Chapter 15

16.4K 675 40
                                    

Sage Imperial's

Nakabalik na kami sa hotel at heto kami ngayon, nasa may pool area. Nakaupo lang ako sa may gilid ng pool at nakababad ang mga paa sa tubig habang si Sir Alejandro naman ay talagang nag swimming.

Pansin ko ang ilang babae na nasa pool ay panay ang titig kay Sir Alejandro. I can't blame them though, with that perfectly body and face of him? Everyone will drool.

My eyes roamed around and I saw men whose topless and women in two piece suit. Napalunok ako. Grabe naman, may paligsahan bang pagandahan ng katawan dito ngayon? Both women and men are on fire right now. Ako lang ata ang naligaw.

May kumaway sa akin na lalaki. Marami siyang kasama na nang mapatingin din sa kung sino ang kinawayan ng kaibigan nila ay kumuway din. Ang iba ay nag 'wai'. Ngumiti na lang din ako. Masyado akong naaliw kakatingin kaya hindi ko napansin ang pag-upo ng boss ko sa tabi ko.

"Titigilan mo yan, Sage o sisirain ko ang buhay ng mga yan?" Himig na may pagbabantang sabi nito. Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

"Tigilan? Ang alin?" Nagtataka kong tanong.

"Stop looking at them. I'm warning you."

Hindi na lang ako nakipagtalo pa't hindi na muling tumingin dahil hindi man ako sigurado, pero base sa pinapapakita nito, baka totohanin niya lang na sirain ang buhay ng mga yun. Wala namang ginagawa yung mga tao. Utak naman talaga nito, oo.

"Aren't you going to swim?" he asked.

Umiling ako. "Mas gusto ko na lang hong matulog sa room ko kesa dito. Parang may paligsahan ng beauty and body. Mukha lang akong naligaw kaya huwag na. Hindi na ako magswi-swimming." Kahit gustong-gusto ko.

"Naligaw? Are you dumb? Hindi mo ba napapansin ang mga tingin na ibinibigay ng mga lalaking yun sayo?" he irritatedly said. "They fucking like you!"

"Gusto, oo. Gustong paglaruan at hindi ho ako interesado."

Silence consumed us. I turned to look at him at nakita kong nakataas ang gilid ng bibig nito pero hindi nakatingin sa akin. I sighed.

"Tingin mo ba paglalaruan ka lang ng lahat ng magkakagusto sayo?"

Medyo nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko kasi enexpect na magiging interesado itong magtanong sa akin ng mga ganoong bagay.

"Hindi ko nilalahat, Sir. Alam ko lang kung kailan sincere at kung kailan laro lang ang gusto sa akin ng isang," I paused. Nahihiya akong bigkasin pero kailangan. "Lalaki." Dugtong ko at uminit ang mukha ko.

"You don't have to be shy liking men, Sage," he chuckled. "My grandfather's first love is a guy, my father told us that he had a boyfriend back then in his college days and one of my uncle is married to a guy, they're living in France as of now."

Napanganga ako sa sinabi nito. Hindi ko mahagilap ang tamang salita na sasabihin kasi naman gulat na gulat ako sa narinig. Binigyan ko siya ng seryoso-ba-yan look.

His eyebrows met at parang naiinis sa akin. "It's fucking true, Sage," he irritatedly said. "We grew up being taught that gender won't matter."

Napalunok ako. "Ibig sa–sabihin, Sir, walang homophobic sa pamilya niyo?"

He sighed at iginagalaw ang paa niya sa ilalim ng tubig. "One of my cousins is homophobe. Anak ng youngest brother ni papa. I don't know why he is homophobic when my uncle and tita aren't."

Napatango ako. Hindi naman siguro yun mawawala pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Alfonso clan is well-known and powerful and I didn't expect them to be like this.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon