Chapter 37

368 9 0
                                    

Nanganak na si Yuffie at dalawang araw pa lang ang nakakalipas. Hindi na umalis si Myoujin sa tabi niya dahil iniisip niyang walang mag-aalaga sa kaniyang mag-iina. Sa tuwing umiiyak ang sanggol si Myoujin lagi ang nagbubuhat at pinapatahan niya ito.

“L-love, kahit ang mga maids na lang umasikaso kay baby ayos lang po sa kin. Baka po kasi napapagod ka na dahil sa amin at baka po may napapabayaan ka na,” pag-aalalang saad ni Yuffie sa kaniya.

“No, love. I will not let them take care of you. Bigyan mo akong chance na alagaan kayo na hindi ko man nagawa noong baby si Yujin. Kahit kay Myoura man lang love at never akong mapapagod pagdating sa inyo,” pagsusungit na saad nito kay Yuffie.

Sinayaw-sayaw niya ang baby at umakyat naman sa kama si Yujin upang tingnan nito ang baby sister niya.

“Daddy ang liit ni baby Myoura!” masayang wika ni Yujin sa kaniyang daddy.

“Yes baby kuya, ganito ka rin kaliit noon. Hindi ba ang cute ni baby Myoura?” nakangiting tugon niya kay Yujin.

Nakangiti lang si Yuffie sa kaniyang mag-aama habang nakahiga ito sa kama. Naramdaman ni Yuffie na parang magpapalit na siya ng napkin. Pinipilit niyang umupo pero ang kaniyang mga tuhod ay nanlalambot. Napansin siya ni Myoujin at ibinaba niya muna ang baby nila sa kuna.

“Love, what’s wrong?” tanong ni Myoujin sa kaniya.

“P-Parang puno na kasi ang napkin ko, kaya magpapalit po sana ako,” nahihiyang tugon ni Yuffie sa kaniya.

Pinalabas niya muna si Yujin at pinapunta niya muna sa garden upang maglaro.

“Wait love, huwag ka nang tumayo—” nakangiting saad nito sa kaniya.

Kumuha siya ng napkin, maligamgam na tubig, at alcohol upang hilamusan niya si Yuffie.

“L-Love ako na lang po—” nahihiyang saad muli ni Yuffie sa kaniya ngunit hindi ito makaupo ng maayos.

“Love, let me take care of you because I love you,” nakangiting wika niya at hinalikan niya ito sa lips.

Walang magawa si Yuffie at ngumiti ito sa kaniya.

“Love, huwag kang mahiya sa’kin. Nakita ko naman ang lahat sa’yo,” pagbibiro ni Myoujin sa kaniya.

Hinalimusan niya si Yuffie at tinanggalan niya ito ng mga damit. Nilinisan niya rin ang sugat sa kaniyang hiyas upang maiwasan ang impeksyon. Napapakislot si Yuffie at napapapikit ito sa bawat pagdampi ng basang bulak sa kaniyang nagdurugong perlas.

“Love mahapdi pa ba? Konti lang nilagay kong alcohol sa maligamgam na tubig,” pag-aalalang tanong ni Myoujin sa kaniya.

Ngumiti si Yuffie sa kaniya at hinawakan nito ang kamay ng kaniyang kabiyak.

“Love thank you, po sa pag-aalaga sa amin. Hindi po siya mahapdi,” nakangiting tugon niya.

Ngumiti rin si Myoujin sa kaniya. “You are always welcome, love!”

Every week binibisita siya ng doctor at upang nasa maayos na kalagayan ang baby nila at si Yuffie. Tinuruan naman siya ni Yuffie kung papaanong maglagay ng napkin sa panty. Binihisan niya ito at nang pumasok si Aling Cossang upang asikasuhan niya sana ang anak niya, tapos na pala nitong binihisan ni Myoujin. Nakita rin niyang sinusuklayan siya ni Myoujin at nilagyan ng powder sa kaniyang likuran.

“M-Master, bakit hindi ni’yo po ako t-tinawag,” gumagaralgal na saad ni Aling Cossang sa kaniya.

“Nope, kahit ako na lang ang mag-alaga sa kanila. It’s my duty to care of my own family. Kapag nasa work na lang po ako doon ni’yo na lang po sila alagaan. Thank you,” nakangiting wika ni Myoujin sa ale.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon