MLB#37

139 9 1
                                    

Dahil day off ni Ken, ay malaya ulit sya gawin lahat ng gusto nya.

Pag gising nya ay agad syang naligo at nahluto ng simpleng almusal, pag tapos nyang kumain ay sinimulan nya na ang paglilinis ng kanyang apartment.

Sa kalagitnaan ng kanyang paglilinis ay may nahagip ang kanyang mata sa isang sulok ng kanyang kama. Agad syang lumapit dito kinuha kung ano iyon.

Isang bunny keychain, nagtaka naman si Ken dahil hindi naman nya matandaan na binili nya ito.

Habang tahimik syang nakamasid sa keychain na iyon ay biglang pumasok na pigura sa kanyang isip, agad ayang umiling-iling at binulsa ang bagay na hawak nya at pinagpatuloy ang paglilinis.

Pagtapos ng ilang oras na paglilinis ay sa wakas sya'y natapos na 'rin. Nagkahiga ngayon si Ken sa kanyang kama habang kinakalikot ang kanyang cellphone.

Biglang pumasok sa isip nya ang sinabi ni Stell ang tungkol sa sikat na gamer na si LightHunter, dahil sa curious na naramdaman ni Ken ay hindi nya mapigilang maparesearch tungkol dito.

Pagkaresearch nya nito ay bumungad ang litrato nito na naging trend dahil sa biglaang face reveal nito.

"Huh..."

--

Andito ngayon si Josh sa isang Internet Cafè, dahil pinatawag sila ng kanilang leader sa grupo.

Nakasuot si Josh ng jacket at nakalagay sa ulo nya ang hood habang papikit pikit na nakikinig sa nag d-discuss nilang leader. Sobrang antok ang nararamdaman ni Josh at medyo masakit din ang ulo nya pero pumunta pa 'rin sya sa meeting na 'to dahil importante.

Pagtapos ng mahabang oras na pag m-meeting ay natapos nadin, agad na din sila nag paalam sa isa't isa. It's already 6PM, hindi lang kasi basta meeting ang ginawa nila, nag laro pa ang iba nyang ka miyembro at sya'y hinamon, hindi naman aatrasan 'yon ni Josh, hanggang sa abutin sila ng oras dahil sa paglalaro.

Ngayon ay pauwi na si Josh, parang mas lalong lumala ang pakiramdam nya. Sumakit na ng tuluyan ang kanyang ulo at gustong gusto nya ng matulog, nakakaramdam na din sya ng panghihina.

Agad na sya pumara ng taxi para mabilis na makauwi.

--

Lumabas si Ken mula sa convenience store dahil bigla syang napa crave sa ice cream kaya napabili sya.

Habang mabagal syang naglalakad pabalik ng sa kanyang apartment ay bigla nya naalala ang patungkol kay LightHunter.

Napaupo sya sa bench ng mapatigil sya dito, tumingin sya sa langit na onti onti ng dumidilim, "Si Josh ba talaga 'yon?" Hindi nya mapigilang mapatanong sa kanyang sarili.

Hindi ako pwedeng magkamali, mag kamukhang mag kamukha sila eh. Sabi nya sa kanyang isip.

Huminga ng malalim si Ken at tumayo na mula sa pagkakaupo, "Imposible." Iling nitong sabi at naglakad na pabalik sa kanyang apartment.

-

Dahil sa gusto ni Ken ang maglakad ng maglakad ay hindi sya gumamit ng elevator, at sya'y nag hagdan.

Habang paakyat sya ay may narinig syang malakas na pag bagsak, agad syang tumakbo papunta sa lugar na 'yon at naabutan nyang may taong napaupo sa sahig. Nakasuot ito ng jacket at yakap ang sarili na sa tingin nya ay nilalamig ng sobra, agad ito nilapitan ni Ken. Agad nya itong iniharap sa kanya, hindi nya maklaro ang itsura ng taong iyon dahil sa madilim ang kanilang pwesto at naka facemask din ang taong iyon.

Ngunit naamoy nanaman ni Ken ang familiar na amoy na naamoy nya sa taong hindi nya sadyang masagi.

"Amm...K-kuya ayos ka lang?" Tanong ni Ken habang nakahawak sa dalawang balikat ng taong nasa harap nya, mukhang pagod na pagod ito at nanghihina ng sobra dahil hindi ito makasagot at hindi 'rin nya magawang madilat ang kanyang mga mata.

Dinilat nito ng kaonte ang kanyang mata ngunit hindi nya pa ito naibuka ng maayos ng bumugsak ito sa kanyang dibdib, nagulat si Ken pero naramdaman nya ang init mula sa taong iyon kaya dumampi ang kanyang palad sa noo ng lalaki at doon nya napagtanto na may mataas itong lagnat.

Hindi na nag-isip pa si Ken at agad na binuhat ang lalaking iyon at naglakad papunta sa kanyang room dahil ilang lakad nalang naman na ay makakarating na sila doon. At isa pa hindi nya naman alam kung saang room ang taong ito.

Pagpasok ni Ken sa kanyang bahay ay agad nyang hiniga ang lalaki sa kanyang kama, nakapikit pa 'rin ang mga mata nito at malalim ang paghinga.

Tinanggal ni Ken ang kanyang facemask, at doon sya natulala.

Is he in front of me? For real? Hindi makapaniwalang sabi nya sa kanyang isip, agad na umiling si Ken dahil sa naisip.

Nagdadalawang isip si Ken kung tatanggalin nya ba ang damit nito para palitan o hindi, ngunit kung hindi nya iyon gagawin baka ay mas lalo pa itong lumala lalo't pinagpapawisan na 'rin ang lalaking iyon.

Tinanggal ni Ken ang jacket nito at nanlaki ang mata ni Ken ng makitang wala itong suot sa loob, Ken felt a blush but immediately shook his head.

Kumuha sya ng tshirt sa kanyang vloset agad na tinulungang ipasuot iyon sa lalaki, nang matapos ay aalis na sana sya para kumuha ng gamot ng may kamay na tumigil sa kanya.

"Don't leave me...." Ken heard a soft word. Agad na napalingon si Ken sa kanya at nakitang tulog pa 'rin ang lalaki.

Madiin ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang kamay, "C-cold..." Bulong nito ngunit sapat na para marinig ni Ken, agad nyang kinuha ang kumot at binalot sa lalaki dahilan makita nya ng malapitan ang mukha ng lalaking iyon, "J-josh." Hindi nya mapigilang mabanggit ang pangalan na iyon, napapikit si Ken at inisip na hindi si Josh ang nasa harap nya.

Aalis na sana si Ken ng tumaas ang kamay ng lalaki at napayakap ito kay Ken, doon si naramdaman ni Ken ang malakas na pag tibok ng kanyang puso at pagiinit ng kanyang pisngi.

"Don't leave me...please.....it's cold.." Bulong nito, hindi makapag salita si Ken parang pati pag hinga nya ay natigil.

Huminga ng malalim si Ken at inalis ang yakap sa lalaking iyon, nahiga sya sa tabi ng lalaki at binigyan ito ng yakap na nag pangiti sa taong nasa tabi nya, "Matulog ka na." Sabi ni Ken.

--

Ken woke up to the sunlight hitting his face from the window.

Babangon na sana sya ng hindi nya iyon magawa, naalala nya na may dinala syang lalaki sa loob ng kanyang apartment dahil sa inaapoy nitong lagnat.

Napatingin si Ken sa taong iyon. The boy hugged him with his face buried in Ken's chest, Ken covered his mouth and his face quickly turned red.

Onti onting gumalaw ang lalaki dahilan kumalma si Ken, nang tuluyan na itong magising ay napatingin ito ng seryoso kay Ken, tahimik lang din na nakatingin si Ken sa kanya.

Biglang pumasok sa isip ni Ken na hindi ito nakainom ng gamot, "Kailangan mo na kumain para makainom kana ng gamot." Sabi ni Ken sa tonong seryoso, tatayo na sana sya mula sa pagkakaupo ng kunin ng lalaki ang kamay nya dahilan napatingin sya dito pero pagharap nya ay ang lapit ng mukha ng lalaki.

"Parang familiar ka sa'kin." Sabi nito habang nakatitig sa mukha ni Ken. Agad na ng iwas si Ken ng tingin dahil sa mukha nyang namumula nanaman na parang kamatis, at ang puso nya 'ring kanina pa nagwawala. Agad syang tumayo at nakatalikod na sya ngayon sa taong iyon.

"Magluluto muna ako ng soup para sa'yo at para makainom ka na 'rin ng gamot."

"Thanks."

My Little BunnyWhere stories live. Discover now