MLB#12

161 11 0
                                    

"Hindi ko pa 'yan nababasa." Wika ni Josh at lumapit ng kaonti kay Ken, unti-onting binuksan ni Ken ang papel at-

"JOSH!" Malakas na sigaw mula sa loob ng kanyang kwarto at hingal na hingal, "Si Josh." Agad syang tumayo at pumunta sa kwarto ni Josh pero wala ito doon, kaya agad syang bumaba. Nakahinga sya ng maluwag ng makita si Josh na nakaupo sa sofa.

"Ack!" Malakas na sigaw nya ng makaramdam sya ng kirot sa kanyang ulo, agad napatingin si Josh sa kanyang gawi ng marinig si Ken, nakaupo si Ken sa sahig habang hawak hawak ang ulo.

Tumakbo si Josh papunta kay Ken, agad nyang inalalayan si Ken na maglakad at maupo sa sofa, "D'yan ka muna, kukuha kita ng tubig." Sabi ni Josh, tumango lang si Ken.

Matapos kuhain ni Josh si Ken ng tubig ay agad nya na itong ibinigay, agad din itong ininom ni Ken habang si Josh ay nag-aalalang nakatingin sa kanya, "Ayos ka naba?" Tanong ni Josh ng natapos si Ken uminom, sumandal si Ken at tumango.

"Salamat." Wika nito kay Josh, ngumiti at tumango lang si Josh, "Siguro dahil sa pag-inom mo ng maraming alak 'yan kagabi." Sabi ni Josh, napatingin naman si Ken sa kanya.

"May ginawa ba akong mali kagabi? I can not remember." Tanong ni Ken, agad namang napaiwas ng tingin si Josh. Sasabihin nya ba kay Ken?

"W-wala naman, natulog ka lang k-kaagad." Utal na sagot ni Josh nang hindi nakatingin sa mga mata ni Ken, "Gano'n.." Tumango si Josh.

"Ken, pero-" Hindi natapos ni Josh ang sasabihin nya ng may biglang nag door bell, nagkatingin silang dalawa, "Wala naman akong pinapunta ngayon ah, hindi ko 'rin pinapunta si Jessa." Wika ni Ken.

"Josh, pwede 'bang magpalit ka muna bilang isang bunny?" Nakaiwas na tingin ni Ken'g ani, agad namang tumango si Josh. Tumayo si Ken at naglakad papunta sa pintuan.

Pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang lalaki, "Ken." Wika nito pagbukas ni Ken ng pinto, natulala si Ken sa kanyang nakita. 'Bakit nandito 'to?' Tanong nya sa kanyang isip.

"Hindi mo ba papapasukin Suson?" Nakangiting sabi nito na may halong pang-aasar. 'Bahala na, hindi naman pwedeng paalisin ko pa sya.' Wika ni Ken sa kanyang isip. Binuksan nya ng maluwag ang pinto para makapasok ang taong bumisita.

"Anong ginagawa mo dito Sejun?" Tanong ni Ken, "Bawal ba kita bisitahin?" Tanong nito pabalik kay Ken.

"Okay, okay. Sorry kung hindi ako nag sabi na pupunta ako, surprise sana kita." Sabi nito, "Pero diba sabi ko wag mo na akong tatawaging Sejun? Pablo. P-A-B-L-O." Ngumiti kay Ken, napailing nalang si Ken.

"Kamusta ka na pala?" Tanong nito habang nililibot ang paningin sa loob ng bahay ni Ken, "Sinabi sa'kin ni Tita 'yung address mo kaya napuntahan kita." Dagdag pa nito. Hindi nagsalita si Ken sa mga sinasabi nya.

"Pinsan. Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Naglakad si Ken papunta sa kusina, nakita nyang may mga ingredients na nakalabas. 'Nagluluto nga pala si Josh kanina.' Wika nya sa kanyang isip.

Speaking of Josh, asan pala sya?

