Lumipas ang isang buwan at nasa Japan pa rin sina Yuffie at Myoujin. Tumawag si Daniela kay Myoujin at sinabi niyang nami-miss na raw nila si Yujin.
“Myoujin, when are you going home with Yujin?” tanong ni Daniela sa anak sa kabilang linya habang kausap nila siya sa video call.
“Tonight mommy, gusto ni’yo bang makausap?” masayang saad nito sa mommy.
Biglang kinuha ni Nishimura ang cellphone ni Daniela at kinausap niya ang anak.
“I heard that he already knows how to speak Japanese. Where is he?” masayang wika ni Nishimura kay Myoujin.
Binack camera niya ang cellphone at nakita nila si Yujin na naglalaro ng mga laruan niya.
“How cute is he, parang ikaw lang no’ng bata ka!” bulalas na saad ni Daniela.
“Wait mommy, tawagin ko siya.”
Tinawag ni Myoujin ang anak at kinalong niya ito habang nakaharap sila sa camera.
“O-genki desu ka, Yujin-chan? (Kumusta ka na Yujin?),” tanong ni Nishimura sa kaniyang apo.
“Genki desu, lolo daddy. Atode ikimasu (Ayos lang po lolo daddy. Uuwi na po kami mamaya),” masayang saad ni Yujin sa kaniyang lolo.
“Yujin-chan o omachi shite orimasu. (Hihintayin ka namin Yujin),” tugon naman ni Nishimura sa kaniya.
Biglang kinuha ni Daniela ang cellphone kay Nishimura.
“Son, may gaganaping reunion mamayang gab isa Waldstein Academy. Kailangan mong pumunta dahil ikaw ang guest speaker doon.”
“Yes, mommy. Alam ko.”
“Iwan mo na lang muna sina Yuffie at Yujin dito sa mansyon.”
“No, mommy. I will take them to the reunion party.”
“Okay son, hintayin ko kayo.”
At saka na pinatay ni Myoujin ang video call at narinig naman niya si Yuffie na walang- tigil sa pagsusuka. Pinuntahan niya ito at pinangkuha ng tubig.
“Hey, love, are you okay?” pag-aalalang tanong ni Myoujin sa kaniya.
“Opo, love ayos lang ako,” saad nito at saka nagsuka muli.
“One month mo nang dinaramdam iyan ah, nag-aalala na ako love. Let’s go to the hospital,” wika niya kay Yuffie.
Pina-check-up niya sa Yuffie sa doctor.
“How’s my wife?” tanong ni Myoujin sa doctor.
“Omedetou. Anata no tsuma wa ninshin 1-kagetsu desu (Congrats, ang asawa mo ay buntis ng isang buwan!),” masayang tugon ng doctor sa kaniya.
“Really?! Thank you!” masayang wika ni Myoujin at halos tumalon ito sa saya.
Niyakap niya nang napakahigpit si Yuffie at hinalikan niya sa kaniyang mga labi.
“Did you here that, love. Magkakaroon na ng kapatid si Yujin!”
“Oo love, dalawa na sila niyan.”
“Love, mag-iingat ka sa mga kilos mo. I’ll take care of you,” mahinahong wika ni Myoujin sa kaniya.
Maingat niyang inakayan ni Myoujin ang girlfriend niya. Palihim siyang nagpabili ng singsing sa kaniyang tiya na si Asahina. Pinili nito ang pinakamahal at pinakamaganda. Balak na niyang mag-propose mamaya sa reunion kung saan sila nagkakilala. Umuwi na sila sa bansang Pilipinas at binalita naman ni Myoujin sa kaniyang mga magulang na nagdadalang-tao muli si Yuffie. Nabalitaan din nito nina Xu Kai, Ryuu, Alice at Fiona
“Congratulations sa inyong dalawa ni Master Myoujin, friend. Hindi ko akalain na mabubuntis ka kaagad. Naunahan mo na naman kaming dalawa ni Xu Kai,” saad ni Alice sa kaniya.
“Naku, friend. Mag-ingat ka na niyan at kung sabagay aalagaan ka naman ni Master Myoujin,” nakangiting wika nito.
Kinumtsaba naman ni Myoujin ang dalawa upang maisakatuparan ang proposal niya kay Yuffie. Ang inaakala ni Yuffie ay hindi siya kasama sa reunion gaganapin sa Waldstein Academy at umalis na sina Nishimura, Daniela, Myoujin at kasama nila si Yujin. Inayusan naman nina Alice at Fiona si Yuffie at ang theme ng reunion ang kanilang dating mga uniform noong high school sila. Magkakasama naman lumabas sina Xu Kai, Ryuu at Myoujin sa labas at sila ay nagtatawanan.

BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
RomanceWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...