Chapter 38

336 12 1
                                    

Myoujin’s POV

Hindi na muna natuloy ang kasal namin ni Yuffie dahil namatay ang lolo ko na si Hiro. Pinatay siya ng mga kalaban naming mga Yakuza at sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko siya naprotektahan. Napuno ng galit ang puso ko at lagi kong iniisip ang paghihiganti ko. Nalibing na rin si lolo at umuwi na rin sina mommy at daddy sa Pilipinas. Minsan ay nilalambing ako ni Yuffie pero umiwas ako sa kaniya.

“Love, huwag muna ngayon I am tired----” pagsusungit kong wika sa kaniya.

Kahit umiyak si Myoura ay wala na rin akong pakialam at hindi ko na rin pinapansin si Yujin. Araw-araw akong umaalis upang makapaghiganti at hindi ko na napapansin na napapabayaan ko na sila. May babae akong kasamahan na isang Yakuza rin at lagi niya akong tinutulungan, siya ay si Miyaka. She is always there for me at halos natutulungan niya ako sa paghihiganti ko. Late na rin akong umuwi ng bahay at kahit nilalambing ako ni Yuffie ngayon ay wala akong pakialam.

“Please, don’t touch me. Asikasuhin mo na lang ang mga anak natin!” pagalit na wika ko sa kaniya.

Napapansin nilang nagiging malamig na ang pakikitungo ko kay Yuffie at kahit anong gawin niya, wala na akong pakialam. Lagi ko kasing kasama si Miyaka at kapag kasama ko siya I am very happy. Minsan ay dalawa lang kami ni Miyaka at may ipinagtapat siya sa’kin.

“I love you, master Myoujin,” saad na wika ni Miyaka sa’kin.

Hindi ko siya ininimikan at umalis na lang ako. Tinatanong ko rin sa sarili ko if mahal ko na rin ba siya. But I have two children at parang hindi na rin sila mahalaga sa akin. Three months akong malamig kay Yuffie pero nakikita ko ang lahat ng efforts niya pero parang wala talaga akong pakialam. Iniiwasan ko rin ang baby kuya ko at lagi na rin akong wala sa mansion. Sa isipan ko, namatay ang lolo ko dahil kay Yuffie. Kung hindi ako nag-focus sa kaniya hindi naman mamamatay ang lolo ko. Gusto ko na rin maalis sa buhay ko si Yuffie at sinabi ko na ang narararamdaman ko.

“Yuffie, puwede ba kitang makausap?” mahinahong saad ko sa kaniya.

“A-ano iyon love?” pagtatakang tanong niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako at saka na nagsalita.

“Yuffie, actually, unang-una sa lahat I wanted to say sorry. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa totoo lang, hindi na kita mahal. I have a new girl at mabuti pa siya ay natutulungan niya ako sa paghihiganti sa lolo ko. Sorry dahil hindi ko kayang pakasalan ka at parang siya ang nararapat sa akin. ibinibigay ko na ang karapatan para sa mga anak natin at pangako susutentuhan ko na lang sila. Sinabi ko na kina mommy at daddy na magpapakasal na kami ni Miyaka sa susunod na taon. Hinihintay ko na lang annulment nila ng asawa niya,” seryosong saad ko sa kaniya.

Napaupo ito at napaiyak. Niyakap ko siya at alam ko ang sakit ng narararamdamn niya.

“Mahal na mahal kita, love at alam mo iyan. Please, mag-stay ka sa amin at kailangan ka namin nina Myoura at Yujin,” at saka lumuhod ito sa’king harapan.

“No, Yuffie, buo na ang desisyon ko at kasalanan mo lahat kung bakit namatay si lolo ko. Kung hindi ako nag-focus sa inyo, hanggang ngayon narito pa sana siya. So, please, lumayo ka na sa akin at leave me alone. Tomorrow, ipapahatid ko na kayo sa Cebu!” pagalit na saad ko sa kaniya at naglakad na ako nang papalayo sa kaniya.

Niyakap niya ang mga anak ko at nagsimula na siyang mag-impake. Nakikiusap din sina mommy at daddy ko sa’kin pero hindi ko rin sila pinapakinggan. Umiiyak din si Yujin at walang kamalay-malay si Myoura sa nangyayari dahil she is still a baby. Idinala ko si Miyaka sa bahay at nakita kami ni Yuffie na naghahalikan at nagyayakapan. Subalit yumuko lang siya at natulog sa kabilang room kasama niya ang mga anak namin. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kahit magkatabi kami ni Miyaka sa bed that night hindi ko kayang makipag-sex sa kaniya. Nawalan na siguro ako ng interes sa sexual intercourse. Kinabukasan ay nilapitan ako ni Yujin at nagpaalam na sa’kin.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon