MLB#24

113 6 0
                                    

"Sorry I'm late." Napatingin si Pablo sa taong iyon, binigyan lang ni Pablo ang kanyang pinsan, si Ken.

Andito sila ngayon sa isang cafè, dahil sa gusto ni Pablo makita muli ang kanyang pinsan, hindi naman nag dalawang isip si Ken na makipag kita dito dahil na miss nya ito kahit papano. Hindi nya lang pinapahalata pero mahal nya talaga ang pinsan nya.

"It's okay, mga 3 minutes ka lang naman late." Natawa ito at inyayahang maupo si Ken sa harap na upuan nito, agad naman iyon ginawa ni Ken.

"Kamusta?" Tanong ni Pablo sa lalaking nasa harap nya, napayuko ito ng kaonte.

"Gusto 'rin talaga kita makausap." Sagot ni Ken kay Pablo.

"Good mood ka ba ngayon? Nung pumunta ka kasi noon sa apartment ko, parang bad mood ka." Pablo chuckled, and he took off his glasses.

"Forget it." Simpleng sabi nito, tumango nalang si Ken.

"Nabalitaan kong ikakasal na kayo ni Ksenia." Napaiwas ng tingin si Ken ng tignan sya ni Pablo ng seryoso

Namayani ang katahimikan, tanging maliliit na ingay lang galing sa mga taong nasa loob ang naging tunog.

"Pab. Hindi ako handa." Si Ken na ang nag simulang mag salita, naglabas sya ng buntong hininga.

"Why? Diba ito na 'yung pinaka hihintay mo?" Ani ni Pablo sabay ang pag higop sa kanyang kape.

Hindi alam ni Ken ang sasabihin nya, sobrang naguguluhan na talaga sya sa nararamdaman nya. Oo, gusto nyang makasama si Ksenia dahil mahal nya ito, ngunit hindi naman magiging madali iyon at hindi mababalik ang dati nilang pag sasama dahil sa mga ginawa nito, pero nung nag bigay ito ng explanation sa kanya medyo gumaan ang pakiramdam nya, dahil sa wakas alam nya na ang totoo, mukhang hindi naman nagbibiro si Ksenia sa mga sinasabi nya.

Mahal nya si Ksenia pero ayaw nyang mag pakasal dito, may nagsasabi s akanya na hindi si Ksenia ang mag bibigay ng kaligahan dito, kundi may ibang tao pa. Masaya naman ang nararamdaman ni Ken dahil sa wakas mag sasama na muli sila ni Ksenia after ng ilang years na pagkakaroon ng misunderstanding.

Pero....

"Naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko, hindi ko na talaga alam." Napasabunot si Ken sa sarili nyang mga buhok, huminga ng malalim si Pablo. Kitang kita nya kay Ken ang sobrang stress nito sa trabaho dagdag mo pa ang sitwasyon nya ngayong naguguluhan ng hindi malaman ang dahilan.

"Do you already like someone else?" Nanlaki ang matang nadako ang mata ni Ken kay Pablo.

"What?.." Halos pabulong na salita ang lumabas sa kanyang bibig.

"Kaya ka naguguluhan kasi may gusto kang iba. Hindi ka handang pakasalan si Ksenia kasi may nagugustuhan kang iba." Natahimik si Ken. May nagugustuhan nga ba syang iba kaya hindi nya maayos ang gulong bumubulabog sa kanya?

"Ken, follow your heart." Ngumiti si Pablo sa kanya.

"I will ask you, do you still have feeling for Ksenia?" Tanong ni Pablo, napaiwas ng tingin si Ken, "Y-yeah..." Sagot nito.

"Alam kong may reason kung bakit nagkahiwalay kayo ni Ksenia, why don't you give her another chance to make you feel what she lacked before? Let her love you again, and love her again with all your heart." Mahabang wika ni Pablo.

Ken had nothing to say, he was just looking at Pablo.

"Tanong ko ulit, may gusto ka bang iba?" Agad na umiling si Ken. Wala..wala syang gustong iba.

"Pay attention to the things that made her feel your love, just give all your intentions to her." Wika ni Pablo.

"Hindi naman pwedeng hindi mo sya patawarin sa mga ginawa nya, bigyan mo din sya ng chance na bumawi." Dagdag pa nito.

Hindi napansin ni Ken na may luha na palang tumulo sa kanyang mga mata, "I guess, you're right." Sabi ni Ken at pinunasan ang luhang lumabas sa kanyang mga mata.

Ken felt a little better when Pablo gave him a way to fix the mess he was feeling.

"Oww....don't cry. Kausapin mo si Ksenia, ayusin nyo 'to." Ngumiti ng kaonti si Ken, "Thank you Pab." Tumango lang si Pablo.

"Basta ikaw. Ano pang hinihintay mo? Kausapin mona si Ksenia." Tumango si Ken at agad na kinuha ang kanyang gamit at lumabas ng cafè.

"Stupid when it comes to love." He let out a sigh.

--

"Yung puso ko kumikirot, hindi ko alam kung bakit..." Sabi ni Josh sa kabilang linya.

[WHAT?! KAILANGAN MO MAG PUNTA SA HOSPITAL!] Nailayo ni Josh ang cellphone na nasa tenga nya dahil sa pag sigaw ni Jessa.

[Sasabihin ko kay Ken 'tong nararamdaman mo!]

"Wag na, magiging ayos naman siguro ako." Pag pigil ni Josh kay Jessa.

[Hindi ka sure!] Napapikit si Josh.

"Ayos lang talaga ako, hindi na kailangan ng hospital na 'yan. Tsaka wag na natin ipaalam kay Ken, pagod na 'yon sa trabaho nya." Wika ni Josh, natahimik si Jessa at maya maya ay naglabas ng buntong hininga.

[Okay...basta alagaan mo sarili mo ha?] Napangiti si Josh, "Oo naman."

Ilang minuto pa silang nag-usap hanggang sa matapos na ito, binaba ni Josh ang cellphone na hawak nya at sumandal sa headboard ng kanyang kama.

Ano ba nangyayare sa'kin? Tanong nya sa kanyang sarili.

Naglakad sya papunta sa salamin na nasa loob ng kanyang kwarto. Nakasuot sya ngayon ng hoodie na kulay pula. Hindi nya na alam kung ilang araw na sya puro hoodie ang sinusuot.

Binaba nya ang collar ng hoodie na kanyang suot. Kitang kita dito ang iilang markang iniwan ni Ken noong lasing ito at hindi pa 'rin nawawala hanggang ngayon.

Especially a bite to his lower neck, which was still obvious to look at.

"Paano ko ba 'to maitatago pa kay Ken, tinanong nya pa 'man din ako nung isang araw kung bakit ako naka hoodie palagi." Huminga sya ng malalim.

His index finger touched the bite on his neck. He caressed it gently.

Biglang pumasok sa isip nya ang nangyayare tuwing uuwing lasing si Ken, kahit kailan hindi nag tanong si Ken tungkol doon, naalala nya ba ito o hindi o sadyang ayaw nyang mag salita kahit na alam nya mga nangyare noon.

Josh's heart began to ache again without knowing the reason.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now