MLB#5

209 9 0
                                    

"Kung hindi ka komportable na may kasama sa bahay mo, pwede naman na ako umalis." Sabi ni Josh, kasalukuyan sila ngayo'y kumakain, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang naging ingay sa pagitan nila. Napansin ni Josh si Ken na parang hindi ito sanay na may kasama sa kanyang bahay.

Ngunit sa pag salita ni Josh ay wala syang natanggap na sagot, abala lang si Ken sa pagkain at parang walang narinig. Pinag masdan sya ni Josh, "Bakit ganto 'to?" Tanong nya sa isip nya.

"Kung patuloy mo akong papatirahin dito, baka makaabala ako sa'yo." Wika ni Josh at sumubo ny kanyang pagkain, pero wala pa 'rin syang natanggap na sagot o lingon 'man lang mula kay Ken.

"Wala ako-" Hindi natapos ni Josh ang sasabihin nya na malakas na hinampas ni Ken ang lamesa, nagulat sya sa ginawa nya kaya napatayo sya, "Ano ba problema mo? Kanina pa ako nag sasalita hindi ka sumasagot o lumilingon 'man lang, kung ayaw mo akong kasama dapat sinabi mo na kaagad!" Sigaw ni Josh sa kanya at naglakad na ito paalis, hindi nya pa nauubos ang kanyang pagkain.

Nanlaki ang mata ni Ken dahil doon, napaupo sya at napasapo, "Ano nanaman ba 'tong ginawa ko?" Tanong nya sa kanyang sarili. Tumayo muli sya at hinabol si Josh.

"J-josh." Tawag nya sa pangalan nito pero huli na dahil ito'y nakalabas na. Agad na din syang lumabas ng kanyang unit para habulin si Josh, paglabas ni Ken ay nilibot nya ang kanyang paningin, wala syang Josh na nakita.

Walang maisip si Ken na pwedeng puntahan ni Josh, kaya sumakay sya ng elevator baka sakaling bumaba ito ng building.

Pagbukas ng elevator ay agad syang tumakbo at nilibot nya ang kanyang paningin. Napatingin sya sa isang madilim na sulok may isang kuneho'ng tahimik na naglalakad, dahan-dahan syang lumapit dito. Hindi napansin ng kuneho na may sumusunod sa kanya kaya kinuha ni Ken ang pagkakataon na kunin sya.

"Put- Paano nya ako nahanap?!" Sigaw ni Josh sa kanyang isip, ngayon ay bitbit na sya ni Ken. Hindi makaalis si Josh sa hawak ni Ken, bumalik ulit sila sa unit ni Ken, at pagdating doon ay binaba ni Ken si Josh sa sofa, at naupo ito sa tabi nya.

"Can you change as a person?" Kalmadong tanong ni Ken habang hindi nakatingin sa kuneho, nagpataas ang isang kilay ni Josh dahil doon, "Akala ko ba ayaw nya sa'kin? Tapos ngayon binalik nya ako dito sa bahay nya." Umirap si Josh.

Ilang saglit lang ay nakarinig si Ken ng isang maliit na ingay, napatingin doon si Ken at laking gulat nya ng makitang walang saplot si Josh sa kanyang tabi. Agad syang tumayo at tumalikod, si Josh naman ay gulat din ang reaction, "Gago bakit wala akong damit?" Tanong nya sa isip nya. They both felt embarrassed.

"D-doon sa kwarto ko, m-mga damit." Utal na wika ni Ken, agad na tumango si Josh at tumakbo papunta sa kwarto ni Ken. Nang pamansin ni Ken na wala na si Josh ay nakahinga na sya ng maluwag.

"That's really bad." Bulong ni Ken. His heart was beating fast and he could also feel the warmth on his face.

Pag-akyat ni Josh sa kwarto ni Ken ay agad nya'ng isinara ang pinto at napasandal doon, habang ang kanyang palad ay nakatakip sa kanyang bibig.

"Kaya ko pa bang humarap sa kanya?" Tanong nya sa sarili nya. Huminga sya ng malalim para pakalmahin ang puso nya'ng mabilis ang tibok, nang medyo nakakalma na sya ay naglakad na sya papunta sa closet ni Ken pero biglang napunta ang kanyang paningin sa isang picture frame na nasa gilid lang, hindi nya ito napansin noon.

Kinuha nya ito at nagtaka sa nakita, "Si Ken at isang babae?" Bulong nya, parehas silang nakangiti sa litrato at kitang kita sa mukha ni Ken na masaya sya na kasama ang babae na ito. Napalunok si Josh at ibinalik ang picture frame, "Sa tingin ko, kasintahan nya iyon." Hindi nya nalang iyon inisip at kumuha na ng damit.

Pagtapos nya mag bihis ay hindi pa 'rin sya bumababa, "Ano ba gagawin ko sa buhay ko?" Tanong nya sa sarili nya at napasapo. Parehas naman silang lalaki bakit nakakaramdam sya ng pagkailang ngayon?

"J-josh?" Nanlaki ang mata ni Josh ng marinig ang boses ni Ken, mukhang papalapit na ito. Hindi alam ni Josh ang gagawin nya, tatakbo ba sya ulit papasok ng kwarto ni Ken o haharapin si Ken?

Pero ang ending ay nakaharap nya si Ken, "AHHH! PLEASE KALIMUTAN MO NA 'YUNG NAKITA MO KANINA!" Sigaw ni Josh habang nakatakip sa kanyang mukha ang kanyang dalawang kamay.

"O-okay." Wika ni Ken at napaiwas ng tingin kay Josh, "Pero..sorry hindi ko kasi alam eh! Nakalimutan ko na tinanggal ko pala 'yung damit ko." Sabi ni Josh habang hindi makatingin sa isa't isa.

Huminga ng malalim si Ken at hinarap si Josh, nagtagpo ang kanilang mga mata, at agad din umiwas ulit.

"Bakit kami nag kakaganto?" Tanong ni Josh sa isip nya, namuno ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Walang balak na mag salita si Ken kahit na may gusto sya'ng sabihin kay Josh at si Josh naman ay iniiwasang mag salita dahil baka may masabi syang mali.

"Please speak..." Bulong ni Ken, ayaw nyang sya ang unang mag salita.

"K-kalimutan na natin 'yung k-kanina." At sa huli si Ken na ang bumasag sa katahimikan, napatingin si Josh sa kanya, "Pakiusap, umakto ka nalang na hindi mo nakita." Wika ni Josh, tumango si Ken.

"It's not a big deal, we're the same man, why is that?" Sabi ni Ken sa kanyang isip. Nakaupo ngayon si Josh sa hagdan, lumapit si Ken kay Josh at naupo ito sa kanyang tabi.

"Wake up early tomorrow, let's go shopping so you can wear clothes." Ken said calmly. Napatingin naman si Josh sa kanya, "May point ka pero sobra naman 'ata 'yon." Sabi ni Josh at umiwas muli ng tingin, "Kaysa namang suotin mo lagi 'yung damit ko." Sabi ni Ken.

"Yeah, yeah. Salamat talaga Ken." Nakangiting sabi ni Josh, parang tumigil naman ang mundo ni Ken ng makita nyang nakangiti ng ganon si Josh.

"Ken? Ken?" Tawag ni Josh sa pangalan nya, nanlaki ang mata ni Ken at agad na tumayo, "Matulog ka na." Wika nya at naglakad na paakyat.

"Okay. Goodnight!" Sabi ni Josh, tumango lang si Ken.

"Ito na ba ang taon para swertehin ako?" Bulong ni Josh sa kanyang sarili at umakyat na din. Biglang naisip ni Josh kung saan sya matutulog, tumakbo sya papunta sa kwarto ni Ken at kumatok.

"Why?" Agad naman syang pinagbuksan ni Ken, "A-ammm...Saan pala ako matutulog?" Nahihiyang tanong ni Josh, walang choice si Ken, at hindi malinis ang guest room para matulugan ni Josh.

Nilakihan ni Ken ang pag bukas sa kanyang pinto para papasukin si Josh, "Dito mo 'ko papatulugin? Hindi ba pwedeng pahingi nalang ng unan, doon nalang ako sa sofa!" Ani Josh.

"Wag ka ng maarte." Sabi ni Ken at naglakad papunta sa kanyang kama at binigyan ng space si Josh at tsaka nahiga.

Huminga ng malalim si Josh, wala na syang choice pa kundi ang tumabi kay Ken.

Nang maramdaman ni Ken na nasa tabi nya si Josh ay humarap sya dito, ngunit ito'y nakatalikod sa kanya, "G-goodnight." Mahinang bulong nya pero sapat na para marinig iyon ni Josh nang syang dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ni Josh.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now