MLB#25

122 7 3
                                    

Almost two weeks, Ken comes home late and leaves early which is why Josh doesn’t talk to Ken much. Sometimes he won't come home and just text Josh to let him know, medyo nag aalala na si Josh kay Ken dahil sa pag o-overtime nito sa trabaho, halos hindi na sya makauwi at makatulog sa tamang oras.

But during those two weeks, kaya't si Ken gumigising ng maaga at umuuwi ng late dahil kay Ksenia, oo dahil sa babaeng iyon. Sinunod ni Ken ang mga payo na sinabi sa kanya ni Pablo.

At ngayon ay weekends walong pasok si Ken.

7am ay nagising si Josh, alam nyang walang pasok si Ken ngayon kaya nakaramdam sya ng saya, dahil may oras na ulit na makakapag-usap sila.

Habang nasa kusina si Josh ay nakarinig sya ng yapak ng paa mula sa hagdan, paniguradong si Ken 'yon, kaya pinunasan ni Josh ang kanyang basang kamay sa apron na kanyang suot at lumabas ng kusina para masilip si Ken.

Nakasuot ito ng plain na t-shirt at pajama, "Good morning Ken!" Masiglang bati ni Josh kay Ken, kinusot ni Ken ang kanyang mata at ngumiti kay Josh, "Morning."

"Maupo kana, malapit ko na 'to matapos." Tumango si Ken at naglakad papunta sa lamesa at naupo sa upuan, maya't maya pa ay natapos na ni Josh ang kanyang niluluto at nilagay ito sa lamesa.

Nagsimula na silang kumain ng tahimik, maraming tanong si Josh kay Ken pero walang lumabas sa kanyang bibig na tanong na gusto nya malaman, tahimik lang sya'ng kumakain gano'n din si Ken.

Sa ilang minutong pagkain ay naunang natapos si Ken, tumayo na ito habang dala ang kanyang pinagkainan, "By the way Josh, tinawagan ko si Jessa." Sabi nito at naglakad papunta sa sink, napatingin si Josh sa kanya.

"Bakit?" Nagtataka nitong tanong, "May importante kasi akong pupuntahan ngayon, so...sinabihan ko si Jessa na lumabas kayo." Sagot nito sa tanong ni Josh, natahimik si Josh.

"Ah..pwede ba malaman kung saan ka pupunta?" Humarap si Ken kay Josh pag tapos nito mag hugas ng kamay, at ngumiti, "Date." Tanging sagot nito at naglakad na paakyat ng hagdan.

Josh was stunned and couldn't think straight. Nakatingin lang sya sa pigura ni Ken paakyat hanggang sa mawala ito sa paningin nya, kumurap sya at tumayo sa pagkakaupo. He lost his appetite, so he went to the sink to clean the plate they had eaten with Ken.

--

Nakaupo lang si Josh ngayon sa sofa at tulala kung saan. Kanina pa umalis si Ken siguro mga 40 minutes na ang nagdaan, nagpaalam lang ito ng simple hindi katulad noon na bibigyan sya ng halik sa noo.

Bakit nya naman ako bibigyan ulit ng halik sa noo? Tanga ko. Sabi nya sa kanyang isip at sinabunutan ang sarili.

Napaisip si Josh. Pupunta si Ken sa isang Date, ibig sabihin no'n ay may kasintahan na sya. Napatakip si Josh ng kanyang labi.

May kung anong kirot sa puso nya dahil sa mga naisip nya, pero nawala ang pansin nya dito ng tumunog ang doorbell, paniguradong si Jessa na ito.

Pagbukas nya ng pinto, ay hindi nga sya nah kamali dahil si Jessa nga ito.

"Oh, bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ni Jessa, "Parang ayaw ko lumabas." Sagot ni Josh at napayuko, ngumiti si Jessa at kinurot ang dalawang pisngi ni Josh dahilan mapatingin ito sa kanya, "Wag kanang malungkot d'yan! Magsasaya tayo ngayon!" Josh smiled a little.

-

Jessa and Josh went to the mall. Just like then Josh was wearing a cap and dress that didn’t notice his tail, his being a different creature.

"Saan mo gusto mag punta?" Tanong ni Jessa kay Josh, nilibot ni Josh ang kanyang paningin, "Alam kona kung saan!" Agad hinablot ni Jessa ang kamay ni Josh pumunta sa isang bookstore.

"Huh? Ano ginagawa natin dito?" Tanong ni Josh, tanging pag ngiti lang ang binigay ni Jessa sa kanya, "Hahanapin natin dito ang tungkol sa pagiging half rabbit at half human!" Pabulong nitong ani, kahit na nag tataka si Josh ay tumango nalang sya.

Halos isang oras na naghahanap ng libro si Jessa at sa wakas may nahanap sya, "Sorry ang hirap nahanpin, nagugutom kana ba?" Umiling si Josh, wala talaga sya sa mood mag punta ng mall pero pinilit sya ni Jessa at humingi din ng favor si Ken kay Jessa, kailangan nyang lumabas.

"Alam kona mag papasaya sa'yo!" At sa pangalawang pagkakataon ay hinila muli sya ni Jessa papunta sa Arcade.

-

Tama nga si Jessa, dahil sobrang nag-eenjoy si Josh sa paglalaro. At ngayon ay kasalukuyang nakapila si Josh sa token, nasa kanan nya si Jessa.

Pasikretong kinukuhaan ni Jessa si Josh ng litrato at pasikreto 'ding pinapasa kay Ken, nang hindi nalalaman ni Josh dahil busy sa paglalaro.

Napatigil si Jessa ng biglang tumunog ang cellphone nya hudya't may tumatawag, kinalabit nya si Josh, "Wait lang, sasagutin ko lang 'to." Tumango si Josh.

Nakuha na ni Josh ang kanyang token at hindi pa 'rin tapos si Jessa sa pakikipag-usap sa kanyang katawag. Napatingin si Josh sa kanyang gawi, at agad 'ding inalis at nilibot ang kanyang paningin. Napadpad ang kanyang paningin sa claw machine.

Naglakad sya papunta dito, madaming cute na teddy bear ang nasa loob, ngunit hindi naman alam ni Josh kung paano ito pagaganahin.

Aalis na sana sya na may pag ka disappointed sa mukha pero may isang taong lumapit sa kanya bago pa 'man sya makaalis, "You want this?" Tanong nito kay Josh, nakasuot din ito ng cap at mas matangkad kay Josh.

Tumango lang si Josh, medyo nakaramdam si Josh ng pagkakaba dahil baka anong gawin sa kanyang ng taong ito. Hindi namalayan ni Josh na may malaking teddy bear na pala ang nasa harap nya, tinanggap ni Josh ang teddy bear at magsasalita sana sya ng unahan sya nito, "Welcome." Ani nito at agad na umalis.

"Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Hingal na sabi ni Jessa, pero natigil sya ng mapansin nyang may hawak na teddy bear si Josh.

"Saan 'yan galing?" Tanong ni Jessa, nilibot ni Josh ang paningin nya para mahanap ang lalaking iyon pero wala na.

Huminga ng malalim si Jessa, "2pm na, kumain muna tayo." Josh nodded, but even before they could leave the Arcade he looked behind him, "Salamat sa'yo." Bulong nya at sumunod na kay Jessa.

--

"Josh Cullen Santos?" Tanong ng matandang lalaking nakaupo sa kanyang swivel chair at nasa madilim na pwesto, nakatalikod sa taong nakatayo'ng kausap nya.

"Yes. His father was Rio Santos." Napahampas ang matandang lalaki sa kanyang lamesa, "Ang lalaking yon!" Galit nitong sigaw.

"There's nothing right to be angry about because he's dead, but...he has a son and weird." Sabi ng lalaking nakatayo.

"Weird?"

"Yes. Super duper kinda weird."

"Ops...at isa pa! Kasama ito ni Ken sa apartment nya. I think lover na sya ni Ken." Napatayo ang matandang lalaki, lumabas na ang ugat sa kanyang kamay na nakakuyom dahil sa galit.

"SO DISGUSTING!" Sigaw nito, napangisi ang kanyang kausap.

"Let's take action on that Josh." Ani ng lalaking nakatayo, humarap ang matandang lalaki sa kanya, "Anak pala sya ng hayop na Rio na 'yon..." Inis nitong sabi.

"Let's kill that Josh. For revenge." Sabi nito at kinasa ang baril na nasa bulsa nya lang kanina.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now