MLB#17

200 8 0
                                    

Almost three days have passed, at hindi pa 'rin alam ni Ken kung anong explanation ang dapat nyang sabihin sa kanyang tatay, hindi nya din alam sa kanyang sarili kung payag ba sya na ipakasal sya sa babaeng niloko sya.

Palagi 'rin pumupunta si Ksenia sa office ni Ken pero hindi naman sya nag tatagal kasi hindi naman sya halos kausapin ni Ken, kahit na paglingon wala.

Stell is now in Ken's office, nakatuon lang ang tingin sya sa screen ng cellphone at si Ken naman ay may katawag sa kanyang cellphone, malamang tungkol iyon sa company.

Napansin ni Stell na naupo si Ken sa kanyang swivel chair hudya't tapos na ang pag-uusap nila ng kanyang kausap, nag kunwaring nasamid si Stell para mapunta ang atensyon ni Ken sa kanya, ngunit sya'y bigo.

Napanguso si Stell, "Ken, ilang araw tayo hindi nag kita. Wala ka bang chismis d'yan?" Tanong ni Stell habang nasa cellphone pa 'rin ang tingin.

"Tigilan mo'ko." Mas lalong napasimangot si Stell.

Biglang naalala ni Stell ang tungkol kay Josh, napatingin sya kay Ken na tahimik na nakatingin sa kanyang laptop.

"Kamusta na pala si Josh?" Nanlaki ang mata ni Stell nang masabi nya iyon, dapat sa isip nya lang iyon ngunit na banggit nya.

"Huh...Kilala mo si Josh?" Nagtatakang tanong ni Ken, napaiwas ng tingin si Stell, "Ah...It-type ko lang sana sa ka-chat ko pero nalakasan." Sagot ni Stell at napakamot sa kanyang batok.

Napatayo si Ken at lumapit sa pwesto ni Stell, "Sabihin mo nga 'yung totoo sa'kin, do you know about Josh?" Seryoso nitong tanong, hindi makatingin si Stell kay Ken at hindi nya alam ang isasagot nya. 'Nakakainis naman 'tong dila ko.' Bulong nya sa kanyang sarili.

"Stell." Doon na napatingin si Stell kay Ken ng marinig ang boses ni Ken na kakaiba, "Anong alam mo tungkol kay Josh?" Tanong nito. Huminga ng malalim si Stell, 'Sorry Jessa and Josh, hindi ko kayang matiis si Ken.' Ani nya sa kanyang isip.

"Isa syang kuneho?" Biglang namilog ang mga mata ni Ken at hindi nag dalawang isip na kwelyuhan si Stell, na ikinagulat ni naman ng lalaki.

"Ken.!."

"Paano mo sya nakilala?!" May halong inis sa boses nito.

"Kumalma ka Ken!" Sigaw ni Stell, patapon naman syang binitawan ni Ken.

"Nakilala ko sya kasi nagpunta ako sa condo mo dahil wala ka dito sa office, at pag dating ko doon naabutan ko sila ni Jessa, tapos doon ko na sya nakilala. Wala akong ginawang masama sa kanya, kaua kumalma ka." Mahabng paliwanag ni Stell, patagong huminga ng malalim si Ken.

'He looks very worried.' Ani isip ni Stell.

"Sinabi nya sa'min lahat ni Jessa kung paano kayo nagkakilala." Sabi ni Stell, bumalik si Ken sa kanyang swivel chair.

"Wag kanang lumapit sa kanya." Malamig nyang sabi kay Stell, napatingin naman ng nagtataka si Stell, "Why? Wala naman akong ginagawang masama ah." Sabi nito at pinag cross ang kanyang dalawang braso.

"Masyado kang protective." Dagdag pa nito at umirap.

"Mukhang alam mo ng lahat." Wika ni Ken, "Yeah. Wag ka mag-alala hindi ko pagsasabi kahit kanino." Sabi nito at ngumiti kay Ken, pero walang naging reaction si Ken.

"Pero Ken, bakit mo sya tinanggap? Super weird nya kaya."

"I don't know."

"Pero cute sya ah." Binigyan naman sya ni Ken ng masamang tingin.

"Kalma Suson, hindi ko sya aagawin." Sabi ni Stell, 'Ruler?' Natawa si Stell sa kanyang naisip.

"Nabalitaan ko tungkol sainyo ni Ksenia." Napatigil si Ken sa ginagawa nya, "Gusto mo bang magpakasal sa kanya?" Tanong ni Stell sa kanya.

"I don't know." Sagot lang ni Ken.

"Eh kay Josh, gusto mo mag pakasal?" Nagbibirong tanong ni Stell na ikinagulat ni Ken, napaiwas ng tingin si Ken kay Stell, "Nonsense." Wika nito.

'Namula sya?' Bulong ni Stell sa kanyang sarili.

--

"Hello po Ms. Ksenia." Pagbati sa kanya ng mga guards pagdating sa building kung saan si Ken ngayon.

Binati nya 'rin pabalik ang mga taong bumati sa kanya.

"Super bait talaga ni Ms. Ksenia, ang swerte ni Sir Felip." Bulong ng isang babae, sumang-ayon naman sa kanya ang kanyang kausap.

"Hi Ms. Ksenia, kamusta po?" Ani ng isang employee, ngumiti si Ksenia sa kanya, "I'm fine. Kayo? kamusta kayo?" Tanong nya sa mga taong nakapaligid, sumagot naman ito ng 'Ayos lang'.

"Narinig po namin na ikakasal na po kayo ni Sir Felip. Kailan po 'yon?" Tanong ng isang employee, natawa si Ksenia.

"Malapit na. Mag hintay lang kayo." Sagot nito at kumindat, hindi naman mapigilan ng mga employees na kiligin sa pinakita sa kanila ni Ksenia.

"Mauna na ako ha?"

"Sige po! Goodluck po!"

Naglakad na si Ksenia papunta sa elevator, ngunit naabutan nya si Jinn na naglalakad papunta kung saan, agad syang lumapit dito.

"Jinn." Napatingin si Jinn sa kanya at agad na ngumiti ng pilit.

"Andyan ba si Ken?" Tanong nito kay Jinn.

"Ah, opo." Agad nitong sagot.

"Ah sige, salamat." Sabi nito, ngumiti lang ulit ng pilit si Jinn at naglakad na kung saan sya pupunta, naiwan naman si Ksenia doon na nakatayo at maglalakad na din pasakay ng elevator.

"Secretary lang 'ata ni Ken ang may ayaw sa'kin ah." Natawa sya ng mahina at sumakay na ng tuluyan sa elevator.

Nang makarating si Ksenia at daan papaunta sa office ni Ken, ay hinanda nya na ang kanyang sarili. Kinuha nya ang kanyang maliit na salamin sa loob ng kanyang shoulder bag at tinignan ang sarili, nang ma satisfied na sya ay binalik nya na ito sa loob at naglakad na ulit.

Kaharap nya na ngayon ang pinto ng office ni Ken, huminga sya ng malalim at onti onting binuksan ang pinto ngunit ng makarinig sya ng pag-uusap sa loob ang agad nyang niliitan ang uwang ng bukas ng pinto, hindi naman sya napansin ng tao sa loob dahil abala ito sa pag-uusap.

Nakinig lang si Ksenia sa pag-uusap ni Stell at Ken sa loob.

'Sino naman si Josh?' Tanong nya sa kanyang isip.

Narinig ni Ksenia ang pagtanong ni Stell kay Ken kung wiling ba ito mag pakasal kay Ksenia ngunit 'i don't know' ang sagot nito. Nakaramdam naman ng kaonting lungkot si Ksenia.

'Hindi mo pa 'rin ako napapatawad?' Ani nito sa kanyang isip.

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Ksenia ng marinig nya nanaman ang pangalan ni Josh, at kung wiling ba si Ken pakasalan ito sa tanong ni Stell, agad na umayos ng tayo si Ksenia, 'Ayaw ko na marinig pa ang sagot nya.' Bulong nya at agad na tumakbo paalis. Hindi nya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha.

"Sino ka bang Josh ka ba? Sisirain mo ba relasyong meron kami ni Ken?" Naiinis nitong tanong sa kanyang isip-isipan.

"Ha..subukan mong sirain kami."

--

"Sir? Galing po dito si Ma'am Ksenia?" Tanong ni Jinn kay Ken na kakarating lang nito galing sa kung saan.

"Huh? Hindi naman sya nag punta dito." Sagot ni Ken, nagtaka naman si Jinn.

"Nakasalubong ko po kasi sya kanina, hinanap ka nga nya po sa'kin."

"Galing sya dito?" Tanong ni Ken, nagtataka namang tumango si Jinn.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now