"Pa, sino po siya?" Tanong ng batang lalaki habang nakahawak ang kamay sa kanyang ama, at pinag mamasdan ang matanda sa loob ng kabaong.
"Hindi ko sya kilala anak." Sagot sa ng kanyang ama, nagtataka 'man ang batang lalaki kung bakit sila nandito ng kanyang ama kahit hindi nila kilala ang pinaglalamayan.
"Bakit po tayo nandito?" Tanong ulit ng bata, dahil sa pagkainis na naramdaman ng kanyang ama ay hinila nya ito paalis sa lugar at dinala kung saan.
"Masyado kang madaldal katulad ng nanay mo!" Sigaw ng kanyang ama sa anak, hindi mapigilan ng batang lalaki ang maiyak dahil nakitang nagalit ang kanyang ama.
"Dyan ka na! Wag mo na ako hahanapin pa!" Kasabay no'n ang pag-iwan ng lalaki sa kanyang anak na humahagulgol. Masyado pa'ng bata ang lalaking ito para maintidihan ang mga nangyayare sa mundo.
Halos isang oras na ay hindi pa 'rin tumitigil ang bata sa pag-iyak dahil sa pag iwan sa kanya ng kanyang ama, pinunasan nya ang kanyang luha at nilibot ang paningin. Wala syang ideya kung asan sya, hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito.
Medyo nag didilim na at mag-isa lang ang batang lalaki, nakakaramdam na 'rin sya ng gutom.
Dahil sa walang mapagpilian ay tumayo ang batang lalaki para mag hanap ng makakain. Kung saan saan nakarating ang batang lalaki pero wala syang makitang mataong lugar at makakain, puro puno at damo ang nakikita nya.
Naglakad pa sya ng kaonte hanggang sa may makita syang mga kuneho, onti-unti syang lumapit dito, at pinagmasdan ang mga ito. Napangiti sya dahil dito.
"Ang cute nyo.." Wika ng bata at kinuha ang isang kuneho, umupo sya sa madamong lapag at nilagay sa kanyang hita ang isang kuneho.
"Anyo pangalan mo?" Nabubulol na tanong ng bata sa kuneho, kahit ito nagsasalita ay natutuwa pa 'rin sya.
"Nagugutom din ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng bata sa mga kuneho, parehas ang bata at ang mga kuneho na nag hahanap ng kanilang makakain.
"Kasho walang pagkain." Malungkot na wika ng bata sa mga kuneho, "Ah! Alam ko na, hanap tayo pagkain!" Tumayo ang bata at nilibot ang tingin sa paligid, napadpad ang kanyang tingin sa puno ng mansanas. Naglakad sya papunta dito, balak nyang pumitas ng mansanas pero hindi nya ito maabot.
Tumalon-talon ang bata para maabot ang mansanas pero sya'y bigo, maliit sya para maabot ito. Nilibot nya ulit ang kanyang paningin.
"Bata.." Agad napaharap ang bata sa taong nag salita, "Ito mansanas, at ito din mga carrots para sa alaga mong kuneho." Boses ng babae ang nagsalita, pero hindi nito maaninag ang kanyang mukha. Binigay ng binibini ang basket ng mansanas at carrots, tinanggap naman ito ng batang lalaki.
"Salamat po." Sabi ng bata at tinignan ang basket ng mansanas at carrots, kakausapin nya pa sana ang binibini ngunit agad itong nag laho. Nakaramdam ng pagkabigo ang batang lalaki.
Naglakad muli sya sa pwesto ng mga kuneho, nilapag nya ang dalawang basket at naupo muli. Binigyan nya nag tig-isang carrots ang mga kuneho at pagtapos no'n ay kumuha sya ng mansanas para sa kanya.
Pagtapos kumain ng mga kuneho ay nakatulog sila, ang batang lalaki naman ay humiga sa tabi ng mga kuneho.
"Dito nalang ako sa inyo.." Sabi ng batang lalaki at niyakap ang kanyang sarili.
Halos isang linggo ng ganto ang buhay ng bata, kakain ng mansanas at ang mga kuneho naman ay kakain ng carrots, at sabay matutulog.
Nasanay na ang batang kasama ang mga kuneho, at ang mga kuneho na ang mga naging kalaro nya.
Katulad ng gawain nila ay kumain sila ng kanilang pinagtitipiran na pagkain, at sabay matutulog.
Ngunit maya-maya ay nagising ang batang lalaki dahil nakarinig ito ng kaonting ingay, dinilat nya ang mata nya at naupo.
Hinawi ng batang lalaki ang kanyang buhok dahil natakpan nito ang kanyang mga mata, nanlaki ang dalawa nyang mata ng makita ang matandang na pinaglalamayan lang nung nakaraang linggo.
"Sayo nalang." Binigay sa kanya ng matandang babae ang maliit na bote na may lamang tubig at isang liham.
Nagtaka ang bata bakit binigyan sya nito ng babaeng nang isang linggo ay nakahiga lang sa loob ng kabaong. Kahit na naguguluhan ang bata ay kinuha nya pa 'rin ito.
"Gusto mo ang mga kuneho ah." Nakangiting wika ng matandang babae, ngumiti naman ang batang lalaki at tumango.
Lumuhod ang matandang babae para mapantayan ang batang lalaki, hinawakan nito ang balikat ng batang lalaki.
"KASALANAN NG TATAY MO KUNG BAKIT NAWALAN AKO NG ANAK!" Sigaw ng matanda, agad tumulo ang luha ng batang lalaki.
"PINATAY NG AMA MO ANG ANAK KO!" Sigaw muli ng matanda, napahawak ang batang lalaki sa kanyang ulo dahil medyo sumasakit ito ng hindi malaman ang dahilan.
"DAPAT AY MAMATAY KA DIN!" Mas lalong napahawak ang bata sa kanyang ulo dahil mas lalong sumasakit ang kanyang ulo, at panay na 'rin ang sigaw nya ng 'TULONG!'.
"HINDI PWEDENG WALA AKONG GANTI!" Kinuha ng matandang babae ang tubig sa maliit na bote at tumingin sa batang nagwawala dahil sa sakit ng ulo, binuksan nya ito at hinawakan ang mukha ng bata tsaka ito pinainom sa batang lalaki.
Kumalma ang bata at nahiga ito sa madamong lapag dahil sa pagod na naramdaman, tumingin ang batang lalaki sa kabila't kanan, pinalibutan sya ng mga kuneho halatang nag aalala ito sa kanya, ngumiti ang batang lalaki at tuluyang nakatulog.
Napangisi ang matanda at tumayo tsaka tinalikuran ang batang lalaki, "Hindi pa ngayon.." Huli nyang sabi at agad na naglaho na parang bula.
--
Dinilat ng batang lalaki ang kanyang mga mata, nakita nyang naglalaro ang mga kaibigan nyang kuneho. Nakaramdam ng kirot ang batang lalaki sa kanyang likuran, agad sya tumayo para mawala ang pagkakirot.
Napahawak sya sa kanyang buhok at may kakaiba syang nakapa sa kanyag ulo, parang...parang sungay.
Nang di alam ang dahilan may lumitaw na malaking salamin sa harap ng batang lalaki, at laking gulat ng bata dahil sya'y mayroong dalawang tenga sa kanyang ulo, na akala nya'y sungay. Tumalikod ang bata at nakita din nitong may bilog at mabalahibo syang buntot, napatingin sya sa mga kuneho.
"Rabbit na din ako?.." Tanong nya sa sarili nya. Dahil bata pa sya, hindi nya malaman laman ang nangyayare sa kanya. Balang araw malalaman nya din ang dahilan kung bakit isa na 'rin syang kuneho.....
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...