Chapter 33

10.6K 426 9
                                    

Sage Imperial's

I received a text message again from that unknown person at it says, 'the wait is finally over.'

I tried calling the number pero hindi ko macontact. Out of coverage lang ang laging sinasabi ng operator.

Noong una akong nakatanggap, hindi naman ako kinabahan kasi inisip ko na binibiro lang ako pero ngayon parang hindi kasi ito nagbibiro.

Pinilit kong isawalang bahala pero may parte talaga sa akin na kinain na ng kaba at katanungan patungkol sa taong 'to.

"Anak, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik?"

Agad akong napatingin kay mama nang marinig ko itong nagsalita. Nakatingin na pala silang lahat sa akin. Andito pa rin kami sa bahay at naghahapunan. Marcus is also here.

"Wala, mama. May iniisip lang ako pero hindi naman importante." Nakangiting sabi ko na lang para makumbinsi ko sila.

"False news, kuya. Siguradong importante yang iniisip mo eh. Yung boyfriend mong andun sa Singapore 'di ba?" Pang-iinis ni Sammy. "Ang oa! Parang dalawang araw lang namang hindi mo makakasama. Asus! Ayan tayo eh mga first time nagkajowa."

"Tigilan mo nga ako, Sammy!"

I heard Marcus chuckled kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sigurado akong pareho sila ng iniisip ni Sammy. Naku talaga!

"Tama na nga yang pang-iinis mo sa kuya mo, Sammy. Kumain na tayo," sabi ni papa habang napapailing na lang.

Mabuti at nanahimik naman si Sammy. We all continued enjoying the food that my mother cooked. Iwinaglit ko na lang sa isipan ko yung message kasi baka mawalan lang ako ng gana at magtaka na naman sila.

"Dito ka ba matutulog nak?"

Tanong ni mama pagkatapos naming kumain. Nasa sala kami ngayon maliban kay Sammy at Santi na andoon sa kusina at naghuhugas ng mga pinagkainan namin.

"Hindi po, mama—"

Natigil ako sa pagsasalita nang may tumawag kay Marcus. He looked at me as if he's asking permission and so I nodded.

"Excuse me po. I'll just answer this." Paalam niya sa mga magulang ko.

Nang lumabas si Marcus ay naiwan kaming tatlo. Ako, si mama, at si papa.

"Dito ka na matulog, Sage. Wala kang kasama doon," sabi ni papa habang nililipat ang channel. "Bukas ka na lang bumalik doon."

"Kaya nga, nak. Dumito ka muna ngayong gabi." Segunda ni mama.

Saglit akong natahimik upang mabilis na mag-isip. Oo nga naman, ilang buwan na akong hindi nakakatulog dito. Namimiss ko na rin ang kwarto ko.

I smiled. "Sige po, mama. Dito na lang muna ako ngayon."

"Sige! Saglit lilinisin ko ang kwarto mo. Baka makalat doon. Alam mo naman yung kapatid mong si Sammy—"

"Hindi na, ma. Nilinis na yan ni Sammy kanina." Pigil ko dahil akma na siyang tatayo.

Tumango-tango si mama at muling umupo.  Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming tatlo dahil pumasok na naman sa isipan ko ang message na natanggap ko.

Kung ipatrace ko kaya? Kanino naman ako magpapatulong e ayaw ko ngang sabihin sa kanila na may mga natatanggap akong ganoong mensahe mula sa kung sino mang walang magawa sa buhay.

"Anak, ayos ka lang ba talaga?" Papa asked. Napatingin ako sa kanya. "Kanina ka pa kasi bigla na lang tatahimik. May nangyayari ba sayo?"

"Baka naman namimiss lang masyado ang boyfriend gaya ng sabi ni Sammy. Hayaan mo na yang anak natin. In love lang yan." Sabat ni mama.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon