Chapter 40

383 9 0
                                    

Myoujin’s POV

Napakasaya ko dahil nabuo kaming muli, I don’t want to lose them again. Gumawa kasi ako ng napakabigat na desisyon sa buhay ko upang maligtas sila. Kung alam lang ni Yuffie noon kung gaano ako nasasaktan sa tuwing sinisigawan at iniiwasan ko siya. Umiiyak ako nang hindi niya alam at kung gaano kahirap ang mga anak ko ay lumalayo ang loob nila sa’kin. Nakipag-usap ako kay Miyaka na pangalawa kong pinsan at pumayag din naman ang asawa niya sa plano ko upang maligtas lamang ang pamilya ko. Subalit naging handa ako sa magiging kapalit ang galit at poot ni Yuffie sa’kin. Pinigilan ko ang aking mga kalaban sa Yakuza at kasama ko si tiya Asahina sa pagsugpo sa kanila. Naganap ang pinakamalaking laban dahil pati ang pamilya ko ay nadadamay na. I sacrifice everything and even my life ay kasali na.

(Flashback 1 year ago)

“What is your plan to make?” seryosong tanong sa akin ni tiya Asahina.

Umiyak ako nang umiyak sa kaniyang harapan dahil ang sakripisyong paraan na gagawin ko ay ang pag-iwas kina Yuffie at sa aking mga babies.

“I can’t do it, I love Yuffie and our kids. They are my life!”

“Do you want them to die? Is that so, Myoujin?!” pagalit na wika sa akin ng tiya ko.
Nanghihina ako at kulang ang aking lakas dahil kamamatay lang ni lolo Hiro. Masakit din ang loob nina mommy at daddy kung hindi iligtas nila ang pamilya ko. Tinulungan din ako ni daddy upang masugpo at mapatay ang pumatay kay lolo.

“Honestly Myoujin, I really love your family! but I don't want any of us to die. Anata wa subete no hito no tame ni gisei o harawana kereba narazu, tada karera o sukuu tame ni! (kailangan mong magsakripisyo para sa ikakabuti ng lahat at para maligtas lang sila!),” umiiyak na saad muli ni tiya sa akin.

“Sorry son, para rin sa mga anak at sa magiging asawa mo ang gagawin mo. Pagkatapos ng pagsubok na ito, balikan mo na lang sila,” umiiyak na saad ni mommy sa’kin habang nakatakip ang mga palad nito sa kaniyang mga mata.

“Hindi lang si lolo mo ang mawawala kung mananatili kang soft-hearted. Kodomo-tachi, tatoe sore ga itakute mo, anata wa karera o ichijitekini ushinau koto ni taisho suru koto ga dekimasu. (anak kahit masakit kayanin mo ang mawala muna sila ng pansamantala.),”  naluluhang saad naman ni daddy sa’kin at niyakap niya ako.

Umuwi ako ng mansion at nakita ko ang aking mag-iina na natutulog. Umupo ako sa gilid at uminom ng alak habang umiiyak ako. Sa tuwing umiiyak ang baby ko na si Myoura ang inaakala ni Yuffie na wala akong pakialam, sa puso ko ay sobrang sakit. Sa tuwing iniiwasan ko si Yujin, my heart is crying. Parang sinasakal ako at ang inaakala ni Yuffie ay hindi ko na siya mahal, pero sa totoo lang she is my life and strength together with my son and daughter. Nadudurog ang puso ko nang lumuhod siya sa’kin at nagmakaawa. Kailangan ko muna silang iwasan at tinawagan ko si ate Miyaka para magpanggap siyang girlfriend ko. Nakita niya kaming nag-kiss pero tinakpan ko ng tape ang labi ko dahil hindi ko kayang ibang babae ang hinahalikan ko. Ipinakita kita kong natulog si ate sa room ko pero sa totoo lang iniyakan at pinapakalma niya ako sa narararamdaman kong sakit. Nang pinapunta ko na sila sa Cebu pinilit kong tinigasan ang puso ko para sa kanila, pero kung alam lang nila noon ay sobrang sakit noong papalabas sila sa pintuan. Napaupo si Yuffie sa pintuan at alam ko ang sakit ng kaniyang nararamdaman. Kung hindi ko kasi siya itataboy at ang mga anak ko, baka mamatay sila sa tabi ko.

“I’m sorry! I love you all kaya gagawin ko ang lahat para lamang maligtas kayo,” bulong ko sa sarili ko habang papaalis sila at tumalikod ako dahil hindi ko kayang lumayo sila sa’kin.

Nang makaalis sila, napaluhod ako dahil sobrang sakit ng kalooban at nanlalambot ako sa mga nangyayari.

“Yuffie my love, I am very sorry. Yujin, Myoura—” umiiyak na saad ko habang hinihimas ni ate Miyaka ang likuran ko.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon