FINAL CHAPTER

703 21 0
                                    

Hindi tinanggap nina Myoujin si Ji Hoon bilang asawa ni Yuhi. Nadakip si Ji Hoon at tuluyan nang bumagsak ang kanilang organization, ang Black Shadow. Bihag ngayon nina Wu Chen si Ji Hoon dahil marami itong kasalanan sa kanila. Hindi alam ni Yuhi kung saan dinala ng kaniyang ama ang kaniyang asawa. Subalit alam ni Yuffie ang kinaroroonan ni Ji Hoon at pati siya ay nagagalit sa kaniya dahil munti nang namatay ang kaniyang asawa at mga anak. Napapansin ni Yuffie na laging umiiyak ang kaniyang kapatid at lumipas na pala ang tatlong buwan magmula nang maghiwalay sila ng landas ni Ji Hoon.

"Yuhi..." Tawag ni Yuffie sa kaniya.

Lumingon si Yuhi sa kaniya habang kalong-kalong nito si baby Yi Hoon.

"Ate, I don't know what to do---" umiiyak na wika ni Yuhi sa kaniya.

Niyakap ni Yuffie ang kaniyang kapatid at bigla na ring tumulo ang kaniyang luha.

"It is okay, Yuhi. Do you love master Ji Hoon?" Tanong ni Yuffie habang hinihimas nito ang likuran ni Yuhi.

"Yes, ate, I love my husband. He is my life and I don't want to lose him. I don't want my son to lose his father!"

"I understand you, my sister. But but we don't know where dad took your husband and we don't know if he is still alive. My husband says nothing about him either."

Umiyak nang umiyak si Yuhi at tila naaawa na siya sa kaniyang kapatid. Narararamdaman niya ang pinagdadaanan ng kaniyang kapatid at palihim siyang pumunta kung saan nila itinatago si Ji Hoon. Hinintay muna ni Yuffie na makaalis ang kaniyang asawa papunta sa kaniyang opisina. Ang kaniyang ama at ina naman ay nasa bakasyon upang sulitin nila ang pagkakawala'y nila sa isa't isa. Pero bago umalis si Myoujin may nabanggit siya kay Yuffie.

"Love, gusto kong ipaghiganti ang naranasan mo kay Ji Hoon. Ipapatay ko na siya mamayang gabi, sana ay huwag na huwag mo itong ipapaalam kay Yuhi," seryosong saad ni Myoujin sa kaniya.

Hindi na nakaimik si Yuffie dahil hindi niya alam ang isasagot nito sa asawa. Sa ngayon ay tatlong buwan nang nakakulong si Ji Hoon sa secret hide-out ni Myoujin sa bansang Japan. Gumawa siya nang napakahirap na hakbang. Hindi na rin pinayagan si Yuhi na lumabas subalit nakipagsabuwatan si Yuffie kina Joshua at Chiriko. Pumayag naman ang dalawa dahil naaawa na sila sa kalagayan ni Yuhi. Nang makarating sila sa hide-out, kaagaran pinuntahan ni Yuffie si Ji Hoon. Naawa si Yuffie sa kalagayan ng kaniyang dating kaibigan dahil punong-puno ito ng pasa at bugbog sa katawan.

"M-Master Ji Hoon---" gumagaralgal na saad ni Yuffie sa kaniya.

"Narito ka ba upang ipapatay mo na ako?" Pang-iinsultong tanong nito sa kaniya.

Lumapit si Yuffie kay Ji Hoon at saka niya ito niyakap.

"Alam kong nariyan pa rin ang nakilala kong Ji Hoon noong high school kami. Isang Ji Hoon na mabait at lagi akong ipinagtatanggol. Maraming salamat sa'yo master dahil kahit papaano ay naging masaya ang aking kapatid. "

Napaluha si Ji Hoon dahil naaalala niya sina Yuhi at ang kaniyang anak. Niyakap pabalik ni Ji Hoon si Yuffie.

"Patawarin mo ako Yuffie sa mga nagawa ko sa inyo. Patawarin mo ako sa lahat, pasensiya ka na kung nagbago ako. Ang gusto ko lang ay protektahan ka kay Myoujin pero nabulag ako sa paghihiganti ko, patawad!"

"Pinapatawad na po kita, master."

Subalit kinuha ni Ji Hoon ang palad ni Yuffie at saka na ito lumuha. May ibinigay itong isang papel.

"Nakikiusap ako Yuffie, ibigay mo ang sulat na ito kay Yuhi. Alam kong ngayong araw na ito ay papatayin na ako ni Myoujin," biglang itong umiyak nang umiyak sa harapan ni Yuffie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon