Chapter 2

699 14 0
                                    

Myoujin’s POV

Umuwi ako sa bansang Pilipinas kasama ko ang aking personal na yaya, si Aling Cossang. Tatlong taon na ang nakakaraan nang napagdesisyunan ng aking mga magulang na lumipat sila sa Pilipinas. Ang habilin ng aking lolo sa kanila upang hawakan nila ang isa naming kumpanya ng alak na ipinatayo sa bayan ng aking mommy. Matanda na ang aking lolo at ang kaniyang katuwang sa negosyo rito sa Japan ay ang aking Oba-kun na si Asahina Aki. Siya ay kapatid ng aking daddy at mas pinili nitong huwag nang mag-asawa pa. Magkasundo naman kami ng aking Oba-kun at lagi niya rin akong sinusundo sa paaralan upang pumunta sa Akihabara. Namimili kami ng mga anime items o naglalaro kami ng mga Video Games dahil iyon lamang ang aming libangan. Kaya’t nalungkot siya nang nabalitaan nitong ipinauwi ako ng aking Oji-san dito sa Pilipinas. Ngayong nasa Pilipinas na ako, malaki man ang aming mansyon nakakainip pa rin pala rito. Isinama ako ng aking daddy sa aming pinamamahalaang naming eskuwelahan at malaki naman ito pero parang iba pa rin sa paaralang aking nakasanayan.
“Heto na ang bago mong eskuwelahan Myoujin, matuto ka sanang makisama,” pagbabantang saad sa akin ng aking daddy.

“Bakit naman ako makikisama, dad, sa atin ang paaralang ito. Dapat sila nga ang makisama sa akin,” seryosong wika ko sa kaniya.

“Hindi tama iyan anak, hindi Japan ito at ikaw ang bago, dapat ikaw ang makisama!”

“Naze dame desu ka?! (Bakit hindi?!)”

“Pag-aralan mo na rin magsalita ng tagalog sa lahat ng oras. Huwag mo muna akong kausapin ng Japanese dahil sinasanay ko na rin ang sarili ko.”

Tumawa ako nang malakas dahil natatawa ako sa pagkakabigkas ng aking daddy sa tuwing nagtatagalog siya. Sa totoo lang sanay naman akong magtagalog kaya’t hindi ako hirap sa pagsasalita. Ginagamit ko lagi ang salitang tagalog sa tuwing kasama ko si Maki. Hindi pala ako nakapagpaalam sa kaniya at tiyak na nagcha-chat na iyon sa aking cellphone. Hindi naman kasi ako active sa Social Media.

“Anong tinatawa- tawa mo Myoujin? May nakakatawa ba?” Seryosong saad sa akin ni daddy.

“Ie, jyoudan desu, (Wala nagbibiro lang ako),” tumatawang wika ko sa kaniya.

Nakarating na kami sa paaralan at sinalubong ako ng aking personal na battler na si Manong Rolando. Lahat ng mag-aaral at guro sa Waldstein Academy ay nagtipon- tipon upang salubungin kami sa gate. Habang naglalakad kami papasok sa paaralan lahat ay yumuko upang magbigay- galang sila sa amin. Tiningnan ko ang kanilang uniporme parang katulad din ng uniporme ko sa aking dating pinapasukang paaralan. Sa ngayon ay nasa Grade 9 na ako at idinala ako sa pinakamataas na section. Unang pagpasok ko ngayong araw sa paaralan ngunit hindi ako pumasok at nanatili muna ako sa aking personal room. Umuwi na ang aking daddy at nakasama ko lang ang aking battler dito sa aming paaralan.

“Hindi ka ba papasok Master Myoujin sa classroom mo?” tanong sa akin ng aking battler.

“Tinatamad ako, what’s the point kung papasok ako? Kahit hindi ako pumasok alam ko na ang pinag-aaralan nila, “ saad ko sa kaniya.

Umupo ako malapit sa bintana at uminom ako ng kalahating baso ng tsaa. Ang aking battler ay siya rin ang personal maid ko rito sa aming paaralan. Sa pagdungaw ko sa bintana may nakita akong estudyanteng nagmamadali at tila late na ito sa pagpasok. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha at nakasakay lamang ito sa tricycle. Natawa ako dahil ang pagkakaalam ko puro mayayaman ang mga nag-aaral dito sa aming paaralan. Buong araw akong hindi pumasok at umuwi na kami ng aking battler sa mansyon. Sa unang araw ko pa lang lumabas sa aming mansyon tila gusto ko na rin umuwi sa Japan. Mabuti na lamang at nariyan si Aling Cossang upang maalalayan ako nito.

“Kumusta ka na, Aling Cossang? Nakauwi ka na ba sa inyo?” tanong ko sa kaniya.

“Opo, Master Myoujin, nakauwi na ako. Salamat po pala sa ibinigay ni’yong pera sa akin dahil nakadagdag ito sa allowance ni Yuffie,” nakangiting tugon nito sa akin.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon