong nagbayad. Nagtalo pa kami ni Marcus kung sinong magbabayad at sa huli, napasunod ko siya.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon