MLB: EPILOGUE#1

157 4 0
                                    

After they finished what they were watching, Josh thought of taking Ken to the Enchanted Kingdom.

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Josh kay Ken habang naglalakad sila palabas ng mall at papunta sa parking lot.

"No.." Simpleng sagot ni Ken, sa totoo lang ay ayaw nya pag tumigil at mas gusto nya pang makasama si Josh.

"That's good. We're going to Enchanted Kingdom!" Sabi ni Josh at agad pinapasok si Ken at pinaupo sa passenger seat. At agad na din syang nag drive.

Napangiti si Ken dahil sa isip nya ay mas excited pa si Josh kaysa sa kanya.

-

Kalagitnaan ng kanilang pag byahe ay hindi mawawala ang traffic kaya andito sila ngayon sa gitna ng traffic at nag hihintay na umusad ang mga sasakyan.

"Kailan ba matatapos ang traffic?!" Pasigaw na sabi ni Josh inisandal ang kanyang ulo sa upuan, napatingin si Ken sa bintana para tignan kung gaano pa kahaba ang traffic, medyo malapit na sila sa kanilang pupuntahan kaya kaonting tiis nalang ay makakarating din sila.

Napatingin si Ken kay Josh, nakanguso ito habang nakatingin sa bintana at mukhang badtrip dahil sa traffic, "Gusto ko lang naman dalhin si Ken sa Enchanted Kingdom eh!" Nakanguso nitong sigaw, namula nanaman si Ken dahil doon.

"Ayos lang naman eh...nag enjoy naman ako kanina sa cinema.." Nakayukong sabi ni Ken, "No! Hindi pa ako satisfied!" Wika ni Josh at agad syang naging alerto ng umuusad na ng kaonte ang mga sasakyan.

Habang dahan dahang umaandar ang mga sasakyan ay natahimik ang dalawa, hindi alam ni Josh kung anong pwede nila pag-usapan kaya mas pinili nya nalang manahimik. At si Ken naman ay hindi magawang makatingin kay Josh dahil agad syang namumula at baka mapaghalataan sya.

At ilang minuto pa ang nagdaan at namamayani pa 'rin ang katahimikan sa loob ng kotse ni Josh tanging ang aircon lang ang naging tunog, hindi na mapigilan ni Ken at sya na ang nagsalita.

"Josh." Napatakip si Ken ng bibig ng maitawag nya sa ganoong pangalan ang taong nasa tabi nya, napalingon naman si Josh sa kanya na gulat ang mukha.

"I mean Joel, sorry..." Sabi ni Ken habang hindi makatingin kay Josh.

Tumikhim si Josh, "Ano 'yon?" Tanong nito, huminga ng malalim si Ken.

"Ayos lang ba mag tanong? Wala naman tayong matopic haha." Ani ni Ken habang hindi pa 'rin makatingin kay Josh, nakita ng gilid ng kanyang mata ang pagtango nito.

"Sorry for personalities question, p-pero ikaw ba 'yung user ng LightHunter?" Halos labas sa loob ni Ken ang magtanong ngunit nailabas pa 'rin ng kanyang bibig.

"What?! Haha! Nakilala mo ako!" Natatawang sabi ni Josh, napatingin si Ken sa kanya ng nagtataka, "Hindi ka galit na nakilala kita?" Nagaalala nitong tanong, nilapit ni Josh ang mukha nya kay Ken at pinisil ang ilong nito, dahilan magwala nanaman ang puso ni Ken.

"Bakit naman ako magagalit? Natutuwa nga ako na kilala mona ako sa pangalang iyon." Nakangiti nitong sabi, napaiwas si Ken ng tingin ng may ngiti sa labi.

"Ano pa 'bang iba mong tanong?" Mukhang naganahan na si Josh base sa kanyang boses, hindi alam ni Ken kung itatanong nya ba ito o hindi.

"A-amm...ano." Napapikit sya, nagiisip sya kung itutuloy nya ba o hindi.

"Ano 'yon?" Nakangiting tanong sa kanya ni Josh, huminga sya ng malalim.

"M-may g-gusto ka na b-bang iba. I mean- oh my god.." Nauutal na sabi ni Ken, tinakpan nya ang kanyang mukha dahil sa kakahiyaan na naramdaman.

Narinig nyang natawa si Josh kaya napatingin sya dito, "Yon ba..Meron." Biglang naging seryoso ang boses ni Josh. Natahimik si Ken.

"Oh.."

"Pero sobrang tagal na nung huli kaming nagkita, wala na akong balita sa kanya. Hindi ko nga maalala 'yung mukha nya pero nag papakita sya sa panaginip ko, hindi lang klaro ang mukha nya...pero hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko sya, weird diba?" Mahabang paliwanag ni Josh. Natahimik si Ken.

"Hindi ko magawang magkagusto sa iba dahil sa kanya, eh hindi ko naman na maalala 'yung mukha nya, basta ang naalala ko is nagsama ko for almost year din, dati." Walang salitang lumabas sa bibig ni Ken, aaminin nya na medyo nasaktan sya ng marinig ang sagot ni Josh. Pero anong magagawa nya, sabi nga ni Josh na hindi nya magawang magkagusto sa iba, mukhang mahal na mahal talaga ni Josh ang taong iyon.

"Wag ka matahimik d'yan, kalimutan na natin 'yon haha. By the way andito na tayo!" Sigaw ni Josh, hindi namalayan ni Ken na nakausad na pala sila dahil sa lalim ng pagiisip. Umiling-iling si Ken at hindi na nag isip pa ng kahit ano. Susulitin nya nalang ang magandang araw ngayon kasama si Josh.

Pagkababa nila ng sasakyan ay agad silang nag tungo sa loob, ng makita ni Ken ang buong kalawakan ng Enchanted Kingdom ay nakaramdam sya ng pamunutla.

"Ken are you okay?" Mukhang napansin iyon ni Josh kaya napatanong ito, nilibot ni Ken ang kanyang paningin. Puro mga rides.

"Haha! Takot ka no? Don't be scared kasama mo ako, hindi kita iiwan!" Nakangiting sabi ni Josh, agad naman gumaan ang pakiramdam ni Ken dahil sa mga narinig nya kay Josh.

"Tara na." Sabi ni Josh at inilahad ang kanyang palad sa harap ni Ken, napangiti si Ken at agad na pinatong ang kanyang palad sa kamay ni Josh at tumakbo na kung saan.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now