Agad na bingasak ni Ksenia ang kanyang katawan sa kanyang kama, "So tired..." Napapikit sya, pero agad nya 'din nya naimulat ang kanyang mga mata ng biglang pag bukas ng pintuan ng kanyang kwarto.
"At saan ka naman napagod?" Tanong ng kanyang kapatid na si Ryker.
Napaupo si Ksenia, hindi pa 'rin mawala sa isip-isipan nya ang tungkol kay Josh, wala namang binanggit si Ken noon nung sila pa about kay Josh.
"What's that face?" Nabaling ang paningin nya sa kanyang kapatid na lalaking nakasandal sa pader at naka-cross ang dalawang braso.
"I need your help." Sabi ni Ksenia, "Help? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ryker, naglakad sya papunta sa kama ni Ksenia at naupo ito sa dulong bahagi.
"You need to know about Josh." Wika ni Ksenia, "Josh? Sino naman 'yan? Tsaka bro, maraming may Josh na name." Napairap ang kapatid nya sa kanya.
"Basta alamin mo nalang." Umirap 'din pabalik si Ksenia sa kanya.
"12k? Ayos ka na?" Tanong ni Ksenia, alam nyang ito ang kailangan ng kapatid nya bago ito sumunod sa utos nya.
"Parang ang liit."
"15k! Wag kana mag inarte." Napangisi si Ryker, "Ayan." Sabi nito. Napairap muli si Ksenia, kinuha nya ang kanyang shoulder bag at kinuha doon ang kanyang wallet. Tulad ng sabi nya, binigyan nya muna si Ryker ng 5k.
"Sumunod ka sa'kin." Sabi ni Ryker, tumango si Ksenia at lumabas na sila ng kwarto para naman lumipat sa kwarto ni Ryker.
Hindi matatahimik si Ksenia kung hindi nya nalalaman tungkol kay Josh. Aaminin nyang medyo mahirap 'to dahil hindi nya naman kilala kung sinong Josh ang tinutukoy ni Ken, at maraming Josh sa buong mundo.
--
"Hindi mo naman pala nakita 'yung Josh na 'yon tapos ngayon pinapahanap mo sa'kin! Sakit mo sa ulo sis." Inis na wika ni Ryker, halos ilang oras na silang nag reresearch about kay Josh at tinanong nila kung kilala ba nito si Felip, at dahil wala namang sumagot ng oo, sumuko na si Ryker.
"Ano 'bang plano mo para makita 'yung Josh na 'yon?" Tanong sa kanya ni Ryker.
"Sa totoo lang wala pa." Sagot ni Ksenia na nakafocus sa screen ng computer ni Ryker.
"Use Ken or Stell to get information from Josh." Napatingin si Ksenia kay Ryker, "Tama! Kay Stell!" Sigaw nito, napasampal naman si Ryker sa kanyang noo dahil sa katangahan ng kanyang kapatid.
"Kukumbinishin ko si Stell na sabihin sa'kin ang tungkol kay Josh." Nakangisi nitong sabi.
"Bago ka mag smirk smirk d'yan, wag mo muna pairalin katangahan mo ha?" Nakangiting ani Ryker, tinignan sya ni Ksenia at binigyan ng masamang tingin.
"Ano pang ginagawa mo d'yan? Kumilos ka na!" Bago maglakad si Ksenia palabas ng kwarto ng kanyang kapatid ay inirapan nya pa 'to bago tuluyang lumisan, napailing nalang si Ryker at tinuon ang intensyon sa kanyang computer.
--
[Hi Stell! It's Ksenia, pwede ba tayo mag kita? yung tayong dalawa lang] Bungad na sabi ni Ksenia ng masagot ni Stell ang tawag.
"Huh? Why did you suddenly...-" Hindi na natapos ni Stell ang sasabihin nya ng unahan na sya ni Ksenia.
[Ayaw mo ba? Gusto ko lang sana huminga ng favor sa'yo, may surprise kasi ako kay Ken eh.] Wika ng babae.
"Ah gano'n ba..Sige." Binaba na ni Stell ang tawag at ilang segundo lang ang lumipas ay nag text na si Ksenia kung saan sila mag kikita, at ngayong araw.
