Nagkita na sina Myoujin at Yuffie subalit hindi maganda ang simula ng kanilang muling pagkikita. Nagawa ni Myoujin ang angkinin muli si Yuffie sa loob ng kaniyang opisina. Walang tigil ang pag-iyak ng dalaga habang walang tigil din ito sa kaniyang panginginig. Pinagpapawisan ito ng malamig at walang kasuotan. Nakasandal ito sa gilid ng pader habang si Myoujin naman ay naninigarilyo at nakaupo siya sa kaniyang upuan. Nabigla si Yuffie nang tutukan muli siya ng baril na binata sa kaniyang ulo.
“Try to resign and run away again, I will kill you!” pagbabanta niya sa kaniya.
Tinakpan ni Myoujin ng coat niya ang dalaga at tinawag niya si Manong Ronaldo.
“Yes, master,” wika ni Manong Ronaldo sa kaniya.
“Kumuha ka ng damit sa hotel at dalhin mo rito. Iyong pinaglumaan ni mommy, ayokong nakakakita ng hubad dito sa opisina ko,” utos niya kay Manong Ronaldo.
Nakita ni Manong Ronaldo si Yuffie at awang-awa siya sa dalaga. Yumuko na lang ang matanda sa harapan ni Myoujin. Umalis na ang matanda at muling kinausap ni Myoujin ang dalaga.
“Didn’t you miss what we were doing in the past or do you have a new pet to hold, huh, Yuffie? Tell me!” pagalit at pang-iinsultong tanong ni Myoujin sa kaniya.
Nilapitan niya ang dalaga at dinilaan niya ang kaniyang tainga. Humarap ang dalaga sa kaniya habang walang tigil siya sa kaniyang pagluha.
“A-Ayoko na po master, maawa na po kayo sa akin. Nakaraan na po iyon at alam ni’yo ang dahilan kung bakit lumayo ako,” umiiyak na wika ni Yuffie sa kaniya.
Tumawa lang nang malakas si Myoujin sa kaniyang harapan.
“Wala akong pakialam kung nakaraan na o ano pa man. Basta ang alam ko, you are mine!”
Kumuha ng alak si Myoujin at nakaupo lang siya sa kaniyang upuan.
“We will sleep at our hotel. Try to refuse I will kill all your friends especially Fiona and Alice,” pagbabantang wikang muli ni Myoujin sa kaniya.
Biglang nag-ring ang cellphone ni Yuffie at pinilit niyang inaabot ito dahil natilapon ito malapit sa pinto. Napansin niya na maggagabi na at inaalala nito ang kaniyang anak na si Yujin. Sa ngayon ay nasa pangangalaga siya ni Fiona. Nang maaabot na sana ni Yuffie ang cellphone, biglang pinulot nito ni Myoujin. Tumatawag pala ang manliligaw sa kaniya na kaniyang katrabaho.
“Hello, Yuffie. Invite sana kita sa birthday ng kaibigan ko,” saad ng manliligaw ni Yuffie sa kabilang linya.
“Birthday?” sagot ni Myoujin sa lalaki.
“Sino ito?!”
“You don’t know me? I don’t want to see your face anymore in my own company!”
“Pa-english English ka pa, sino ka ba, huh?!”
Pinatay ni Myoujin ang cellphone ni Yuffie at inutusan niya ang manager ng Wikasa Wine upang sitahin ang manliligaw ng dalaga.
“How cheap you are, gustong-gusto mo pala ang mga taong walang utak at bobo.”
Kinalkal ni Myoujin ang cellphone ni Yuffie at napansin niyang hindi niya nire-reply-an ang mga text message ng kaniyang manliligaw. Pati na rin ang mga contacts niya ay kinalkal nito at nakita niya ang number ni Fiona. Tinawagan niya ito at isinagot naman nito ni Fiona.
“Hello, Yuffie nasaan ka na?” pag-aalalang tanong Fiona sa kabilang linya.
“I’m sorry but Yuffie can’t go home tonight,” wika ni Myoujin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
RomanceWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...