MLB#23

131 7 0
                                    

"Let's end our meeting here." Sabi ni Ken.

Inayos na ng mga employees ang kanilang gamit at nagpaalam kay Ken bago lumabas ng meeting room, binigyan lang sila ng tungo ni Ken. Bumalik na din si Ken sa kanyang office kasama si Jinn, ngunit hindi nya inaasahan ang makikita nya pagkarating nya.

"Ano ginagawa mo dito?" Bungad na tanong sa kanya ni Ken, tumayo ito ng marinig nya ang boses ng lalaki at binigyan ng matamis na ngiti si Ken. Agad na iniwas ni Ken ang kanyang paningin at naglakad papunta sa kanyang table, at naupo sa swivel chair.

"Jinn. Pwedeng iwan mo muna kami?" Agad ding tumango si Jinn at lumabas ng office ni Ken at sinarado ang pinto.

"Ah..Ken, nagdala ako ng lunch for you."  Wika ni Ksenia at nilabas ang maliit na lunch bag, wala syang natanggap na kahit anong salita mula kay Ken, huminga sya ng malalim at naupo ulit sa couch.

"Ano ba kailangan mo?" Diretsong tanong ni Ken, napatingin si Ksenia sa kanya, "Wala naman actually, hinatid ko lang 'tong food aalis na din ako." Sagot nito at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Goodluck Ken, bye." Ani ni Ksenia at naglakad na palabas ng pinto, "Give me a chance Ken, but with love hopefully." Bulong nito ngunit sapat na para marinig ni Ken, tumingin si Ken sa gawi ni Ksenia sa pintuan pero huli na dahil nakasara na ito, he sighed.

"If I can..."

-

Maya-maya pa ay nakaramdam ng gutom si Ken, napatingin sya sa mini table kung saan nakalagay ang lunch bag na iniwan ni Ksenia para sa kanya.

Tumayo sya sa pagkakaupo at lumapit doon, naupo sya sa couch at tinitigan ang bagay na iyon.

Dahil wala syang choice, at maglalakad pa sya pupunta sa cafè na tanging malapit sa building nila ay sayang lang sa oras.

Binuksan nya iyon at bumungad sa kanya ang naka tupperware na fried chicken, rice at iba't ibang prutas na naka-cut.

Nilabas iyon ni Ken, napansin nyang may papel sa loob ng lunch bag, kinuha nya iyon at binuklat mula sa pagkakatupi.

‘You gave me a chance, I won't waste it. But I will do everything to prove to you that I still love you from beginning to end. Enjoy the simple food I prepared, I know that's your favorite.’

Napapikit si Ken at binalik ulit sa loob ang note. Nagsimula na syang kumakain.

"I don't really know anymore." Bulong ni Ken.

--

Sa loob ng ilang linggo ay nakasanayan na ni Ksenia ang pag hahatid ng lunch ni Ken sa office nito, minsan ang sarili nito ang kanyang dinala or kaya makikisuyo sa ibang employee ni Ken. Hindi 'rin nito kinakalimutan ang pagsulat sa note na hindi mawawala ang salitang, ‘I Love You’.

Hindi naman nagrereklamo si Ken, dahil gusto nya pa nga magpasalamat sa ginagawa nitong pahatid ng pagkain sa kanya, pero iniisip pa 'rin ni Ken kung mahal nya pa ba si Ksenia o kung ano lang itong nararamdaman nya. Napansin kasi ni Ken ang kaonting pagbabago ni Ksenia, mas naging sweet ito. Pinapakita nya at pinaparamdam nya talaga kay Ken na mahal nya ito. Pero hindi sigurado si Ken sa nararamdaman nya.

Ngayon ay nasa bar si Ken kung saan sya paminsan minsang umiinom tuwing bad mood sya, hindi naman sya bad mood ngayon ngayon pero gusto nya lang uminom, ayon lang.

"Bad mood?" Tanong ng isang babae na biglaang pagsulpot nito, napatingin si Ken sa kanya. Makinis, sexy, maganda at kaakit akit ang babaeng iyon.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Malamig na tanong ni Ken dito at binalik ang atensyon sa kanyang inuming alak, he's a little drunk.

Tumabi sa pagupo ang babae sa kanya, "Matagal na kita pinagmamasdan, pero minsan ka lang pala magpunta dito." There was regret in the woman's voice.

"Is that so?" Inubos ni Ken ang kanyang inumin at tumayo na, "Tsk, super cold mo naman. Will your lover be jealous?" She chuckled. Napatigil si Ken, hinarap nya ang babae, bigla naman nakaramdam ang babae ng kaonting takot dahil sa pagtingin ni Ken sa kanya.

"Shut your mouth." Natigilan ang babae, habang nakatingin sa pigura ni Ken na paalis.

Habang naglalakad si Ken papunta sa kanyang kotse ay nakatanggap sya ng tawag, tinignan nya kung sino ito. Si Ksenia.

Nagdadalawang isip sya kung sasagutin nya ito o hindi.

Pero sa huli ay sinagot nya.

"Hmm..." Pagsagot nya tawag.

[Where are you? Nagaalala ako sa'yo] Halata nga sa boses ni Ksenia, natigilan si Ken.

"This none of your business." Malamig na sagot ni Ken, narinig nya ang paghinga ng malalim ni Ksenia.

[Please, mag ingat ka]

"Hm." Agad na pinatay ni Ken ang tawag.

Nasa loob na sya ngayon ng kanyang kotse, nakatulala sa kanyang harapan habang may mga dumadaang sasakyan sa gitna ng dilim.

Napahawak sya sa manibela at nilapat ang noo habang ang kanyang mga mata ay sarado at naglabas ng paghinga ng malalim.

‘Please...Wag mong pilitin na alalahanin lahat ng ginawa ko ngayong araw pag gising mo.’ Napadilat sya ng biglang pumasok sa isip nya ang mga salitang iton, hindi nya alam kung saan iyon galing at bakit parang pamilyar ang salita.

--

Pagdating nya sa kanyang apartment ay naabutan nyang nakaupo si Josh sa couch habang may kinakalikot sa kanyang cellphone, nang mapansin ni Josh si Ken ay napatingin sya dito at agad na ngumiti ng matamis.

"Andito ka na pala." Wika ni Josh at lunapit kay Ken, "Bakit gising ka pa?" Tanong ni Ken sa kanya.

"Hindi pa kasi ako inaantok, so hinintay nalang kita." Ngumiti si Josh at kinuha ang attache case na hawak ni Ken.

"Josh.." Napatingin si Josh sa kanya at tinignan ng nagtataka.

Medyo masakit na ang ulo ni Ken at gusto nya ng matulog, kaunti lang naman ang ininom nya, pero parang lasing na lasing sya.

Nakatitig lang si Ken kay Josh, parang may naalala sya pero hindi nya alam kung ano iyon.

Suddenly the figure of Josh full of kiss marks on his neck entered Ken's mind.

Nanlaki ang mata nya dahil doon pero agad syang umiling-iling, "Ayos ka lang Ken?" Tanong ni Josh at hahawakan sana ang kanyang balikat pero agad nya itong pinigilan. Kinuha nya ang bitbit ni Josh at agad na naglakad papunta sa kanyang silid, "Matulog ka na." Wika nito ng hindi lumilingon kay Josh. Josh felt strange to Ken.

"What's wrong with me?" Tanong ni Ken sa kanyang sarili habang hilot hilot ang kanyang sintido.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now