Chapter 14

15.6K 686 125
                                    

Sage Imperial's

I am inside Sir Alejandro's room tonight.

I am doing some work on my laptop na kailangan na kailangang tapusin. He's at the bed while I am at the chair. Pareho kaming nagtitipa sa laptop.

The meeting will be tomorrow at 10 am. It's 9 pm already pero hindi pa rin kami tapos. Heto naman kasing si Sir Alejandro, may ipapagawa pala, hindi agad sinabi edi pareho kaming stress ngayon.

"Sage," he called. I lifted my head to look at him, he's not looking at me. "Po?" I answered.

"Aren't you done yet?"

Tumingin ako sa laptop bago sumagot. "Hindi pa ho, Sir Alejandro."

"That's enough. Magpahinga ka na. Just send me the files at ako na ang tatapos," he commanded kaya napatingin ako ulit sa kanya.

Ngayon ko lang napansin ang suot nito. He's wearing a t-shirt and shorts. It's very unusual to see him like this, ay oo, first time kong makita na nakaganito siya. He looks good.

"Why are you staring at me?"

Bahagya akong ngumiti at 'saka binaling ang tingin sa laptop para magtipa ulit. "Bagay ho kasi sa inyo ang suot niyo."

Narinig kong napaubo ito. Pinigil ko na lang ang kaba ko. Sus! Maka-react naman 'tong si Sir Alejandro akala'y hindi madalas makarinig ng mga papuri sa kanya. Bagay naman talaga kahit anong ipasuot sa kanya it's just that I prefer his looks right now.

"Sage," Tawag nitong muli sa akin kaya tinignan ko siya. "Do I really look good tonight? Does it mean formal ones doesn't suit me?"

I sighed. "Hindi ho ganun, Sir. Bagay naman sa inyo kahit anong isuot niyo pero mas prefer ko ang looks niyo ngayon."

Tumango lang ito bago muling nagtipa sa laptop. Ganun na lamang din ang ginawa ko. Binilisan ko na lang ang pagtatapos sa trabahong ginagawa. Gusto ko itong tapusin dahil kaya ko naman 'saka nakakahiya kung si Sir Alejandro ang magtatapos nito. Masyado naman akong sineswerte kung ganun.

"Sasama po ba ako bukas, Sir?" I asked while still typing.

"Of course, you'll come with me."

Biglang tumunog ang cellphone nito I guess someone's calling him. Habang hawak niya ang cellphone ay tumingin ito sa akin kaya kumunot ang noo ko. He stood up and then he went to the bathroom.

Okay? What was that? Girlfriend?

Napatda ako sa iniisip. May girlfriend nga talaga kaya si Sir Alejandro?

I never heard that he's dating anyone but no one can really tell.

Nasa kabilang table ako katabi ng table ni Sir Alejandro at ng mga ka-meeting nito. Halata mong mga prominenteng tao talaga at hindi basta-basta ganoon din naman si Sir Alejandro.

As for me, wala naman akong ginagawa kundi ang umupo at kumuha ng ilang pictures for keeps. Fresh orange juice lang din ang inorder ko kasi tapos naman na kaming mag-agahan kanina sa hotel.

"Excuse me," Napatingin ako sa nagsalita. Isang matangkad at gwapong lalaki ang bumungad sa akin. Foreigner ata?

"Ye–yes?" Hindi ko napigilan ang mautal. Ang ganda ng mga mata nito. Malalim at kulay asul. His got ocean eyes.

"Are you alone?" he asked. "Can I sit here with you?"

Napatingin ako sa gawi nina Sir Alejandro at seryosong-seryoso ito sa pakikinig sa mga ka-meeting nito. Bumaling ako sa lalaki at ngumiti.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon