"Wag kang mahiya, feel at home." Wika ni Justin ng maka pasok na sila ni Josh kung saan sya naninirahan.
"S-salamat Justin." Nakayukong sabi ni Josh, "Wala 'yon. Maupo ka muna, kukuha lang kita ng masusuot mo para makapag-shower kana." Tumango si Josh at naupo sa sofa.
Nilibot nya ang kanyang buong paningin sa loob apartment ni Justin, maliit lang ito kasyang kasya sa dalawang tao lamang, hindi maliit at hindi 'rin gaano kalaki, hindi katulad nung kay Ken ay kasya na dito ang lima hanggang sampong tao.
Maya-maya at narinig nya ang yapak mula sa isang pinto kung saan si Justin lumabas, "Ito, doon 'yung cr." At inabot nito kay Josh ang kompletong masusuot at isang towel, ngumiti si Josh at tinanggap iyon, "Salamat talaga Justin." Nanlaki ang mata ni Josh ng maramdaman nya ang kamay ni Justin sa kanyang ulo, kaya agad sya umiwas at nilayo ang kamay ni Justin, nag taka si Justin pero ngumiti lang ito.
Napayuko si Josh at agad na pumunta sa cr kung saan ito ituro ni Justin.
Pag-sara ni Josh ng pinto ay biglang pumasok sa isip nya ang nangyare sa kanila ni Ken noong hinawakan nito ang kanyang kunehong tenga, at biglang nanlaki ang mga mata nya na maalala nyang maraming markang iniwan si Ken sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib at kitang kita ito dahil naka v-neck t-shirt sya.
Malamang nakita iyon ni Justin, nakakahiya sobra. Sabi nya sa kanyang isip at napatakip ng mukha, napansin nyang may maliit na salamin sa loob ng cr ni Justin kaya tumakbo sya papunta doon at agad na tinignan ang iniwang marka at mga kagat ni Ken.
Ngunit laking pagtataka nya na nawala ang lahat ng ito, hinubad nya ang kanyang pang itaas na damit at nakitang wala na 'rin sa buong dibdib nya. Nakatulala syang nakatingin sa salamin habang kaharap ang kanyang sarili.
"Paano nangyare yon?" Bulong nya, hindi na inisip iyon. Mas mabuting wala na ang mga iyon, nakakahiya talaga 'yon. Sabi nya sa kanyang isip at nag simula ng maligo.
-
After Josh took a bath he went out of the bathroom and his eyes searched for Justin, but it was not in the living room.
Napansin nyang bukas ang pinto kung saan ito lumabas kanina noong kinuhaan sya nito ng damit.
Naglakad sya papunta dito habang pinupunasan ang kanyang buhok, naabutan nya si Justin na inaayos ang kama nito. Malaki ang kama ni Justin kasya sa dalawang tao.
"Oh Josh, tapos ka na pala maligo. A-amm pwede bang mahiga nalang tayo sa iisang kama? Nilagyan ko naman ng harang na unan sa gitna, kung hindi ka komportable pwede naman ako matulo-" Hindi na natuloy ni Justin ang sasabihin nya ng putulin ito ni Josh.
"Hindi na kailangan, ayos na ako. Tabi nalang tayo." Napangiti si Justin, napaiwas naman ng tingin sj Josh.
"Pwede ka na mahiga, maliligo muna ako." Wika ni Justin at naglakad palabas ng kwarto, tinignan lang sya ni Josh.
Naupo si Josh sa kama at tumingin sa bintana na nasa loob ng kwarto ni Justin, malalim na ang gabi habang may bilog na buwan, biglang pumasok sa isip ni Josh si Ken.
Huminga ng malalim si Josh at nahiga na, mabilis lang sya'ng nakatulog dahil sa sobrang antok.
Pagtapos ni Justin makaligo ay agad syang pumunta sa kanyang kwarto, naabutan nya si Josh na tulog halatang pagod. Napangiti si Justin, pinatay nya ang ilaw at nahiga sa tabi ni Josh ngunit may harang pa 'rin na unan sa kanilang gitna. Tinitigan ni Justin si Josh habang may maliit na ngiti.
"Goodnight..." Sabi ni nito at tinaas ang kumot ni Josh hanggang sa dibdib nito.
"Ken, Ksenia..ano na nangyare sa inyo? It's been a long." Ani nito sa hangin, inisip nya ang dalawang taong iyon hanggang sa makatulog sya.
--
Ken is now boarding a private plane with the sleeping Ksenia next to him.
Tahimik lang na nakatitig si Ken sa bintana ng eroplano.
Ken and Ksenia are going to France now, there his father planned for the two to get married, Ken did nothing but agree, because he really loves Ksenia that's the only reason.
Napatingin sya sa kanyang katabi na tahimik na natutulog, ngunit iba ang naramdaman nya, parang may kulang sa kanya. Na dapat masaya sya dahil kasama nya na si Ksenia at ikakasal na sila, iyon ang dati nyang pangarap ang makasama si Ksenia hanggang sa pag tanda, pero parang hindi nya na iyon gustong mangyare, dahil may ibang hinahanap ang kanyang puso.
Umiling-iling sya at nag isip ng kung ano para makalimutan ang nonsense na inisip nya kanina pero si Josh ang bigla nya naalala.
Asan na sya ngayon? Tanong nya sa kanyang sarili, naalala nya na walang matutuluyan si Josh dahil pag nakita sya ng mga tao ay baka anong gawin sa kanya dahil ibang nilalang sya, paano kung may nangyareng masama dito. Napasapo si Ken at parang ayaw nalang tumuloy sa pag punta sa France at balikan na lamang si Josh.
"Ken? Are you okay?" Nabaling ang tingin nya kay Ksenia na gising na pala, nakangiti ito ngayon sa kanya.
Hahawakan sana ni Ksenia ang kamay nya pero agad nya iyon iniwas at tumingin nalang muli sa bintana, natahimik si Ksenia, "Ken? Hindi ka ba masaya na ikakasal na tayo?" Biglaang tanong ni Ksenia, napapikit si Ken.
"Just go to sleep." Sagot ni Ken ng hini binibigyan ng tingin si Ksenia, nanlaki ang mata ni Ksenia dahil sa naging sagot ni Ken. Huminga sya ng malalim at mas pinilit na matulog kaysa sa kulitin si Ken baka mainis pa ito sa kanya at hindi na matuloy ang kasal nilang dalawa.
"You like Josh, don't you?" Salitang biglang lumabas sa bibig ni Ksenia, napatigil si Ken at onti-onting lumingon sa kanya.
"What did you say?" Tanong nito habang walang emosyon sa mukha.
"Gusto mo si Josh diba?!" Pasigaw nitong sagot, "And so? Kung gusto ko nga sya anong magagawa mo?" Wika ni Ken na nagpatigil kay Ksenia.
"W-what?!" Gulat nitong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/305874286-288-k730239.jpg)
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfic"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...