Yuffie’s POV
Sa tuwing nakikita ko si Master Myoujin ay hindi ko maiwasan ang aking galit kahit pinipigilan ko. Mas madalas na ang pag-iwas ko at pinapaiwas ko rin ang aking mga anak sa kaniya dahil kung sakaling iwan niya kami ulit, handa na sila at hindi na sila mahirapan pa. Tanda ko pa noong sinabi niya sa akin na hindi niya ako mahal at minamahal niya si Miyaka. Ang sakit ng aking narararamdaman at mas nasaktan pa ako no’ng nakita ko silang naghalikan at nagtabi sa iisang higaan. Nang makauwi kami ng Cebu halos mamaga ang mata ko sa kakaiyak dahil sa tuwing nakikita ko ang aking mga anak na pinagtabuyan ng kanilang sariling ama, tila bang sinasakal ang aking leeg at binubugbog ang aking puso. Hindi ako makakilos at makapag-isip ng mabuti dahil hinahanap ni Myoura at Yujin ang kanilang ama. Isang araw ay hindi na kumibo si Yujin at nanatiling tulala. Naubos ang ipon ko sa pagpapagamot sa kaniya dahil nakaranas ito ng trauma. Lumipas na pala ang halos isang taon at gumaling na si Yujin at hindi na muli pang natulala. Pinilit kong maghanap-buhay upang malamnan ang kanilang tiyan at katuwang ko si nanay. Sa probinsiya kami nakatira at pagsasaka, pagtitinda ng gulay at produktong pang-agrikultural ang hanap-buhay. Hindi ko tinanggap ang mga ibinibigay na tulong ni Master Myoujin na inaabot niya kay Manong Ronaldo dahil gusto na namin siyang kalimutan. Tinanggap ko na ang kapalaran kong lalaki ang aking mga anak na walang kinatayuang ama. Dalawang araw pa lang kami rito sa hotel at lagi pa rin umiiyak si Myoura dahil namamahay siya. Nakikita ko naman na bumabawi si Master Myoujin pero natatakot akong baka makasanayan nila at bumalik ulit ang sakit na iniwan ng nakaraan.
Isang araw ay dumating ang mga magulang ni Master Myoujin dahil nabalitaan nilang kasama na niya ulit kami. Hindi ako nagagalit sa kanila dahil alam kong nakiusap pa sina Ma’am Daniel at Sir Nishimura upang hindi lang kami iwan ni master at hindi ko rin tinanggap ang ibinibigay nilang tulong sa’min dahil tuluyan ko nang tinanggal ang koneksyon ko sa kanilang pamilya. Una nilang niyakap ang kanilang mga apo at walang tigil ang kanilang pag-iyak. Niyakap din nila ako at humingi ng tawad. Sa ngayon ay wala si Master Myoujin dahil pumasok ito sa kaniyang opisina at hindi na rin sumasama si Yujin sa kaniya. Kinahapunan ay umuwi na sila at kahit pinagluto kami ni Master Myoujin ng almusal ay hindi ko iyon ipinakain sa kanila. Hindi ko ginalaw ang pagkain. Malayo na rin ang loob ni Yujin sa kaniya dahil nasa pitong taong gulang na si Yujin at nasa tamang kaisipan na. Nadatnan kami ni Master Myoujin na kumakain sa may balkonahe at pinagluto ko na lang ng noodles ang aking mga anak at kumain na kami. Hindi man siya sinalubong ng kaniyang mga anak at nang tangkang hahalikan niya sa pisngi si Yujin ay lumayo ito. Si Myoura lang ang yumakap sa kanilang ama at napatulo ang luha nito. Lumayo rin ako sa kaniya at hinayaan ko sila ni Myoura. Nakita ko siya na uminom ng alak at binasag niya ito. Nakatulog na rin ang aking mga anak pero nasa isang silid kami at hindi nakitabi sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na umuwi na lang kami ng Cebu pero naaawa ako sa mga anak kong nasabik sa kanilang ama. Minsan ay pumunta ako sa c.r upang maligo subalit nagulat ako dahil pumasok si Master Myoujin.“M-Master M-Myoujin—” gulat na saad ko at halos hindi ko alam kung papaano kong takpan ang hubad kong pangangatawan.
Itinulak niya ako sa pader at hinalikan niya ako nang napakarahas. Pilit ko siyang itinutulak dahil kinakapa na niya ang maseselang bahagi ng aking pangangatawan. Nasampal ko siya at napaupo ako sa sahig ng banyo.
“T-Tama na, Master Myoujin—” umiiyak na saad ko sa kaniya.
“Bakit kayo umiiwas at pinapaiwas mo ang ating mga anak?!” pagalit na wika niya sa akin dahil alam kong nakainom siya.
Umiyak ako nang umiyak at halos hindi ako makapagsalita sa kaniyang harapan. Sobrang sakit at dahil nagagagalit pa ako sa kaniya.
“Mahal mo pa ba ako?! Sabihin mo ang lahat Yuffie, saktan mo ako kung kailangan! Upang maalis ang sakit sa sinaktang kong puso mo. Nakikiusap ako, Yuffie, huwag kayong umiwas sa’kin, ang sakit na kasi. I am sorry, dahil hinayaan ko kayo at dahil nasaktan ko kayo.”
BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
Lãng mạnWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...