Nagtaka naman si Stell dahil sa bar sila magkikita at 8 pa ng gabi. Ngunit hindi nya na iyon inisip pa, ang mahalaga ay dadating ulit ang araw na makikita nyang nakangiti si Ken dahil sa surprise ni Ksenia.
About 7:30 pm, Stell left his house, the bar where he and Ksenia would meet was quite close, so he just walked to it.
Naghintay pa sya ng ilang minuto at maya maya ay may humintong asul na sasakyan sa kanyang harap, binaba nito ang salamin at nakumperma nyang ito'y si Ksenia.
Bumaba na si Ksenia sa sasakyan at agad na ngumiti kay Stell, "How are you?" Tanong ni Stell. Hindi sya makapaniwala sa nakikita nya ngayon, sa loob ng ilang taon ay ang laki ng pinagbago ni Ksenia.
"I'm fine. Nabalitaan mo naman na ikakasal na kami ni Ken diba? Exciting." Wika nya at mahinhin itong natawa, nakisabayan nalang si Stell.
"Tara na sa loob ng bar?" Tumango si Stell at sabay na silang pumasok sa loob ng bar.
-
They talked about different things, life and more, of course alcohol cannot be lost.
Stell didn't notice that he had been drinking a lot, while Ksenia was just calmly looking at him.
"Are you drunk already?" Tanong nito kay Stell sabay tawa.
"N-no I'm not~~~" Sagot ni Stell at panay pa 'rin ang pag inom ng alak, natawa lang si Ksenia.
"I have a question." Napatigil si Stell sa pag-inom at napatingin kay Ksenia, "A-ano 'yon?" Papikit-pikit na wika ni Stell.
"Sino si Josh?" Diretso nitong sagot.
"A-ah..'Yung hybrid na cute...." Natatawa nitong sagot, "A-ang weird nya kaya, taong m-may tenga ng kuneho at buntot..." Dagdag pa nito, biglang nag bago ang expression ng mukha ni Ksenia.
"What? Anong klasint nilalang 'yan?" Nagtataka nyang tanong. Biglang pumasok sa isip nya na lasing na pala ang kausap nya, at paniguradong walang saysay pinagsasabi nito.
Tatayo na sana si Ksenia pero agad syang pinigilan ni Stell, "Curious k-ka ba kay Josh Cullen Santos? Haha, ang c-cute nya kaya..." Utal nitong wika, napangiti si Ksenia.
"Tell me about him, ano ba sya ni Ken or whatever." Sabi nito at bumalik sa pagkakaupo.
"I think g-gusto ni Ken si Josh, or si Josh gusto si K-ken hahaha, diba nakakatawa 'yon?" Napataas ang isang kilay no Ksenia.
"Gusto ba sya ni Ken?" Ksenia asked with mixed annoyance, "Siguro~~" Sagot ni Stell at tuluyan ng bumagsak ang mukha sa lamesa dahil sa sobrang pagkaantok.
"Josh Cullen Santos huh..." Kinuha ni Ksenia ang kanyang cellphone at agad na tinext ang kapatid, sinabi nito ang buong pangalan ni Josh at ibigay sa kanya lahat ng information tungkol kay Josh.
Biglang pumasok sa isip ng babae ang binanggit ni Stell, 'Hybrid, kuneho.' Napatingin sya kay Stell na mahimbing na natutulog. Kinuha nito ang cellphone ni Stell na nasa kamay lang nito.
Pagbukas nya ay may password, kinuha nya ang hintuturo ni Stell para i-finger print. Success naman.
Agad nya iyon itinungo sa gallery kung may litrato ba ito tungkol kay Josh, kung anong klasing nilalang ba ito. Tao ba 'to o halimaw.
Nakita nya ang album na may nakapangalang Josh, kaya agad nya itong pinindot at bumungad sa kanya ang litratong....
"Wtf?!.." Medyo napalakas sya ng sigaw kaya napatingin ang karamihan sa kanya sa loob ng bar, hindi nya na pinansin iyon at agad na ipinasa ang litrato ni Josh sa kanyang cellphone.
"Mukhang totoo nga ang tenga nyang mukhang bunny." Bulong nya.
"You are the weird Felip Suson." She said and finally left the bar and left Stell snoozing.

YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...