Chapter 1

1.9K 37 5
                                    

Prologue

"Is that you, Master Myoujin?" ani ni Sofia na kaniyang pinsan.

"Yes, I am back!" pabalik na tugon nito kay Sofia.

"How's your trip insan at kumusta ka sa Japan? 6 years na pala noong huli tayong magkita."

"Heto I am still killer and may illegal business pa rin. How's my business here?"

"It is still good and fine. Mabuti bumalik ka na?"

"Alam mo naman ang dahilan kaya bumalik ako rito sa Pilipinas."

"I know, it is about your company?!"

"You are wrong Sofia, alam mo na naman ang nangyari 6 years ago na ang nakakaraan."

"It is because kay Yuffie? Pero high school pa lang kayo noon hindi ba? and you have a long time relationship with Megumi."

"I don't care about Megumi. Yuffie is mine at ang akala niya makakatakas siya sa'kin, she is wrong. Kaya bumalik ako para makapaghiganti sa ginawa niya sa'kin!"

Hindi makaimik si Sofia sa isinaad ng kaniyang pinsan dahil sa nakaraan ni Myoujin at 6 years ago na ang nakakaraan.Sa ngayon ay 22 years old na si Myoujin at siya ang nagmamay-ari ng mga sikat na kumpanya ng alak sa bansang Japan at Pilipinas. Mayroon din siyang sariling restaurant at sa ngayon isa siyang head ng Yakuza na kapalit ng kaniyang lolo na si Hiro Aki.

Chapter 1: Myoujin Waldstein Ferrer- Aki


“Myoujin, umuwi ka rito sa Pilipinas dahil kailangan ka ng daddy mo rito,” wika ni Daniela na nanay ni Myoujin habang kausap niya ito sa telepono.

Sa ngayon ay nasa Shinjuku City si Myoujin at kasama nito ang kaniyang lolong si Hiro Aki. Sila ay ang nagmamay- ari ng Sochu Whiskey Company na pinakasikat na kumpanyang alak sa iba’t- ibang bansa. Napakayamang pamilya ng mga Aki kaya’t laki sa laway si Myoujin sa kanilang pamilya. Nag-iisang anak siya nina Daniela Ferrer na isang Filipina at Nishimura Aki at nag- iisang apo siya ni Hiro Aki. Nagpaiwan sa bansang Japan si Myoujin sa kadahilanang mas gusto niyang makasama ang kaniyang lolo Hiro. Nag-aaral sa ngayon si Myoujin sa pinakasikat na eskuwelahan sa Japan, ang Hotsuma International School Tokyo. Pinakasikat din siya sa kanilang eskuwelahan at presidente siya sa Student Council Community. Sikat din siya sa mga kababaihan subalit hindi niya masyadong pinapansin ang mga ito.

“O- genki desu ka? Myoujin- san? (Kumusta ka na, Myoujin?),” pasulyap na wika ng babaeng kaniyang kamag-aral habang naglalakad si Myoujin patungo sa kaniyang classroom.

Hindi niya kinibo ang babae at patuloy lamang ito sa paglalakad patungo sa kaniyang classroom. Mayroong itong matalik na kaibigan na isang kalahating dugong Hapones din, siya ay si Maki Kamado. Galing din ito sa napakayamang pamilya at vice-president naman ito sa Student Council Community. Tulad ni Myoujin, sikat din ito sa paaralan at matalik na magkaibigan ang dalawa.

“Oh, oh, Myoujin-san, anata wa sou josei ni hijou ni shitsurei desu! (Napakasungit mo naman Myoujin!),” tumatawang saad ni Maki sa kaniya.

“Puwede ba Maki, mag-usap tayo ng normal. Dalawa lang tayong magkatabi rito, mag-tagalog muna tayo,” seryosong wika naman ni Myoujin sa kaniya.

“Sige na nga, ano ba ang problema mo kung bakit mo sinungitan ang babae kanina? Lumalapit na nga ang pain tinanggihan mo pa ang grasya.”

“Hindi ako interesado sa mga babae rito sa ating eskuwelahan.”

“Napaka-cute no’ng babaeng kausap mo kanina, nasa Senior High School na iyon.”

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon