Chapter 9

488 10 0
                                    

Nang kinahapunan naghintay si Ji Hoon kay Yuffie upang sabay na silang umuwi. Hinintay niya sa kaniyang classroom ang dalaga at nakita niyang pumasok pala si Myoujin. Naghihintay rin sina Xu kai at Ryuu dahil hinihintay nila ang kanilang mga girlfriend na sina Alice at Fiona. Tumingin naman si Myoujin kay Yuffie senyales na sabay silang uuwi ngayong hapon.




“Bakit narito kayong tatlo?” pagtatakang tanong naman ni Myoujin kina Ji Hoon, Xu Kai at Ryuu.




“We are waiting for our girlfriends, master,” saad naman nina Xu Kai at Ryuu.






“You, why are you here?” tanong naman niya kay Ji Hoon.




“I’m waiting for Yuffie, master,” saad naman ni Ji Hoon sa kaniya.




“Don’t wait for Yuffie, Ji Hoon, we will do our project,” seryosong wika ni Myoujin sa kaniya.


“Hey, Yuffie, I’ll waiting for you at the library.”


Sambit nito kay Yuffie at saka na ito naglakad papalayo sa kanila.


Lumabas si Yuffie sa classroom at nakita niya si Ji Hoon.


“M-Master Ji Hoon, bukas na lang tayo magsabay dahil po kailangan namin matapos ni Master Myoujin ang project,” pagsisinungaling ni Yuffie sa kaniya at halata sa kaniya ang panginginig dahil sa kaniyang tinig.


“Okay sige. Sabay na lang tayong mag-lunch bukas,” tugon naman ni Ji Hoon sa kaniya.


“Wait!” tawag ulit ni Ji Hoon sa kaniya.


“A-Ano po iyon?” tanong naman ni Yuffie sa kaniya.


“Why are you shaking?” hinawakan ni Ji Hoon ang kamay ni Yuffie.


“W-Wala p-po, baka lamig sa aircon lang,” wika niya at hindi makatingin ang dalaga sa kaniya.


Ngumiti si Ji Hoon sa kaniya at bigla niyang niyakap ang dalaga.


“I know you are scared of Master Myoujin but don’t worry mabait iyon, promise.”


Ngumiti ang dalaga sa kaniya at naglakad nang papalayo ang binata sa kaniya. Nagtaka naman sina Alice at Fiona dahil alam naman nila na wala naman silang project na ginagawa. Pero alam nila na may pinagdadaanan si Yuffie ngunit hindi nila maintindihan kung bakit nagiging malapit si Myoujin sa kaniya. Maliban pa roon ay tila nag-iba ang kinikilos ng dalaga.


“Hey Love,” tawag naman ni Ryuu kay Fiona.


Niyakap naman ni Fiona ang kaniyang boyfriend.


“Let’s go!”


At saka na sila umalis.


Pumunta naman si Yuffie sa library at nakita niyang mag-isa lang si Myoujin habang nagbabasa ito ng libro. Namangha ang dalaga dahil kahit na napakasama nito sa kaniya bakas pa rin ang taglay na kaguwapuhan ng binata.


“Hey, come here,” tawag ng binata sa kaniya.


Lumapit si Yuffie sa kaniya subalit hindi siya nakitabi sa kaniya.

“Are you avoiding me?!” pagalit na saad ni Myoujin sa kaniya.

Napilitang umupo si Yuffie sa tabi ng binata at nabigla siya nang yakapin siya nito kasabay nito ang paghalik nito sa kaniyang labi.

“I just wanted to hug you,” wika ng binata sa kaniya.

“Totemo atsui,” dagdag na saad niya sa kaniya habang nakayakap ito sa dalaga.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon