Lumabas na sina Yuffie sa hospital at maayos na rin ang kalagayan ni Ninjin. Lalong inalagaan naman ni Myoujin ang kaniyang pamilya at todo secure sila kay Yujin. Nakahiga lang si Yuffie sa bed at nagpapagaling pa ito ng kaniyang sugat.
"Sorry love, kung naaabala kita," malungkot na wika ni Yuffie sa kaniyang asawa.
Lumingon si Myoujin sa kaniyang asawa habang sinasayaw-sayaw niya si Ninjin. Lumapit si Myoujin sa kaniyang asawa at hinalikan niya ito sa kaniyang labi.
"Love, you are not burden to me anymore. Kailanman hindi ko iniisip iyan, gagawin ko ang lahat para sa inyo," nakangiting wika ni Myoujin sa kaniya at niyakap naman siya ni Yuffie.
"Thank you love, I love you---" tanging nasaad ni Yuffie sa kaniya.
"Sa nangyari love, 100x ko kayo dapat protektahan. Pagkatapos nito, I promise, magpapaka-normal life muna tayo. Iiwan ko ang illegal business ko at nang dahil diyan ang gulo ng buhay natin. You are more important than money together with our kids," naluluhang saad niya kay Yuffie.
Dalawang bata ang inaalagaan ni Myoujin sina Myoura at Ninjin.
"Sorry love, maagang nasundan si Myoura--" pagbibiro ni Yuffie sa kaniya."Walang kaso iyon love, basta kahit maging sampu pa sila mamahalin ko sila," nakangiting saad ni Myoujin sa kaniya.
Pumasok naman si Yujin sa school niya at balak ni Myoujin na i-transfer muna ang anak niya sa Japan. Maninirahan muna sila roon kahit dalawang taon lang upang masigurado ang security niya. Kinausap naman ni Myoujin si Chiriko upang sabihin nito ang mission na gagawin niya."You have a mission," seryosong saad ni Myoujin kay Chiriko.
"Nani? (what?)" Sagot nito sa kaniya.
"Joshua o Nihon ni tsureteikunode, nihongo o hanaseru you ni oshiete hoshii desu (Gusto kong turuan mo si Joshua na magsalita ng hapones dahil isasama ko siya sa Japan)," seryosong wikang muli ni Myoujin sa kaniya.
"Mondai arimasen Myoujin-sama (Walang problema, Master Myoujin)."
Umalis na si Chiriko at inihanda lahat ni Myoujin ang kakailanganin ng lahat sa Japan. Hindi niya isinama si Manong Ronaldo dahil siya ang bahala sa kaniyang kumpanya at katulong niya si Sofia. Naging matalik na magkaibigan sina Chiriko at Joshua, ang kanilang mission ay protektahan si Yujin. Pinilit naman matuto ni Joshua kung papaano siya matututo ng salitang nihongo. Tumutulong na rin si Yujin sa kaniya. Minsan ay pumunta sila sa shooting-gun center at kasama niya sina Chiriko at Yujin. Patuloy lamang sila sa pagsasanay at pinapanuod sila ni Myoujin.
"Buruzuai made wa tadashii desu! (Hanggang sa bulls eye ang tama!)," Pabiglang saad ni Myoujin sa kanila.
"Wakatta! (Naiintindihan ko!)" Wika ng tatlo habang patuloy lang sila sa pagputok ng baril.
Tiningnan lahat ni Myoujin ang mga holes at nagulat siya dahil lalong mas gumaling ang tatlo.
"Subarashii! Katana to Samurai o benkyou shimashou! (magaling! ngayon mag-aral naman kayo ng Katana at Samurai!)," Saad niya sa kanila.
Tinuruan niya ang mga ito at hindi niya muna pinasali si Yujin dahil alam niyang hindi niya kakayanin.
"Daddy, bakit hindi po ako puwedeng sumali?" Umiiyak na wika niya.
"Because you are not ready for this!"
"But I know I can! Please daddy, isali mo na ako!"
Walang magawa si Myoujin kung hindi isali ang anak. Namangha si Myoujin dahil sa galing ni Yujin. Sa sobrang pagkamangha nito, pinupog niya ng halik sa pisngi ang kaniyang anak. Natalo niya sa laban si Joshua.
"I am very proud of you baby kuya!" Habang buhat-buhat nito ang kaniyang anak.
Ipinakita lahat ni Myoujin ang lahat ng weapons na gagamitin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/299799264-288-k411368.jpg)
BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
RomanceWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...