Chapter 46

327 11 0
                                    

Pumasok si Yujin sa kaniyang eskuwelahan at sa ngayon ay nasa grade 4 na siya sa Waldstein Academy. Lagi niyang kasama ang kaniyang battler na si Joshua na anak ni Manong Ronaldo. Tulad ng kaniyang daddy nakikitaan siya ng kaniyang mga teachers ng pagkamatalino.

"Master Yujin, kailan manganganak ang mommy mo?" Tanong ng kaniyang dalawang teacher habang kausap niya siya sa kanilang room.

"Sabi po kasi ni daddy baka po sa susunod na buwan," sagot niya habang nagbabasa siya ng aklat.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Sarkastikong tanong ng isa niyang guro.

"Hinihintay ko si daddy," tanging nasagot niya sa dalawa.

Nagtinginan ang dalawang teachers at nagkatitigan. Ang mga teacher niya ay bagong hired at tauhan sila ni Ji Hoon. Yumuko si Yujin at kinuha niya ang baril nito. Bigla niyang binaril ang isa niyang teacher sa braso na nakaharap sa kaniya. Nagulat ang isa pa at dali-dali rin niyang kinuha ang kutsilyo niya.

"What are your intentions? Bakit gusto ni'yo akong patayin?!" Pagalit na tanong ni Yujin sa kanila.

Nagulat ang dalawa dahil hindi nangingiming pumatay ang bata.

"P-paano mong nalaman ang plano namin?!" Pagalit na saad ng kaniyang isang teacher.

"Napakahalata naman ng act ninyo. Walang nagpapaiwan na teacher sa room namin ng ganitong oras at lahat sila ay nasa meeting!"

Sinugod nila si Yujin pero magaling sa martial arts ang bata at binaril nito ang isa niyang teacher sa paa. Sakto naman ay patakbong sumugod ang battler niya upang ipagtanggol ang kaniyang master. Pinatay ni Joshua ang dalawa.

"Ayos ka lang po ba kayo master Yujin?" Pag-aalalang tanong ni Joshua kay Yujin.

Nakarinig naman ng putok ng baril ang iba niyang teachers at nabulabog sila sa meeting. Nang pumasok sila sa room nakita nila ang bata na may dalang baril at si Joshua. Nakita rin nilang namatay rin ang bagong hired na teachers. Sumigaw ang isang teacher sa takot at dali-dali itong tumakbo sa labas ng pinto upang tumawag ng pulis.

"AHHHHH.... NO!" Sumisigaw na sigaw ng teacher.

"M-Master Y-Yujin... J-Joshua..." Nanginginig na saad ni Principal Valencia.

Biglang ipinaputok ni Yujin ang baril niyang hawak at muntik nang tamaan ang kaniyang teacher.

"Subukan mong magsumbong I will kill you!" Saad niya.

Biglang dumating na rin si Myoujin upang sunduin ang anak. Kasama niya rin si Manong Ronaldo.

"What's going on here?" Pagtatakang tanong ni Myoujin sa kanila.

"Daddy..." Tawag ni Yujin sa kaniyang daddy.

Nagulat siya at alam niyang nasa panganib ang buhay ng kaniyang pamilya.

"Manong Ronaldo, clean up the mess," utos ni Myoujin sa kaniya.

Niyakap ni Myoujin ang kaniyang anak.

"Are you okay baby kuya?" Pag-aalalang tanong ni Myoujin sa anak at saka nito kinuha ang baril niya.

Nagpatawag ng meeting si Myoujin upang isekreto ang nangyari sa school. Lahat ay umayon sa gusto niya at binigyan niya isa-isa nang tig-15k pesos para sa kanila. May nagtangkang tumawag ng pulis pero hindi siya pinakinggan.

"Kahit magtawag ka pa ng pulis, Manong Ronaldo is already cleared this case," mahinahong saad niya sa teacher.

Hinilamusan niya muna si Yujin dahil napuno ng dugo ang kaniyang damit.

"Daddy, I already killed the teachers," sumbong ni Yujin sa kaniya habang umiiyak.

"It is okay baby kuya, as long as nasasaktan ka na. Kill them," tanging sagot ni Myoujin sa anak.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon