Chapter 35

354 11 0
                                    

Myoujin’s POV

Pumasok ako ng trabaho kaya hindi ko nahatid ang baby kuya ko sa school niya. Ang main branch kasi ng company ko, ang Sochu Wine ay narito sa Japan. Nakipag-meeting ako sa ka share holders ko sa company at hindi siya makapaniwala na parang college student lang daw ako.

“I thought the owner of this company was old. I was wrong, Master Myoujin Aki,” nakangiting saad ni Minerva Cunningham-Kudo sa aking harapan.

Nakapag-asawa siya ng isang hapones at siya ang may ari ng isang kilalang beer company sa bansang America.

“Yes, I am not old as you expected, Madam Kudo,” nakangiting wika ko sa kaniya.

May ibinigay siyang picture sa’kin at alam kong anak niya ito. Maganda siya pero mas maganda naman sa kaniya ang future wife ko.

“That’s my daughter, isn’t she beautiful? If you want to court her, I will agree because me as her mom. I also want to get her married because she is 24 years old,” pagrereto nito sa kaniyang anak.

Pinagmamalaki nito ang kaniyang anak at tumango-tango na lang ako.

“I am sorry madam, I have a fiancé and I have a son. She is also about to give birth to our second child,” pagmamalaki kong saad sa kaniya at saka ko ipinakita ang pictures namin.

Nagulat siya dahil sa murang edad ay nagkaanak ako. Ikinuwento ko na nabuntis ko si Yuffie noong high school pa lang kami. Nalaman ko rin na kaya pala gusto niyang makipag-share ng share holders dahil gusto niya ako para sa anak niya at gusto raw ako ng anak niya. Umalis siya at wala naman akong pakialam sa mga gustong umanib sa company ko. Biglang tumawag sa akin si Yuffie na umiiiyak at nakita ko ang cellphone ko na napakaraming miscalls ng mga tao sa bahay. Pati na rin ang mga kasapi ko sa Yakuza ay tumatawag din sa’kin.

“L-Love bakit?” tanong ko kay Yuffie sa kabilang linya.

“L-Love may tumawag dito sa bahay, kinidnap daw si Yujin. Patay na rin ang personal battler niya!” bulalas na wika ni Yuffie habang walang-tigil sa pagluha.

“S-Sure ba kayo, l-love. Baka prank call lang iyan or death threats?” nanginginig na wika ko.

Biglang sumabad sa usapan si tiya Asahina at totoo ng ana kinidnap si Yujin. Napaupo ako sa sahig at kinuyom ko ang aking kamao. Kaagaran akong umuwi sa mansion kahit may importanteng meeting ako sa office ko.  Nang makauwi ako sa mansion, nawalan ng malay si Yuffie. May ibinigay na tape video ang tiya ko na ipinadala ng mga kumidnap sa anak ko. Pinanuod ko ito at nanlumo ako sa aking nakikita. Nakapiring ang mata ng baby kuya ko at nakatali sa upuan. Nakikita ko na pinapahirapan ang baby ko gamit ang stick na pamalo at pinapalo nila ito. May mga latay na rin siya, kitang-kita ko sa video ang pag-iyak niya habang tumutulo ang laway niya dahil sa sakit ng pagkakapalo sa kaniya.

“DADDDDDYYYYY---” sigaw ng anak ko sa video.

Napaluhod ako at napaiyak sa nakita ko.

“BABBBYYY KUYYYAAA----” sigaw ko at tila mawawala ako sa katinuan.

Hindi ko kilala ang mga kumidnap sa anak ko at nagbigay ulit sila ng clue kung sino sila. Sila ang anak ni Kurori na pinatay ko sa Casino de Carnabal. Naghihiganti sila sa akin at pinapunta nila ako sa abandonadong building. Wala akong dinalang kasama at nakita ko rin ang pinakakatakutang kong kaaway na si Jiro Fukuda. Kasapi siya ng Serpent Crimson Yakuza at siya ang pinakamatindi kong kaaway. Alam niya rin ang aking mga galaw.

“Long time, no see Myoujin-sama,” sarkastikong wika niya sa akin.

Tumawa lang ako sa kaniyang harapan at inaya niya akong maglaro. Nanginig ako dahil alam kong hindi ako mananalo sa kaniya. Patakbo ko sanang lalapitan ang anak ko pero pinigilan ako ng mga kalaban.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon