Nang hapon na umuwi na sina Myoujin at Yujin sa hotel na kanilang tinutuluyan. Hindi nagpapahanda si Myoujin ng pagkain na galing sa hotel kung hindi nagpapaluto siya kay Yuffie. Sinalubong siya ng kaniyang mga empleyedo at yumuko. Sinalubong din siya ng mga mayayamang businessmen na namamalagi sa kanilang napakarangyang hotel.
“Is that you, Mr. Aki or I mean Master Aki?” tanong ng babae sa kaniya.
“Yes, why?” tugon nito sa babae.
“Tama nga sila ang tagapagmana at may-ari ng mga businesses na kilala sa Japan at dito sa Pinas, sadyang napakabata pa. You are like a college student,” nakangiting saad niya sa kaniya.
Sa katunayan ay maagang nakapagtapos ng college si Myoujin at nakapagtapos ito sa bansang Japan. Hindi rin niya nagamit ang kaniyang kursong business and accountancy dahil mas marami pa siyang idea sa marketing strategy. Sanay na sanay siya sa business kaya hindi siya masyadong inaalala ng kaniyang mga magulang. Siya ang pinakabatang kilala nila na pagmamay-ari niya ang mga malalaking businesses gaya ng mga Sochu Whiskey Company, Wikasa Wine Company, Nihon Restaurant at ang kaniyang bagong itinatayong negosyo na ipinangalan niya kay Yujin, ang Yujinstar World Casino. Gusto niya raw masubukan ang business about sa Casino dahil mahilig din siya sa gamble. Napansin ng babae ang karga-karga niyang bata.
“Your brother is so cute. Kamukhang-kamukha mo siya, Master Myoujin,” pagpupuri ng babae kay Yujin.
Tumingin ng masama si Myoujin sa babae na halatang nagpapa-cute sa kaniya. Mukhang may katandaan na ang babae at nasa trenta anyos na ito.
“Nope, he is not my brother. For your information, this boy is my one and only son and not only that he is the heir of my big businesses,” pang-iinsultong saad nito sa babae.
“Y-You mean at your young age, you have already a wife?” pagtatakang saad ng babae at halos mahihimatay ito sa pagkabigla.
“Yes, exactly. I have a wife, so excuse me madam may pupuntahan pa kami.”
Naglakad na si Myoujin papunta sa pinakamalaking room sa hotel, ang kaniyang sariling VIP room na ipinagawa na niyang parang maliit na bahay. Nagpagawa na siya ng kusina at kumpleto na para sa kanilang tatlo lamang. Ayaw niyang umuwi ng mansyon dahil alam niyang hindi siya makakakilos ng mabuti roon.
“Hey, love,” tawag niya kay Yuffie habang nagbabasa ito ng libro.
Sinalubong niya si Myoujin at hinalikan niya sa kaniyang labi. Nakatulog si Yujin sa malapad na dibdib ng kaniyang daddy. Inihiga niya ang kaniyang anak sa kama at ipinagtimpla naman siya ng kape ni Yuffie. Niyakap ni Yuffie ang kaniyang boyfriend at hinalikan naman siya ni Myoujin sa kaniyang noo. Huminga ng malalim si Myoujin dahil sa pagod.
“Kumusta po ang araw ni’yo ni Yujin?” tanong ni Yuffie sa kaniya habang magkayakap sila at nakaupo sa couch.
“Ayos lang love at everyday ko na siyang isasama sa office ko. Wait I have a surprise for you,” nakangiting saad nito kay Yuffie.Pina-frame pala ni Myoujin ang kanilang pictures simula noong sila ay high school at ngayon. Nabigla si Yuffie dahil napakarami pala nilang pictures.
“L-Love natago mo pa ang mga ito,” nakangiting wika ni Yuffie sa kaniya.
Tiningnan niya isa-isa ang mga pictures na magkasama sila.
“Heto iyong narito tayo, tapos ito noong nasa Japan tayo at heto noong nasa Zoo,” naluluhang saad ni Yuffie sa kaniya.
“Oo, sinave ko talaga ang mga iyan, love. Magmula noon at hanggang ngayon, napakaganda mo and not only that your heart is so pure. Thank you for everything dahil dumating kayong dalawa ni Yujin sa life ko. Sorry dahil pinakawalan kita noon at hindi ko pinansin ang pagmamahal mo sa’kin. Kung kaagad ko lang nalaman baka nakita ko pa ang pagsilang ni Yujin,” naluluhang wika ni Myoujin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
RomanceWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...