Chapter 7

499 12 0
                                    

Dumating si Manong Ronaldo na battler ni Myoujin at nakita niya ang kaniyang master na nakaupo sa kaniyang kama. Wala siyang pang-itaas na damit at naninigarilyo siya habang umiinom ng wine. Nasalubong naman niya si Yuffie sa hagdan na tila galing siya sa private room ng kaniyang master.

“Master, nagawa ko na ang iniuutos mo,” saad nito sa kaniya.

“Great, have the police released her?” tanong nito sa kaniya at ngumiti siya ng nakakainsulto.

“Yes master, mabuti at pinalaya mo na siya? Hindi biro ang ginawa niya sa iyo master dahil ang kuwintas na iyon ay yaman ng inyong pamilya,” pag-aalalang tanong ni Manong Ronaldo sa kaniya.

“Well, may nagbabayad na ng kaniyang kasalanan. Kaya I decided to released her.”

“S-Sino master?”

“Secret.”

Atsaka na nagbihis si Myoujin upang  pumasok na ng kaniyang classroom.

“Before you do what I command you, clean my bed first,” utos niya kay Manong Ronaldo.

Habang nililinisan ni Manong Ronaldo ang kama ni Myoujin, may nakita siyang may bahid ng dugo. Nagtaka ang battler kung bakit may bahid ng dugo sa kama ng kaniyang amo.

“Kaninong dugo ito?” pagtatakang tanong nito sa kaniyang sarili.

May nakita rin siyang ribbon na tila galing sa buhok ng isang babae. Pumasok naman ni Yuffie at nagtaka sila kung bakit tila wala siya sa kaniyang sarili. Napansin naman nina Alice at Fiona na tila may tagos si Yuffie sa kaniyang palda.

“Yuffie!” tawag ni Fiona sa kaniya.

Lumingon naman si Yuffie sa kanila.

“Halika samahan mo kami ni Alice na pumunta sa c.r,” pagyayaya ni Fiona sa kaniya.

Nang makarating sila sa c.r. ibinigay nila ang napkin kay Yuffie.

“Here, parang may regla ka. Buti kami lang ang  nakakita,” saad naman ni Alice sa kaniya.

“H-Hindi naman ako nagme-mens,” mahinang sagot nito sa kanila.

“Nilalagnat ka ba, Yuffie? Parang ang putla mo. Mag-change ka na,” pag-aalalang saad naman ni Fiona sa kaniya.

Pumunta si Yuffie sa loob ng cubicle at nagsimula na siyang umiyak nang umiyak. Dahil nakikita niya ang patuloy na pagdugo ng kaniyang hiyas at hindi nito makalimutan ang ginawa ni Master Myoujin sa kaniya. Nang umihi siya halos hindi niya ito mailabas dahil parang may nakabarang bato sa loob ng kaniyang hiyas. Kinatok naman siya nina Alice at Fiona.

“Hey, Yuffie, are you okay?” pag-aalalang tanong naman ni Alice sa kaniya.

Sumagot naman si Yuffie sa kanila at pinunasan niya ang kaniyang luha.

“Oo, ayos lang ako,” sagot nito sa kanila.

Sina Alice at Fiona ay hinahahangaan nila si Yuffie dahil sa taglay nitong kagandahan kaya gusto nila itong maging kaibigan. Isa pa sa dahilan ay naaawa sila sa kaniya at alam nilang wala siyang kasamahan sa kanilang eskuwelahan. Galing din sila sa mayayamang pamilya at kapuwa businessman ang kanilang mga magulang.

“Hey, Yuffie, ayaw mo bang pumasok sa modeling?” tanong ni Alice sa kaniya.

“Fit na fit ka dahil ikaw gusto kitang i-represent kay daddy ko,” saad naman ni Fiona sa kaniya.

“Hindi po ako mahilig sa pagmo-model dahil hindi po ako bagay riyan,” malungkot na tugon nito.

“Hindi, bagay na bagay ka. Sana mahikayat ko rin si Master Myoujin, Xu Kai, Ryuu at Ji Hoon parang ang itsura nila pang-korean actor o model ang kikinis at ang gagandang mga lalaki higit pa roon matatangkad pa,” kinikilig namang wika ni Fiona.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon