Chapter 28

538 12 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggong pamamalagi nina Myoujin, Yuffie at Yujin sa bansang Japan. Nagugulat na lang si Myoujin dahil napakabilis matuto ni Yujin ng salitang hapones. Hindi sila nakakuha ng private tutors at si Myoujin lang ang nagturo sa kaniyang anak. Balak nila na i-enroll si Yujin sa eskuwelahan sa Japan, sinubukan nito ang kaniyang anak kung naiintindihan ba niya ang kanilang inaral.

“Baby, nani o manabi mashita ka? (ano ang natutuhan mo?)” tanong ni Myoujin sa anak.

“Nihonggo de onegaishi masu! daddy! (Nihonggo po!)” masayang saad ni Yujin sa ama.

Pinalakpakan ni Hiro at Yuffie ang batang si Yujin. Niyakap at hinalikan sa pisngi ng may panggigil ni Myoujin ang anak niya.

“Nakikiliti po ako daddy!” tumatawang wika ni Yujin.

“I am proud of you, baby. Anata wa totemo kashikoi desu! (napakatalino mo talaga!),” nakangiting saad ni Myoujin sa anak.

“Nagmana siya sa’yo love,” nakangiting sambit ni Yuffie sa kaniya.

“Kare wa anata no bijinesu o hikitsugu koto ga dekimasu, Myoujin-san (puwede na siyang magmana sa mga business mo, Myoujin),’’ masayang saad naman ng kaniyang lolo na si Hiro.

Ngumiti lang si Myoujin at halata ang kaniyang kasiyahan sa tuwing nakikita niya sina Yujin at Yuffie. Biglang dumating si Asahina na tita naman ni Myoujin at kapatid naman ni Nishimura Aki. Nagulat siya dahil matagal na rin niyang hindi nakita ang pamangkin magmula nang umuwi siya sa bansang Pilipinas.

“Myoujin-san, is that you?” gulat na wika ni Asahina sa kaniya.

“You already know how to speak English, Oba-kun,” pagbibiro naman ni Myoujin sa kaniyang tiya Asahina.

“Matte, sore wa anata no musuko desu ka? (Wait, is that your son?)” pagtatakang tanong nito sabay na pagturo niya kay Yujin.

Itinawag ni Myoujin ang kaniyang anak at ipinakilala niya ito sa kaniyang tiya. Niyakap naman si Asahina ang kaniyang apo.

“You are so cute, Yujin-chan. Anata wa hontou ni Myoujin-san no you ni miemasu, (kamukha mo talaga si Myoujin),” saad nito kay Yujin habang hinihimas nito ang kaniyang ulo.

“Oba-chan arigatou, anata wa utsukushii, (salamat po grandma, ang ganda ni’yo naman po),” nakangiting wika nito kay Asahina.

“Matte, kare wa hanawonarasu houhou o shitte imasu? (sandali, marunong na siyang mag-nihonggo?)” pagtatakang tanong ni Asahina kay Myoujin.

“Yes, auntie. Kare wa sudeni shitte imasu (marunong na siya),” masayang sambit naman ni Myoujin sa kaniya.

Ipinakilala rin niya si Yuffie at namangha naman si Asahina sa kagandahan ni Yuffie. Tumawa na lang ito nang napakalakas. Kinabukasan ay in-enroll na si Yujin sa eskuwelahan sa Japan. Dito rin nag-aral si Myoujin noong nasa Primary level siya. Natuwa naman ang principal sa kaniya dahil siya rin ang tinaguriang pinakamatalinong mag-aaral sa kaniyang pinasukang eskuwelahan. Unang araw pagpasok ni Yujin sa kanilang paaralan ay nahihiya pa ito sa kaniyang mga kaklase. Lagi siyang pinanggigilan ng kaniyang mga guro dahil napakaguwapo raw nito. Tumayo si Yujin at nakasilip naman si Myoujin sa pintuan ng kanilang classroom.

“Kaya mo iyan, baby!” nakangiting sambit ni Myoujin sa anak.

Nagpakilala na si Yujin sa kanila at isinulat ng kanilang guro ang pangalan niya sa Blackboard.

“Watashi no namae wa Yujin Gonzales Aki desu. Watashi no ryoushin wa Myoujin Aki to Yuffie Gonzales desu. Watashi wa 5-sai desu. Yoroshiku! (My name is Yujin Gonzales Aki. My parents are Myoujin Aki and Yuffie Gonzales. I am 5 years old. Nice to meet you all!),” pagpapakilala niya at kasabay nito ang kaniyang pagyuko.

Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon