It's already 10pm at nandito pa 'rin si Ken sa loob ng kanyang office, lagi syang late nakakauwi sa kanyang apartment dahil kailangan nyang tapusin ang mga dapat pang tapusing paperworks.
Si Jinn naman na kanyang Secretary ay nauna ng umuwi sa kanya, dahil gusto na 'rin ni Ken paalisin sya, mas comfortable sya kung sya lang din mag-isa.
Napatingin si Ken sa pinto ng kanyang office ng bumukas ito, si Stell pala ang kanyang kaibigan.
"Akala ko nakauwi ka na." Sabi nito at naglakad papunta sa pwesto si Ken, hindi sya pinansin ni Ken at nag focus lang ito sa ginagawa nya. Hindi na bago sa kanya ang paglitaw ng biglaan ng kanyang kaibigan.
"Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na." Tanong sa kanya ni Stell, "Bakit ikaw? Umuwi ka na." Malamig na sagot ni Ken, napanguso naman si Stell.
"Okay okay, uuwi na ako. Basta umuwi ka na din, aabutin ka nanaman dito ng madaling araw." Wika ni Stell na may halong pag aalala sa kaibigan. Minsan ay madaling araw na nakakauwi si Ken dahil sa gawain nya, kaya ang tulog nya ay wala sa tamang oras.
"Please get out." Hindi na nagmatigas pa ang kanyang kaibigan at naglakad na ito paalis. Baka pa ay mainis nya si Ken, mayayari nanaman sya.
Ilang oras pa si Ken nanatili sa kanyang office, hanggang sa makaramdam sya ng pagkaantok. Inayos nya na ang kanyang mga gamit at pag tapos ay lumabas na ng kanyang office.
Biglang pumasok sa isip nya ang kuneho na biglang lumitaw kanina, nag dadalawang isip si Ken kung babalikan nya pa ba ito o iiwan nalang.
"What is he doing here?" Tanong nya sa sarili nya habang nag lalakad papunta kung saan nya iniwan ang kuneho. Hindi nya alam kung andon pa ba iyon o lumisan na.
Nang makarating na sya sa sulok kung asan nya iniwan ang kuneho, ay naabutan nya itong mahimbing na natutulog, hindi nya mapigilang mapangiti dahil sa sobrang cute nito tignan. Huminga sya ng malalim, "Ano ba gagawin ko sa'yo?" Lumuhod sya para malapitan ang tulog na kuneho, "Bakit hindi ka pa umalis dito? Baka makita ka nila." Wika nya ulit.
Tinitigan nya ang kunehong kanina pa natutulog, tinaas nya ang kamay nya para mahawakan ito. He caressed the hairy body of the bunny.
Dahil sa ginawa nya ay unti-unting nagising ang kuneho, agad nyang tinanggal ang kamay nya at tumayo, "Umalis ka nalang dito, wala kang mapapala dito." Siguro naiintindihan naman ng kuneho ang binanggit nya. Maglalakad na sana sya ng mabilis na tumalon ang kuneho sa kanyang paa.
Tumingala ang kuneho sa kanya, napapikit naman si Ken. Kahit na gustong gusto nya iuwi ang kuneho at alagaan, ay kailangan nya itong iwan. Paano kung may may-ari nito? Edi parang nag nakaw sya ng hayop ng hindi naman sa kanya.
Yumuko sya para makita ang kuneho na parang nakikiusap na kunin sya, hindi napigilan ni Ken ang sarili nyang kunin ang kuneho.
"Okay. Aalagaan na kita, sa tingin ko wala namang may may-ari sa'yo." Sabi nya sa kuneho. Dahil maliit lang naman ang sukat ng kuneho ay nilagay nya ito sa loob ng kanyang blazer. Kailangan nya muna iyon gawin para hindi makita ng guard pag labas nya na may dala syang hayop.
Pag baba nila ng elevator, ay naglakad na ito sa exit at naabutan nila ang guard na tahimik na nagmamasid ng paligid, napansin ng guard ang kanilang CEO kaya agad nya itong binati, tumango lang si Ken at naglakad na papunta sa parking lot.
Pag dating nila doon, ay tumingin muna sya sa paligid para makasigurong walang makakakita sa kanya. Binuksan nya ang pinto ng kanyang kotse at nilapag ang kuneho sa tabi ng driver seat.
"Make yourself comfortable there." Sabi nya sa kuneho at umikot tsaka pumasok sa driver seat.
Ang kuneho naman ay hindi pa 'rin makapaniwala na sa wakas ay may tao ng mag aalaga sa kanya, hindi nya na kailangan pa gumala kung saan saan para lang may matulugan at makahanap ng pagkain. Naging comfortable naman ang kuneho dahil sa malambot na hinihigaan nya, hindi nya mapigilang makatulog ulit.
--
Naramdaman ng kuneho na may humahawak sa kanya, kaya sya'y nagising. Buhat buhat na pala sya ni Ken.
Binuksan ni Ken ang pinto at bumungad sa mga mata ng kuneho ang napaka gandang bahay, hindi nya mapigilang mamangha. Ngayon lang sya nakakita ng ganto kagandang lugar, tumalon sya mula sa pag kakabuhat ni Ken.
"Wag ka sanang pasaway." Sabi ni Ken habang tinatanggal ang kanyang sapatos. Nilibot ng kuneho ang kanyang paningin.
"Grabe 'to!" Wika ng kuneho. Maglalakad sana sya pero agad syang binuhat ni Ken at dinala kung saan.
"This will be your home now." Sabi ni Ken habang buhat ang kuneho at naglakad papunta sa kusina, "My name is Felip, but maybe I'll let you call me Ken, I'll be your father?" Patanong na ani Ken, tama ba 'tong pinag sasabi nya?
"What shall I name you?" Tanong ni Ken at nilapag ang kuneho sa isang upuan, "Josh ang pangalan ko!" Gustong isigaw ng kuneho pero hindi nya naman iyon magagawa. Siguro tanggapin nya nalang ang dapat ipangalan sa kanya ng bago nyang amo.
"Wait..Are you a girl or a boy?" Binuhat ni Ken ang kuneho para makita ang kasarian nito, nakaramdam naman ng sobrang kahihiyan si Josh, "Bakit kailangan nya pa 'to gawin?!" Wika ni Josh sa kanyang isip.
"Ow, you are a boy." Pagtapos no'n ay binaba nya na ang kuneho, tumalikod ang kuneho dahil nahihiya pa 'rin sya sa ginawa ni Ken.
"Maybe I'll just call you Miho." Ken said and took the carrots from his refrigerator, and laid them down in front of the bunny.
"Yan kinakain nyo diba?" Tinitigan lang ni Josh ang carrots, sa totoo lang ay hindi sya kumakain ng carrots, mas prepared sya sa apple. Nilibot ni Josh ang paningin nya at may nakita syang apple sa lamesa, tumalon sya doon para makuha ang apple, nag tagumpay naman sya.
"What? Ayaw mo sa carrots, tapos apple ang hanap mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ken, habang si Josh ay kinakain ang apple.
"Okay, okay I get it." Umupo si Ken sa isang upuan at pinagmasdan ang kuneho na kumakain ng apple. Nakaramdam naman si Josh ng pagkailang, sa buong buhay nya walang nanood sa kanya habang kumakain.
"Just eat, I'll prepare our bath." Ken said and stroked the bunny's head, then walked away. Josh stopped eating, "Ano?!?..."
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...