"Did you know that Mr. Suson the CEO of our company seems to know nothing in the world." Bulong ng isang babae sa kanyang kaibigan.
"Ay oo, pansin ko." Sang-ayon naman ng kanyang kaibigan. Panay lang ang kanilang pag-uusap tungkol sa CEO ng company na pinagta-trabahuan nila.
"Calm down." Kalmadong sabi ng isang lalaki sa kanyang kaibigan na handa nang suntukin ang dalawang babaeng pinag-uusapan sya.
"Wag mo nalang sila pansinin." Wika ni Stell, na ang kaibigan ng CEO o mas kilalang Mr. Suson, may ari ng malaki at sikat na company.
Napatigil ang dalawang babae sa kanilang pag-uusap ng dumaan si Stell at ang kanyang kaibigan sa harap nila, nakaramdam naman ng pagkakaba ang dalawang babae na baka narinig ang kanilang usapan tungkol sa CEO.
"Don't talk nonsense." Malamig na wika ng kaibigan ni Stell at agad na naglakad paalis, naiwan naman si Stell na parang may malaking problema, "Please, wag nyo nalang sya pansinin." Sabi ni Stell sa dalawang babaeng parang naging yelo dahil sa kaba nang ng salita ang kanilang CEO.
"Balik na kayo sa trabaho." Tumango agad ang dalawang babae at mabilis na bumalik sa kanilang mga gawain, sumunod naman si Stell sa kanyang kaibigan.
Naabutan nya itong nakatulala nanaman ito, hindi na bago 'to kay Stell na makitang ganto ang kanyang kaibigan, simula nung mangyare ang nakaraan sa kanyang kaibigan ganto na ito, parang wala nga'ng pake at walang alam sa mundo.
"Ken.." Tawag ni Stell sa pangalan ng kanyang kaibigan. Tanging malapit lang sa kanya ang maaaring tumawag sa kanya nito, masyado syang mahigpit sa pag tawag ng kanyang pangalan. Binalaan nya 'rin si Stell na pag tinawag sya nitong 'Ken' sa public place ay tatanggalan nya ito ng dila.
Hindi sumagot si Ken, huminga ng malalim si Stell at naupo sa couch na nasa loob ng office ni Ken.
"Gusto ko lang sabihin na wag ka naman masyadong cold sa employee's mo." Stell's calm speech to Ken. Ken ignored him and just took care of his paperwork.
Walang magawa si Stell kundi intindihin ang kanyang kaibigan, sanay naman na syang hindi sya nito pansinin.
He is Felip Jhon Suson or known by his nickname 'Ken' but only those close to him are allowed to call him that. He always doesn't answer questions that aren't important, and he doesn't like talking to others, so most of his employees don't like him because of his behavior, he doesn't have anything to do with it because he just wants to work.
"Sir you have a meeting at 2pm." Bilin sa kanya ng kanyang Secretary na si Jinn, hindi nya ito pinansin at patuloy pa 'rin sya sa kanyang ginagawa. Huminga ng malalim si Jinn, sa tingin nya naman ay narinig at naintindihan naman ito ni Ken.
"Where's Stell?" Napatingin sa kanya ang kanyang Secretary ng bigla itong magsalita, "L-lumabas po." Uutal-utal na sagot ng kanyang Secretary, tumango sya at naglakad palabas ng office.
"S-sir, kailangan nyo po mag ready para sa meeting." Pagtigil sa kanya ni Jinn, napatingin si Ken sa kanyang relo, "Kumalma ka may 10 minutes pa." Sabay ang pagalis nito, nakahinga naman ng maluwag si Jinn.
"Ayaw ko mag kamali." Sabi nya at ginawa ang inhale and exhale.
Naglakad si Ken kung saan saan para mahanap si Stell, pero hindi nya ito matagpuan. Nasa isip nya na paniguradong nasa kung saang lugar nanaman 'yon. Dahil kanina ay kausap nya lang tapos biglang mawawala.
Hindi na nag-abala pang hanapin ni Ken si Stell dahil wala din naman syang kailangan dito, patuloy lang sya sa paglalakad ng biglang may tumalon na isang...
"Rabbit?!" Hindi nya mapigilang mapasigaw sa gulat. Bakit may biglaang kuneho sa building nato? Sino may ari nito? Hindi naman allowed mag dala ng hayop dito ah! Mga tanong sa isip ni Ken.
Tinignan nya ang kuneho na ngayo'y nakatingin 'rin sa kanya, "Who brought you here?" Tanong sa kuneho na biglaan nalang lumitaw.
Dahil hindi naman nag sasalita ang kuneho ay tinitigan lang sya nito, napag-isipan ni Ken na pabayaan nalang ito baka mapagkamalan pang sa kanya iyon.
Aalis na sana sya ng humarang ang kuneho sa paa nya, aaminin nya na sobrang adorable ng kuneho na 'to pero ayaw nya naman mapahiya, sya mismo ang gumawa ng rule na no pets allowed tapos sya din ang hindi susunod.
"Please get away." Sabi nya sa bunny, pero ayaw nito umalis sa paa nya. Kinuha nya ito ay inilagay kung saang sulok at agad na lumakad paalis. Baka mahuli pa sya na may dalang hayop.
"Sir Felip!" Napapikit sya dahil sa gulat ng marinig ang boses ng kanyang Secretary, "Kailangan nyo na po pumunta sa meeting." Hingal na sabi ni Jinn, sa pagtakbo nya ng mabilis para hanapin si Ken.
Hindi sya pinansin ni Ken at naglakad na ito papunta sa meeting room nila, sumunod lang si Jinn sa kanya.
"Bunny huh.." Bulong ni Jinn sa sarili nya.
--
Ngayon ay nandon pa 'rin ang kuneho sa madilim na sulok kung saan sya nilagay ni Ken, hindi nya din alam kung paano sya nakapasok sa building na 'to. Mabilis nalang sya makalimot simula nung lumaki sya.
Sa tagal na pamumuhay ng kuneho sa mundo ay saan saan na sya nakakarating, simula nung tumuntong sya sa edad na 12 ay nag lakbay na sya kung saan saan, at hindi nya alam kung paano sya nakakarating sa isang magandang lugar.
Lumabas sya sa kanyang pinagtaguan at naglakad ulit, hindi nya alam kung saan sya napapadpad. Naisip ng kuneho na para mabuhay sya at makakain ng normal, ay kailangan nya ng isang tao para alagaan sya, ngunit bawat taong nilalapitan nya ay binabalewala sya, paano sya mamumuhay ng normal nang hindi nya na kailangan pa magpalipas at maglakbay kung saan para mag hanap ng makakain?
"Siguro ito na talaga buhay ko.." Wika ng kuneho at hinanap ang daan kung saan sya nakapasok kanina, kaso..hindi nya na matandaan, "Napaka malas naman talaga." Bumalik nalang ulit sya sa pwesto kung saan sya nilagay ni Ken.
"Sana naman balikan ako ng lalaking 'yon." Sabi nya at pinilit nalang na makatulog kahit hindi sya komportable.

YOU ARE READING
My Little Bunny
Hayran Kurgu"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...