Chapter 23

564 8 0
                                    

Yuffie's POV

Tatlong araw na ako rito sa hotel at ipinagawa ni Master Myoujin na parang bahay ang kaniyang kuwarto. Dito na rin namalagi si Master at madalang na lang siyang umuwi sa kanilang mansyon. Labis naman ang pag-aalala ko sa aking anak na si Yujin na nasa pangangalaga ngayon ni Fiona. Pero sa tuwing umaga ay pumupunta siya ng kaniyang opisina upang magtrabaho. Maaga rin akong nagigising upang ipagluto ko siya. Habang tinititigan ko siya hindi ko maiwasan ang kabahan at hindi ko namamalayan na dumampi ang palad ko sa kaniyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ako at niyakap niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit niya akong kinukulong at hindi makausad sa aming nakaraan.

"Don't leave me again," saad niya sa akin.

Sa totoo lang wala na akong narararamdaman sa kaniya. Tanging ang puso ko ay naka-focus na lang sa anak kong si Yujin. Natatakot akong mabuntis muli sa kaniya dahil ayoko nang maragdagan ang sakit sa kalooban ko. Araw-araw may nangyayari sa amin at minsan ay napipilitan lang ako. Wala akong magawa sa mga gusto niyang gawin sa akin. Hindi ko rin maipagtapat ang katotohanan sa kaniya na mayroon kaming anak. Naiiyak ako dahil hindi na ako makawala sa palad niya. Natatakot din ako sa tuwing nagagalit siya at pinagbabantaan niya ako.

"Sundin mo lang lahat ng inuutos ko, hindi ka masasaktan," pagbabanta niyang wika sa'kin.

"P-Paano po si Megumi, master. P-Pakawalan ni'yo na po ako may naghihintay po sa akin sa bahay," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Walang kinalaman si Megumi sa atin, Yuffie. Sinong naghihintay sa'yo, lalaki mo?" pagalit niyang saad sa akin.

Sinabunutan niya ako sa buhok at inilapit niya ang mukha nito sa akin.

"I will kill whoever you keep secret from me! You are mine! Hindi ka na makakaalis sa akin at hindi mo na ako maiiwan pa," pagalit niyang wika sa'kin.

Bigla-bigla ay tumatawag ang girlfriend niya at hindi niya ito sinagot. Ilang sandali lang ay umalis ito at ini-lock niya ang pinto upang hindi ako makatakas sa kamay niya. Hindi ako makalaban dahil kung lalaban ako alam kong lalala lang sitwasyon naming dalawa. Wala siyang hawak na susi dahil code ang ginagamit niya sa pinto ng hotel na pinagkulungan sa akin. Nang kinahapunan, pinagbihis niya ako dahil may pupuntahan daw kami.

"Get dressed we're going somewhere," seryosong niyang saad sa akin.

Binilhan niya ako ng bagong damit at nang sumakay kami sa sasakyan niya, napansin kong ngumiti siya. Hindi ko siya maintindihan dahil minsan ay napakaalaga niya sa akin. Kaya mas pinipili ko na lang ang manahimik kaysa ang masaktan pa. Pumunta lang kami sa mall upang samahan ko siyang mag-grocery.

"Hindi talaga ako naggo-grocery pero gusto kong samahan mo ako. Gusto ko lagi kitang kasama, tulad ng dati," wika niya sa akin.

Ngumiti ako sa harapan niya at napangiti ko siya. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang kami ay namimili. Marami ang nakatingin sa amin at naririnig ko ang kanilang bulungan.

"Ay, Korean drama ituu," saad ng babae sa kaniyang kasama.

"Artista kaya sila sa Korea o China? Ang guwapo ni boy, mukhang mabango at mayaman. Kuhanan mo sila dali!" pabulong na wika ng isang babae sa kaniyang kasama.

Tama nga sila, guwapo si Master Myoujin kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya pero alam kong nakalaan lang ang kaniyang puso para kay Megumi. Natatakot akong malaman ni Megumi ang relasyon naming dalawa, hindi kami pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong pakawalan. Pagkatapos namin mamili, umuwi na kami sa hotel at nagpaluto siya ng hapunan sa akin. Bigla niya akong niyakap sa aking likuran at hinalikan niya ako sa aking labi.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon