Chapter 41

333 11 0
                                    

Myoujin’s POV
Dalawang araw na ang nakakalipas nang ikasal kami ni Yuffie rito sa Pilipinas. Hindi muna kami umuwi ng Japan for our honeymoon dahil balak ko sanang i-transfer si Yujin sa Walstein Academy sa elementary department. Pero hindi pa siya puwedeng lumipat dahil kailangan niya muna ma-fulfill at hindi pa natapos ang second quarter sa pinapasukang niyang school sa Cebu. Pinauwi ko muna siya roon at after 1 week ay puwede ko na siyang sunduin upang makuha ang form 137 at form 138 niya. Sa ngayon ay nasa grade 3 na siya at hindi siya nag-grade 2 dahil accelerated siya. Grade 5 daw sana kaya lang masyado pa siyang bata at labis siyang ipinagmamalaki ni Yuffie.

“Love, our son is clever and smart. Kung sana nariyan din ako upang sabitan siya ng medalya,” malungkot na wika ko kay Yuffie.

“Love, marami pang pagkakataon para masabitan mo siya ng marami pang medal. Tingnan mo ito love—”  nakangiting saad niya sa akin at ipinakita niya ang championship sa track and field.

“Magaling din pala siya sa sports and academics,” nakangiting wika ko habang binubuklat ko ang album.

“Manang-mana siya love sa’yo, guwapo na, matalino at magaling sa lahat ng bagay,” masayang saad ng aking asawa.

Niyakap niya ako habang nakakalong si Myoura sa’kin. Hinalikan ko naman siya sa noo at labi.

“Love, sasama ka ba bukas upang sunduin si Yujin?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi na love, hintayin na lang namin kayo dahil baby pa si Myoura at saka bibiyahe pa tayo sa Japan.”

Kinabukasan ay pumunta ako ng Cebu at sumakay na ako ng private plane namin. Pero pinadala ko rin ang sasakyan ko dahil ilalapag ni Manong Ronaldo ang plane sa palapagan. Nasa school ngayon si Yujin at ang sabi ni Aling Cossang ay kuhanan daw nila ng card at saktung-sakto ay mata-transfer ko na siya. Pumunta ako sa school nila at napakaliit lang pala ng school nila. Pinagtitinginan ako ng mga teacher at nagtanong na ako sa guard na parang nahihiya sa’kin. Iniikot-ikot ko ang mata ko sa paligid at alam kong nasanay na nga ang baby kuya ko rito.

“Don’t worry mr. guard, marunong po akong mag-tagalog,” nakangiting saad ko.

Napahinga siya nang malalim at nagsalita.

“Ang akala ko sir Korean actor kayo dahil kanina pa kayo pinagkakaguluhan sa likuran ni’yo—” nakangiting saad niya sa’kin at napatingin ako sa likuran ko dahil napakaraming tao at nakatingin sila sa’kin.

“Nasaan ang room ni Mrs. Guzman na grade 3 teacher dahil siya raw ang adviser ng anak ko.”

“May anak po kayo rito sir?”

“Oo, si Yujin Aki ang anak ko.”

Gulat na gulat ang guard sa’kin at tiningnan niya ako ng mula ulo hanggang paa.

“A-Anak ni Yuffie na ‘yong magandang tindera na mukhang manika?”

“Yes, she is my wife.”

Idinala ako ng guard sa room at eksaktong recess na nila. Nagtataka ako kung bakit hindi ko siya nakita at tumingin ako malapit sa garden nila. Nakita kong napakarungis niya at nagpapawis. Hindi ako makapaniwalang ganito si Yujin dito at ang kaniyang damit ay parang basahan na may butas-butas at hindi talaga sila maniniwala na anak ko siya. Pumunta ako sa sasakyan ko at kumuha ako ng damit niya. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakikipaglaro ito sa mga batang yagit na kamag-aral niya.

“Ang daya mo naman, nabawasan na ang text ko ng lima. Ilang power iyan?” wika niya habang nakikipaglaro ito.

Habang nakikipaglaro ito kinagat niya ang kaniyang damit at punong-puno ng laruang papel ang kaniyang damit.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon