Napatingin si Josh sa pintuan ng marinig nyang may nag doorbell, nakaramdam naman sya ng takot, kinuha nya ang cap kung saan nakalagay at sinuot iyon, huminga muna sya ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto.
Pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang mala bote ng coke ang katawan, makinis at mahaba ang buhok. Maganda ito.
"Am..hello?" Nabalik sa reyalidad si Josh at agad na umiwas ng tingin sa babaeng nasa harap nya, "Si Ken ba ang hanap mo?" Ngumiti at tumango ang babae. Pinapasok muna ni Josh ang babae at pinaupo sa sofa.
"Anong gusto mo? Juice, coffee?" Tanong ni Josh dito habang nililibot nito ang kanyang paningin sa buong lugar, "I'm fine with juice." Ngumiti si Josh at nagpaalam na ikukuha muna nya ito ng maiinom.
Habang naglalagay si Josh ng juice sa baso ay hindi nya mapigilang mag-alala. Dahil sa buong magkasama sila ni Ken ay walang ni-isang babaeng na hindi pinakilala ni Ken sa kanya na basta nalang pupunta dito.
Matapos nya iyon gawin ay nilapag nya na ito sa mini table na nasa harap ng sofa, "Gigisingin ko lang muna si Ken." Nakangiting sabi ni Josh, umiling ang babae.
"Siguro kailangan nya pa mag rest, hayaan muna natin sya." Kahit nagtataka si Josh sa kinikilos ng babae ay tumango nalang sya. Naupo si Josh sa single na sofa.
"Am..first time ko kasing nalaman na may karoommate pala si Ken dito sa apartment nya." Wika nito, awkward na natawa si Josh.
"By the way, I'm Ksenia Myla Davis." Pakilala nito kay Josh at inilahad ang kamay nito, tinignan lang ito ni Josh at maya maya ay nakipag kamay na 'rin sya, "Josh." Nakita nya ang pagkagulat ng babae pero agad 'ding napalitan ng ngiti.
"Teka, bakit ka nakasuot ng cap?" Nag panic si Josh, hindi nya alam kung anong gagawin nya. Paano kung malaman nya kung anong klasing tao ako? Sabi nya sa kanyang isip.
"Haha, siguro habit mo lang." Mahinhing tawa ng babae, ngumiti lang si Josh sa kanya.
Biglang naalala ni Josh ang pangalang 'Ksenia' medyo familiar ito sa kanya, inisip nya ito hanggang sa maalala nya na, nanlaki ang mata nya at napatingin sa babaeng nasa harap nya.
"Ikaw ba 'yung ano ni Ken-"
"Oo, ako nga 'yung girlfriend nya." Pagpapatuloy nito sa dapat na sasabihin ni Josh.
"Ow..." Natawa ng mahina si Josh, "Good to know." Sabi ni Josh habang hindi makatingin sa babae.
"Alam mo...hindi ako makapag hintay na ikasal kaming dalawa." Wika nito habang nililibot ulit ang paningin nya sa buong lugar.
"Magkaroon ng magandang pamilya." Nakayuko lang si Josh habang nakikinig sa kanya.
"Teka, roommate ka ba talaga ni Ken or isa kang maid?" Napatingin si Josh sa kanya.
Ano nga ba sya ni Ken?
"M-maid.." Tanging ayong salita nalang ang lumabas sa kanyang bibig, hindi nya naman pwedeng sabihin ang katotohanan na nahanap lang sya ni Ken bilang isang kuneho at inalagaan, pag nalaman ni Ksenia na isa syang human bunny-hybrid paniguradong hindi nito magugustuhan ang anyo ni Josh.
Huminga ng malalim si Josh, "Ow..I have to go, sorry Josh. Babalik nalang ako next time, gusto pa kita makasama at makausap pero kailangan ko na talagang umalis." Mahaba nitong salita kay Josh, tumayo ito sa pagkakaupo at hinatid si Ksenia papunta sa pinto.
"Thanks for talking to me." Nakangiting wika nito, ngumiti lang din pabalik si Josh, "Ingat po kayo."
"I want to see your face." Wala pang ilang segundo ay nasa lapag na ang cap na suot ni Josh.
His bunny ears were already visible from his head.
Ksenia was shocked looking at him, so was Josh, the man bowed.
"You are so cute." Nag angat ng tingin si Josh ng sabihin iyon ni Ksenia, "Goodbye! Ipaliwanag mo na sa'kin yang nasa tenga mo next time, thank you." Sabi nito at tuluyan ng lumisan.
Nakatulala lang na nakatingin si Josh sa pintong nakabukas, bumalik lang sya sa wisyo ng makarinig sya ng yapak mula sa hagdan, agad nya sinarado ang pinto at kinuha ang kanyang cap na nahulog sa sahig.
"G-good morning.." Nauutal na sabi ni Josh kay Ken.
"Huh? Good morning."
"Lumabas ka?" Tanong ni Ken habang papalapit sa kanya, agad na umiling si Josh.
"Ah..nag breakfast kana ba?" Umiling ulit si Josh.
"So let's go." Tumango si Josh at sumunod kay Ken papunta sa dining area.
--
"Totoo 'yung sinasabi ko! Ang weird talaga ni Josh!" Sigaw ni Ksenia na gumawa ng ingay sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid na tahimik na naglalaro ng computer.
"Baka ikaw 'yung weird." Napairap si Ksenia sa binigay na sagot ni Ryker.
Kinuha ni Ksenia ang kanyang cellphone mula sa kama sa ni Ryker na itinapon nya lang, at nag search patungkol sa nilalang na katulad ni Josh.
"Real talaga 'yung rabbit nyang tenga, hindi headband." Sabi nito habang kinakalikot ang cellphone, ang kapatid nya naman ay walang naging sagot.
"GANTO NA GANTO ITSURA NI JOSH!" Bumulabog nanaman ang pagsigaw nya sa loob ng kwarto ni Ryker, napapikit si Ryker dahil sa kaingayan ng kanyang kapatid.
Pinakita ni Ksenia kay Ryker ang nasa screen ng cellphone nito, "Hayts...Hindi naman 'yan totoo, baka nag co-cosplay lang sya." Tanging comment ng kanyang kapatid, napairap nalang si Ksenia.
"Hindi 'rin kasi nung naabutan ko sya doon nakasuot ng cap, halatang tinatago nya ang tenga nya. At sino ba kasing tangang mag ca-cap sa loob ng bahay." Napa-cross ng braso si Ksenia.
Masamang tinignan ni Ryker ang kanyang kapatid, "Ay sorry habit mo pala 'yon." Hindi na sya pinansin ng kapatid nya.
"Sisiguraduhin ko na hindi fake 'yung kunehong tenga nya." Sabi ni Ksenia at lumabas na ng kwarto ng kanyang kapatid na hindi naman sya pinapansin, dahil focus lang sa laro na nasa computer nito.
"I think, kailangan ko gumawa ng plano kung paano makikita si Josh ng hindi nalalaman ni Ken." Napangisi sya.
"Paano kung mag sabi si Josh kay Ken?!" Sigaw ni Ryker mula sa loob ng kwarto nito, agad nawala ang ngisi sa labi ni Ksenia dahil sa sinabi ni Ryker.
"Just shut your fucking noisy mouth!" Sigaw din ni Ksenia.
"You are the one!" Umirap nalang si Ksenia at naglakad na paalis.
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...