"Kennie Boy! Hindi mo naman sinabi sa'kin na nag-aalaga ka ng kuneho!" Nanlaki ang mata ni Ken at agad na tumingin sa pwesto ni Pablo.

"Let him go." Malamig na wika ni Ken, napatingin naman si Pablo sa kanya, "Masyado ka namang mahigpit." Sabi nito at nilaro ang kuneho.

'Sino naman 'to?' Tanong ni Josh sa kanyang sarili.

"What's his name?" Tanong ni Pablo, "None of your business." Sagot ni Ken at lumapit sa pwesto ni Pablo.

"Kailan ka pa naging cold sa pinsan mo? Suson ayos ayusin mo." Biglang nagbago ang mananalita nito, bigla naman nakaramdam si Ken ng kaba. Takot sya sa pinsan nya, dahil anong pagkakamali lang ang gagawin nya ay wala pang 1 segundo alam na ito agad ng kanyang ama. Pero kahit ganto ang kanyang pinsan alam nya na kakampi nya ito.

"Miho. Pangalan nya." Wika nya, napangiti naman si Pablo, binaba nya ang kuneho, "By the way, bumalik na si Ksenia diba? Nagkausap naba kayo?" Biglaang tanong ni Pablo na nagpatigil kay Ken.

"Can you not mention her?" Agad na umiwas si Ken ng tingin, "Tinatanong lang kita." Simpleng sabi ni Pablo.

'Ksenia? Sino naman sya?' Josh asked in his mind. He felt curious about this woman.

Tumayo si Pablo at inayos ang kanyang polo, "Your place is fine." Sabi nito. Tinignan lang sya ni Ken.

"Babalik ako minsan dito." Sabi nito at napatingin sa kunehong nasa sahig pinagmamasdan silang dalawa, ngumiti si Pablo dito. Tumayo na din si at naglakad na sila papunta sa pinto.

"I feel weird about that bunny." Bulong ni Pablo kay Ken, nanlaki naman ang mata ni Ken, "Habang maaga palang ilayo mo na 'yan." Dagdag nito at tuluyan ng lumisan, naiwan naman si Ken na tulala.

"Ken? Ken?" Natauhan si Ken ng marinig nya ang boses ni Josh, sinarado nya ang pinto at lumapit kau Josh.

"Can you give me a hug?" Tanong ni Ken, nagulat si Josh sa sinabi ni Ken, pero baka ito ang kailangan ni Ken ngayon. Dahan-dahan syang lumapit kay Ken at niyakap ito.

Niyakap din sya ni Ken pabalik at siniksik nito ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ni Josh, "You are the only one with me in life." Nagtaka namang tumingin si Josh kay Ken.

"May hindi ba kayo pagkakaunawaan nung lakaking 'yon?" Tanong ni Josh, umiling si Ken.

"Kalimutan mo na 'yon." Wika nito at humiwalay sa pagkakayakap at naglakad papunta sa kanyang kwarto.

"Ken.." Napatigil si Ken at humarap kay Josh, "Nagkakaganto ka ba dahil sa Ksenia na 'yon? Sino ba sya?" Tanong ni Josh, biglang naman sya tinignan ni Ken ng walang emosyon.

"Don't ever say her fucking name." Sabi nito at naglakad na papunta sa kanyang kwarto. Naiwan naman si Josh na nakatingin lang sa kanya hanggang sa mawala ito sa paningin nya.

--

"What the fuck Ken." Sabi ni Ken at sinampal ang kanyang sarili, "Walang kinalaman si Josh tungkol sainyo ni Ksenia." Sabi nya ulit at sinampal ang kanyang sarili.

Huminga sya ng malalim, "Ano na gagawin ko?" Tanong nya sa kanyang sarili, tumayo sya at pumunta sa bathroom.

"Sorry Josh..."

My Little BunnyWhere stories live. Discover now