Nagpatuloy ang pagkekuwentuhan ng dalawa sa canteen at halata kay Yuffie na nahihiya ito kay Ji Hoon. Biglang tumunog ang bell at tumayo na si Yuffie sa upuan.
“M-Master Ji Hoon salamat po lunch, mauuna na po ako dahil umpisa na po ang aming klase,” nahihiyang saad ni Yuffie sa kaniya.
“Wait, I will take you to your room,” malambing na saad ni Ji Hoon sa kaniya.
“H-Hindi na po kaya ko na po.”
“No, tara na ihahatid na kita. Can I take you to your home later?”“Hindi na po may sundo po ako mamaya.”
“You mean, you have a boyfriend?”
“Naku, wala po kasama ko po kasi ang best friend ko kapag pauwi ng bahay.”
Hinatid ni Ji Hoon ang dalaga sa kaniyang classroom at napansin ng binata na hindi na naman pumasok si Myoujin. Nagulat ang lahat ng kaklase ni Yuffie dahil hinatid siya ng isa sa sikat sa kanilang eskuwelahan. Kinausap siya ng kaniyang mga kaklaseng babae at halata ang kanilang pagkainis sa kaniya.
“Kahit kailan papansin ka talaga. Bakit ang isang tulad mong mabaho, napakasikat dito sa ating school,” sarkastikong saad ng kaniyang kaklase sa kaniya.
Tinapunan siya ng juice sa kaniyang damit ngunit ipinagtanggol siya ni Fiona.
“Stop it!” pagalit na saad ni Fiona sa kaklase nilang nagtapon ng juice sa damit ni Yuffie.
“Bakit ka nakikialam, Fiona. You have nothing to do with it!”
“Common. Are you jealous because Yuffie is more beautiful than you? You are Pathetic, look likes rags.”
Nainsulto ang kaklase nina Fiona at Yuffie at inawat sila ni Alice.
“Hey, stop fighting. Ikaw naman babaeng mukhang juice, wala kang karapatan para awayin mo si Yuffie dahil hindi ka napapansin ni Ji Hoon!” pagalit na saad ni Alice sa kaniya.
Umupo na lamang ang babae at binigyan ni Fiona ng panyo si Yuffie.
“Here!” wika ni Fiona kay Yuffie habang inaabot nito ang hawak niyang panyo.
“Salamat,” saad naman ni Yuffie sa kaniya.
Bumalik na sila sa pagkakaupo at nagsimula na sila ang kanilang klase. Kinahapunan ay naghanda na si Yuffie para magtrabaho. Nakita siya ni Ji Hoon habang naglalampaso ang dalaga sa hagdan ng third floor.
“Hey, Yuffie!” tawag ni Ji Hoon sa kaniya.
“M-Master Ji Hoon,” saad naman nito sa kaniya.
“Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong nito sa kaniya.
“H-Hindi pa po dahil tinatapos ko po itong ginagawa ko,” tugon nito sa kaniya.
Kinuha ni Ji Hoon ang mop at ngunit ayaw ibinigay ni Yuffie ang mop.
“Ako na lang po, Master,” habang hinihila nito ang mop kay Ji Hoon.
“No, ako na lang. Para matapos ka na riyan then let’s go home together.”
“Hindi po Master Ji Hoon, ako na lang po baka matanggal po ako sa part-time job ko.”
Nakita naman ni Myoujin si Ji Hoon at Yuffie na nag-uusap at nilapitan niya ang mga ito.
“Hey, Ji Hoon,” tawag ni Myoujin sa kaniya.
“Master Myoujin,” tugon naman nito sa kaniya.
“Bakit wala ka kanina sa VIP room natin after natin mag-party?” pagtatakang tanong ni Myoujin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
RomanceWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...