MLB#14

170 7 0
                                    

"Sir amm...papasukin ko po ba si M-maam Ksenia?" Kinakabahang tanong ni Jinn kay Ken, napatingin naman si Ken sa kanya ng nagtataka.

"Why is she here?" Tanong ni Ken, "Hindi ko po alam.." Nakayukong sagot ni Jinn, alam nyang ayaw ni Ken sa lahat ang pag-usapan ang tungkol kay Ksenia o kaya banggatin lang ang pangalan nito kaya medyo kinakabahan sya.

Napatingin sya kay Ken ng huminga ito ng malalim, "All right, let her in." Nanlaki ang mata ni Jinn pero agad nya ito inalis, naglakad sya palabas ng office ni Ken, naabutan nya naman doon si Ksenia na tahimik na nag-aantay habang nakasandal sa pader.

"P-pumasok ka na daw po." Agad kumurba ang ngiti ni Ksenia sa kanyang labi, "Salamat." Wika ni Ksenia at kinahawakan ang dalawang kamay ni Jinn. Tumango lang si Jinn at pilit na ngumiti, hindi na nag sayang ng oras si Ksenia at agad na pumasok sa loob ng office, at sinara ang pinto. Narinig naman ni Jinn ang pag lock ng pinto, huminga sya ng malalim.

'Mabait naman talaga si Ma'am Ksenia, kaso hindi lang talaga tanggap ni Sir Ken 'yung ginawa nyang panloloko.' Sabi nya sa kanyang sarili, napatingin muna sya sa office ni Ken, at tuluyan ng lumisan.

"Ken? Babe?" Pagtawag ni Ksenia kay Ken pagpasok nito, hindi nagsalita si Ken, naglakad palapit si Ksenia kay Ken at naupo sa harapang upuan.

"Can you pay attention to me?" Wika ni Ksenia pero hindi pa 'rin sya pinansin ni Ken, huminga ng malalim si Ksenia.

"Ken, Tito Ferris contacted me." Doon na napatingin si Ken sa kanya habang ang kanyang dalawang mata ay gulat, "Nalaman nyang nag balik na ako dito sa pinas." She laughed softly.

"Ano sabi nya sa'yo?" Malamig na ani Ken.

"Alagaan daw kita." Nakangiting sagot ni Ksenia, napataas naman ang isang kilay ni Ken, "What? Mukha ba akong bata?" May halong pagkainis na wika ni Ken.

"Pero hindi mo naman kayang hindi sundin ang utos ni Tito diba?" Napaiwas ng tingin si Ken. 'Ano pa ba ang dapat kong gawin?' Tanong nya sa kanyang isip.

"Fine." He surrendered. Napangiti naman si Ksenia dahil doon.

"Amm..Can we go out?" Tanong ni Ksenia, "Don't you see? I have so much more to do." Sabi ni Ken nang hindi tumitingin kay Ksenia. Napanguso naman si Ksenia.

"Ganyan mo ba tratuhin ang future wife mo?" Napatingin si Ken sa mahinang bulong ni Ksenia, "Ano sabi mo?" Tanong ni Ken, hindi nya masyado narinig ang sinabi nito tanging 'FUTURE WIFE' lang.

"Please Ken..." Pakiusap ni Ksenia, bumugtong hininga si Ken at inayos ang kanyang gamit, "Yay!" Masayang wika ni Ksenia, pero hindi sya binigyan pansin ni Ken.

'Gagawin ko lang 'to dahil sa utos ng tatay ko.' Wika nya sa kanyang sarili.

Nang maayos na ni Ken ang kanyang mga gamit ay naglakad na sya papunta sa pinto, "Teka naman." Agad na humabol si Ksenia at kumapit sa braso ni Ken dahilan mapatigil ito.

"Why? Hindi ba natin 'to ginagawa dati?" Tanong ni Ksenia, hindi nagsalita si Ken at inalis ang kamay ni Ksenia na nakahawak sa kanyang braso.

"Tsk. Pasalamat ka mahal kita." Ani Ksenia at humabol sa paglalakad ni Ken.

"Paano nya napasama na parang tuta si Sir Ken?" Tanong ni Jinn sa sarili nya habang nakatingin kay Ksenia at Ken na natahimik na naglalakad, nasa sulok sya kung saan pinagmamasdan ang mag-ex na magkasama.

"What about your hybrid Sir Ken?" Bulong nya, at lumabas na sa sulok kung saan sya nagtatago.

--

"His ex-girlfriend?" Tanong ni Josh, tumango ang dalawa.

"Halos 4 years sila, ang tagal no'n diba? Tapos sinira lang ni Ksenia 'yung relasyon nila, tsk. Ang landi kasi." Sabi ni Jessa at pinag-cross ang kanyang mga braso.

"Wag kang ganyan." Mahinang natawa si Josh, "Totoo naman." Wika nito at umirap.

"Pero sa tingin nyo, mahal pa kaya ni Ken si Ksenia?" Tanong nito, "Malamang oo, mag kasama nga sila kanina eh." Si Stell naman ang sumagot, nakatanggap tuloy sya ng hampas sa braso mula kay Jessa.

"Mas bet ko si Josh para kay Ken." Sabi ni Jessa at umaktang kinikilig, mahina namang natawa si Josh at umiwas ng tingin, "Hoy baliw ka ba? Straight kaya si Ken." Sabi ni Stell.

"Papansin ka talaga eh 'no?" At ayon, nag simula nanaman silang dalawa. Si Josh naman ay nakatingin lang kung saan.

'Kung mahal nya pa si Ksenia, bakit nya ako hinalikan? Dahil lasing lang sya? At hindi nya maalala ang lahat? Siguro mas mabuti nang hindi nya maalala.' Sabi nya sa kanyang isipan.

"Hoy Josh, anong iniisip mo?" Nabalik sa reyalidad si Josh at napatingin sa dalawa na kanina lang ay gumagawa ng gulo, "Ha? W-wala." Sagot ni Josh, napatango naman si Jessa.

"Kailangan ko na pala umalis, nice to meet you ulit Josh! Ang cute mo sobra!" Natawang sabi ni Stell, natawa din si Josh habang si Jessa ay masamang nakatingin sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ni Stell sa kanya, "Wala. Ang panget mo." Sagot ni Jessa, inirapan sya ni Stell, "Akala mo naman sya." Tsaka agad itong naglakad paalis, si Josh naman ay natatawa lang sa pinag gagawa ng dalawa.

"Alam mo bagay kayong dalawa." Napatigil si Jessa ay humarap kay Josh, "No! I have a girlfriend!" Ani Jessa at umirap, nanlaki naman ang mata ni Josh. Napatakip ng bibig si Jessa, "Omygod.." Gulat nitong sabi at tumingin kay Josh, natawa naman si Josh.

"Don't worry, I respect you." Napangiti si Jessa, "Tama talaga ang pinili ni Sir Ken." Napaiwas ulit ng tingin si Josh, "Ipapakilala ko sya sa'yo, next time." Nakangiting sabi ni Jessa, ngumiti din pabalik si Josh.

"Hala anong oras na? Hindi na tayo nakaalis ng bahay! Kasalanan 'to ni Stell!" Sigaw nya, "Ayos lang, meron pa namang next time." Napanguso si Jessa.

Napatingin si Jessa sa cellphone nya ng bigla itong tumunog, hudya't may nat text. Kinuha nya ito at tinignan kung sino, nang makita na si Ken ito ay napatingin sya kay Josh na nilalaro ang mga daliri nito.

Ken: Where's Josh?

Pagbasa ni Jessa sa text ni Ken, nilakasan nya ito dahilan mapatingin si Josh sa kanya.

"Ang maalalahanin talaga ni Ken pagdating sa taong maha-i mean taong importante sa kanya." Nagtatakang nakatingin lang si Josh sa kanya.

"By the way Josh, kailangan ko na din umalis, next time nalang ulit ha?" Tumango si Josh at ngumiti. Naglakad na palabas ng unit ni Ken si Jessa hanggang sa mawala na ito sa paningin ni Josh, sinara nya na ang pinto at sumandal dito.

"Kailangan ko mag sorry kay Ken, sana maaga na sya umuwi ngayon." Sabi nya at huminga ng malalim.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now