Chapter 30

509 11 0
                                    

Myoujin’s POV

Dalawang buwan na ang tiyan ni Yuffie and I always take care of her. Kasama pala namin si Aling Cossang upang mangalaga sa kaniya. Every week pinapa-check-up ko siya upang masigurado kong maayos lamang ang kalagayan niya. Ayaw niyang kumain dahil namimili siya ng makakain. Minsan ay nahihiya siyang magsabi sa akin dahil baka mapagod daw ako. Minsan ay hating-gabi na at nakagising pa ito.

“Why love?” pag-aalala kong tanong sa kaniya.

“W-Wala love,” tanging nasagot niya sa akin at halata sa kaniya na lalo siyang pumayat.

Pero alam kong may gusto siya at ramdam kong nagugutom siya. Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang lips.

“Love alam kong may gusto ka, please tell me. Huwag kang mahiya sa’kin,” mahinahon kong saad sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya at niyakap niya ako pabalik.

“L-Love g-gusto ko sana ng ramen at natto at saka manga yo’ng hi..law,” nahihiya niyang saad sa’kin.

Hinimas ko ang ulo niya at hinalikan ko siya sa kaniyang noo. Hinimas ko rin ang tiyan niya at hinalikan.

“Nagugutom siguro ang baby ko sa tummy mo, sige love uutusan ko na lang si Kaito. Huwag kang mahiya sa’kin love, nagwo-worry ako dahil baka mapabayaan ang second baby natin. Okay, just say it and no problem at all,” wika ko sa kaniya.

Tumango lang ito at nagpabili ako kay Kaito. Pagdating ng mga pagkain, kinain niya ito at marami siyang nakain. Humiyab na ito at nakatulog siya sa hita ko. Hinimas-himas ko ang buhok niya at ibinuhat ko na siya patungo sa bed namin. Mahimbing din ang tulog ng first son ko at dinedede niya ang daliri niya. Tinanggal ko ang daliri niya at binulungan ko siya habang tulog si Yujin.

“Baby, what I told you don’t eat your finger. That’s dirty, I’ll be angry with you,” bulong ko sa anak ko habang tulog siya.

“Yes, daddy,” tugon niya habang tulog.

 Humiga na ako at niyakap ko ang baby ko. Napagitna kasi siya sa amin ni Yuffie. Hindi ako makatulog at pumunta muna ako sa lamesita ko at naglaro ng chess ng mag-isa. Iniisip ko bukas na pala ang opening ng Yujinstar World Casino dito sa Japan at may branch din ako sa Pilipinas. Biglang itinawag ako ni Kaito at sagutin ko raw ang tawag sa’kin ni Tiya Asahina. Sinagot ko ang tawag ni tiya Asahina.

“Nani? (What?),” sagot ko sa aking tiya sa kabilang linya.

“Tasukete! (Help!) We were attacked by a camp of Red Ravens. Hurry up we have a tracker!” humihingal na wika sa akin ni Tiya Asahina at dali-dali akong pumunta sa ibang room. Naririnig ko rin ang putok ng mga baril.

Tiningnan ko ang monitor kung nasaan sila at nasa Meiji Jingu sila. Hinahabol sila ng mga kalaban at naloko sila ng kanilang mga ka-transactions. May pinasukan na naman ang tiya kong sindikato at ang mahirap ay ako lagi ang inaasahan niya sa tuwing naiipit siya. Pumunta na rin si Kaito na kung nasaan ang aking tiya upang iligtas sila.

“Okay, use your codes and tracker devices. Watashi no koe ga kikoe masuka? (Naririnig ni’yo ba ako?),” tanong ko sa kanila.

Lahat ay sumagot at sakto ay idinala ko ang chess board ko sa ganitong sitwasyon.

“If you want to win, follow my orders!” seryosong saad ko sa tiya ko.

“Wakatta! (Naiintindihan ko!),” tugon niya sa akin.

Nagsimula na ako at tiningnan ko muna ang tracker sa monitor.

“Medyo marami sila,” bulong ko sa aking sarili.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon