Yuffie’s POV
Nakulong ang nanay ko dahil sa pagnanakaw niya sa mahalagang yaman ng pamilya ni Master Myoujin. Alam kong hindi na mababawi ng mama ko ang kuwintas na iyon dahil ipinambayad na ito sa mga sindikatong kinasangkutan ng aking tiya. Umuwi ako na nanlalambot ang aking katawan dahil nag-umpisa na akong singilin ni Master Myoujin kapalit ng kalayaan ni mama. Dumating ako sa bahay at nadatnan ko si mama at niyakap ko ito nang napakahigpit.
“Anak, huwag ka nang umiyak dahil narito na ako. Pinalaya na ako ni Master Myoujin at nagpapasalamat ako dahil pinatawad na niya ako ngunit hindi na ako maaaring magpakita sa mga pamilyang Aki,” umiiyak na sambit ni mama ko sa akin.
Ngunit hindi niya alam na ako ang kabayaran ng pagkakasala ni mama. Pumunta na ako sa aking kuwarto at pumunta ako sa banyo upang maligo. Nilagyan ko ng napakaraming bahid ng sabon ang hawak kong panhilod atsaka nagsimula nang tumulo ang luha ko.
“Kailangan matanggal ang dumi, matanggal ka na,” umiiyak na bulong ko sa aking sarili.
Pinakadiin-diin ko ang panghilod hanggang namula ang aking balat. Hinugasan ko ang aking hiyas at nang hugasan ko ito, naramdaman ko ang hapdi. Nasugat pala ang aking hiyas kaninang inangkin ako ni Master Myoujin. Diring-diri ako sa sarili ko dahil ang tingin ko sa aking sarili ay isang napakaruming babae. Subalit wala akong magawa kung hindi ko gawin at sundin ang gusto ni Master Myoujin dahil natatakot akong makulong ulit si mama. Ayoko na sanang pumasok sa paaralan ngunit sa twuing nakikita ko si mama, napapaiyak na lang ako. Ipinilit kong bumangon kinabukasan upang pumasok ng paaralan at habang naglalakad ako papasok ng paaralan, biglang huminto ang napakagarang sasakyan. Binuksan niya ang bintana, si Master Ji Hoon pala ang nakasakay sa kotse.
“Good morning Yuffie, sakay ka na,” nakangiting saad nito sa akin.
Namula ako at hindi ako makapagsalita sa tuwing nakikita ko siya.
“H-Hindi na po, malapit na rin po naman,” nahihiya kong sambit sa kaniya.
Bumaba siya sa kaniyang sasakyan at binuksan niya ang pinto sa kabila para sa akin.
“Come in,” nakangiting saad niyang muli sa akin.
Nang makarating kami sa paaralan nakita ko na nagpila ang mga guro at ang mga estudyante malapit sa papasok sa pinto ng building.
“Signals that Master Myoujin is about to enter. Iba talaga kapag pinakamayaman sa school, nagagawa rin niya ang gusto niya. Kahit hindi siya pumasok, he is very intelligent. Nasa kaniya na yata lahat, naiinggit ako sa kaniya. Tapos pati kami kahit saan siya magpunta ginagalang namin siya,” malungkot sa wika ni Ji Hoon sa akin.
Tumingin siya sa akin dahil naging seryoso ang mukha ko. Pinindot niya ang ilong ko.
“Let’s go, baka ma-late pa tayo. Bakit napakaseryoso mo ngayon, by the way let’s have lunch together later. Susunduin kita ng classroom mo mamaya,” saad niya sa akin.
Nakita ko si Master Myoujin na bumaba na ng kaniyang sasakyan. Sabay-sabay na pagyuko nilang lahat.
“Good morning Master Myoujin,” sabay-sabay nilang pagbati sa kaniya.
Pumasok na ito sa building at dumiretso na ito sa aming classroom. Hinatid naman ako ni Ji Hoon at nakita ako ni Master Myoujin na kasama ko ang kaibigan niya. Nakayuko akong pumasok at sinalubong naman ako nina Fiona at Alice. Niyakap ako ni Fiona at umupo naman si Alice sa aking desk. Nakikita ko si Master Myoujin na naglalaro sa kaniyang cellphone at ang ibang kaklase naming babae ay nakatingin lahat sa kaniya.
“Hey Yuffie, may secret ka ba sa amin?” nakangiting tanong ni Alice sa akin.
“Anong sikreto?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/299799264-288-k411368.jpg)
BINABASA MO ANG
Myoujin Aki's Prisoner (COMPLETE CHAPTER)
RomanceWarning: Rated SPG Myoujin Aki is a very dangerous Yakuza leader, smart and clever, handsome, sarcastic at pinakabatang CEO ng limang kumpanyang kaniyang pinamamahalaan. He is 22 years old pero may illegal at legal business din siyang hinahawakan. L...