Chapter 24

582 14 0
                                    

Myoujin’s POV

Lagi akong nakatingin kay Yuffie at isang linggo ko na pala siyang bilanggo sa kamay ko. Hindi kami natuloy sa Japan dahil ayokong makita si Megumi. Tumawag siya sa akin at uuwi raw siya rito sa Pilipinas. Hinayaan ko na lang upang malaman niya ang katotohanan. Sa totoo lang nakipag-break na ako sa kaniya dahil iyon kay Yuffie. Hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko na siyang makasama at tila mag-asawa na kami. Tumawag ulit ang brother ko sa Yakuza at ang sabi niya ay pinatay ng mga kalaban ang isa kong tauhan.

“Yuugi wa shinde iru (patay na si Yuugi),” wika ng ka-brother ko sa kabilang linya.

“Shousai wa oshite kudasai (ibigay mo ang detalye),” utos ko sa kaniya.

Ang sabi niya sa akin pinatay raw siya ng tauhan ng aking kalaban subalit alam ko na kung sino sila. Naghihiganti siguro siya dahil pinatay ko ang kaniyang kapatid. Pilit nilang kinukuha at inaalam kung sino ang hacker sa mga nakawang nangyayari sa mga malalaking bangko sa Japan. Hindi nila alam na ako mismo ang hacker at ako lang ang nakakaalam ng code. Ginagamit ko lang ang mga myembro upang mapagtakpan ko ang aking mga ginagawang illegal transactions. May tatlo rin naman akong legal transactions. Biglang may tumawag sa phone ko.

“Hello who is this?” tanong ko sa kabilang linya.

“This is Fiona, master, I want to talk Yuffie dahil emergency ito,” wika sa akin ni Fiona.

Itinawag ko si Yuffie at pumunta siya sa banyo. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-usapan. Umiiyak siya sa aking harapan at lumuhod ito.

“Pakiusap po Master Myoujin, pakawalan ni’yo muna po ako dahil kailangan kong pumunta ng hospital,” umiiyak na saad niya sa akin.

“You’re just lying to me because you just want to scape!” pagalit na saad ko sa kaniya.

“Babalik din po ako, Master please po…”

“S-Sino ang pupuntahan mo roon, may lihim ka ba sa’kin?”

Umiyak nang umiyak si Yuffie at nagdesisyon akong samahan siya. Pumunta kami ng hospital at  nakita ko sina Yuffie, Alice, Ryuu at Xu Kai.

“Who was hospitalized?” seryosong tanong ko sa kanila ngunit nakayuko sila sa harapan ko.

Biglang tumakbo si Yuffie sa room at sumunod ako sa kaniya.

“Yujin, anak ko… Yujin…” tawag niya doon sa nahospital.

Nagtaka ako kung kailan pa siya nagkaanak at nakita ko na ang bata. Ang batang kaniyang tinatawag na anak, siya rin ang batang nakita ko sa mansyon na replica ko na sinasabi ni mommy sa’kin. Hinawakan ni Yuffie ang kamay ng bata at labis ang kaniyang pag-iyak at pagluha.

“P-Patawarin mo sana si mama, Yujin. Hinayaan kita..patawad anak ko!”

Kasabay nito ang paghalik niya sa noo ng bata. Duguan ang katawan ng bata na tila galing ito sa aksidente. Nagulat si Yuffie nang biglaan kong isinara ang pinto dahil nadadala na naman ako sa aking galit.

“Who is that boy, Yuffie, tell me!” pagalit na tanong ko sa kaniya habang nakahawak ako sa kaniyang dalawang braso.

Hindi ito makapagsalita ng maayos at nakikita ko sa mukha ng bata na parang ako nga ang ama ng bata.

“A-Anak ko po, master---” tanging nasaad niya sa akin at hindi siya makatingin sa mukha ko.

“Ako ba ang daddy niya, tell me! Please huwag kang magsinungaling sa akin, sabihin mo ang totoo!”

“H-Hindi naman po mahalaga ang k-katotohanan.”

“Mahalaga ang isasagot mo, Yuffie! Sabihin mo ang totoo!”

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon