Chapter 24

13.4K 544 54
                                    

Sage Imperial's

It's been a week since I moved in to Alejandro's unit.

Sa loob ng buong linggong yun, wala kaming ginawa kundi gawin ang mga ginagawa ng magkarelasyon well, except him fully taking me.

Napahinto ako sa pagtatype sa laptop when I remembered his answer noong minsang tinanong ko siya.

"Why aren't you taking me yet, Alejandro?"

"I will take you fully only if I heard you saying that you love me, sweetheart. Gusto ko, mahal mo na ako bago ulit natin gawin yun."

I was left so speechless that time. I admit that I was really moved by what he said. Pinili ko noong hindi kumibo at niyakap na lang siya.

I want him to know that my heart's melting.

Napangiti ako at muling nagtipa sa laptop ko. I am alone here in the office because Alejandro's conducting a meeting with the board. May mga ibinilin lang siya na pina-eencode. I was busy with what I am doing when my phone rings. Agad ko itong dinampot and I saw that it's Sammy.

"Hello, Sammy?" Agad kong bati sa kabilang linya.

"Kuya, kamusta ka dyan?" Heard him asked. Ngumiti ako.

"I'm fine, Sammy. Kayo ba? 'saka dadalaw ako dyan sa bahay mamaya—"

"Eh? Huwag na, kuya. Wala kami sa bahay 'no. Nagbakasyon kami. Ayos lang kami."

Sumimangot ako. Ang galing! Sila nagbakasyon tapos hindi nila ako isinama. Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko.

"Hindi niyo man lang ako sinama?" Kunwaring naiinis kong tanong.

"May trabaho ka kaya. Sira ka ba kuya? 'saka one week lang naman kami dito kaya sa susunod na linggo ka na lang dumalaw 'no."

Napairap ako. "Oo na! Sige na! Mag-enjoy na lang kayo dyan," I sighed. "Nasaan ba kayo nagbakasyon?"

"Secret baka puntahan mo pa kami tapos isasama mo jowa mo edi maiinggit lang kami!"

My forehead wrinkled. "Sinong jowa?"

"Sino pa ba? Edi ang ka live in mong si Sir Alejandro!"

Tumawa lang ito at ilang saglit pa'y narinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya.

"Sammy, ibaba mo na nga yan, nagtatrabaho ang kuya mo. Disturbo ka talaga," Napangiti ako.  "SAGE! Nak, Mag-iingat ka dyan ha? Mahal ka namin."

"Babye kuya mwah!"

Iyon lang at pinatay na ni Sammy ang tawag. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko nang mapansin kong may text message pala galing kay Eli.

Eli— Sage, kamusta ka dyan? Labas tayo minsan oy! Parang kinakalimutan mo na ako;((

Sira talaga. Kalimutan daw e halos araw-araw akong nagtetext. Paminsan-minsan ay tumatawag ako sa kanya.

— Sira. Lagi kitang tinetext 'no.

Sent.

Eli— Duh! Oo pero iba pa rin yung nakikita kita kaya kapag free ka, labas tayo haaa?

— Oo na, sige. Sasabihan kita kung kailan ako pwede.

Nag reply lang siya ng okay with smiley kaya hindi na ako nagreply. Inilapag ko na ang cellphone para magpatuloy na sa ginagawa ko.

I sighed. Napatingin ako sa table ni Alejandro at napangiti. Parang nakikita ko siya na nakaupo doon habang seryosong-seryoso sa ginagawa niya.

Bumilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa pangalan niyang nakaukit sa plaque. I never experience being in love kaya hindi ko pa talaga masagot-sagot ang sarili ko kung ang nararamdaman ko ngayon ay higit na ba sa salitang 'gusto'.

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon