Gawain na ni Ken ang kamustahin at batiin ang mga kanyang employee, at dahil doon nasanay na ang mga tao, hindi na nila medyo kinagagalitan si Ken. Gustong alamin ng mga iba kung bakit biglang naging ganto ang kanilang CEO, nakakagulat lang.
Kasalukuyang may kinakalikot si Ken sa kanyang laptop ng tumunog ang cellphone nya, tinignan nya kung sino iyon at napangiti sya ng makita ang pangalan ng caller.
"Hmm?"
[Astig Ken! Salamat talaga!] Bungad ni Josh, narinig naman doon ang mahinang pagtawa ni Jessa.
Pinapunta ni Ken si Jessa sa kanyang condo para turuan si Josh kung paano gumamit ng cellphone, oo binalhan nya si Josh noon. Alam nyang hindi marunong gumamit si Josh ng cellphone kaya humingi muli sya ng tulong kay Jessa.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Ken, [Syempre naman!] Masayang sagot ni Josh, hindi matago ni Ken ang kanyang ngiti.
"Pwede ko ba maka-usap si Jessa, Josh?" Agad naman pumayag si Josh at binigay kay Jessa ang cellphone.
"Umayos ka." Seryosong ani Ken, natawa naman si Jessa, [Ito naman walang tiwala sa'kin] Mayabang na wika ni Jessa.
"Baka ano tinuturo mo sa kanya." May medyong pagkainis sa tono ni Ken. Minsan talaga wala syang tiwala kay Jessa. Puro kasi ito kalokohan.
[Don't worry Ken, nakuha nya agad mga steps sa pag gamit ng cellphone, tinuruan ko din sya kung saan pwede manood ng- alam mo na] Sabi ni Jessa habang tinataas baba ang kanyang kilay, "Anong alam mo na?" Tanong ni Ken kay Jessa, [whaha, hulaan mo!] Sagot ni Jessa.
[Sige Ken!] Paalam nito kay Ken at agad na pinatay ang tawag, napasapo nalang si Ken sa kanyang noo, "Jessa talaga..." Huminga sya ng malalim.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jinn, na may dalang mga papeles.
"Sir Felip this is your-" Hind natapos ni Jinn ang dapat nyang sabihin ng bigla muling bumukas ang pinto ng office ni Ken, at parehas nanlaki ang mata ni Jinn at Ken ng makita ang taong bumukas nito.
"Hi, it's been a year. Mr. CEO." Boses ng lalaki, napatingin si Jinn kay Ken na biglang nagbago ang expression ng mukha. Puno ito ng galit.
"Don't be like this Felip, ngayon na nga lang tayo nag kita." Sabi nito at ngumisi, "Get out." Kalmadong sabi ni Ken.
"Paano kung ayaw ko?" Tanong nito kay Ken na may halong pang-aasar, "GET OUT!" Ngayon ay pasigaw na itong sinabi ni Ken, tinaas ng lalaki ang kanyang dalawang kamay na para bang susuko.
"Okay, talo na ako. Kita ulit tayo sa susunod Ken, magkikita ulit kayo ng kapatid ko." Sabi nito at kumindat kay Ken.
"Paano 'yon nakapasok dito?!" Napatayo si Ken at napahampas sa kanyang desk.
"Sir Felip kumalma ka, umalis na sya. Papasabihan ko mga guard na sa susunod wag syang papapasukin." Sabi ni Jinn, huminga ng malalim si Ken at padabog na naupo sa kanyang office chair.
"Ha..nagbalik ka na pala Ryker." Bulong nya, yumuko si Jinn para magpaalam at agad na lumabas ng office ni Ken.
Napahawak sya sa kanyang ulo, "Babalik kapatid mo..huh..." Bulong nya at sa pangalawang pagkakataon ay nahampas nya ulit ang kanyang desk.
"Ken gusto pa kita makilala." Biglang pumasok sa isip ni Ken ang sinabi ni Josh sa kanya kagabi, medyo kumalma sya at bumugtong hininga.
"Hey ma'am! Hindi nga po-" Napatingin si Ken sa pinto ng bumukas muli ito at sa pagkakataong ito ay hindi na galit ang naramdaman nya, kundi sobrang galit, na may halong kirot. Halo-halo na ang nararamdaman nya.
"K-ken.." Tawag sa kanya ng boses ng babae, tumayo si Ken mula sa pagkakaupo at lumapit sa babae, "Ksenia..." Tawag nya sa pangalan ng babae.
"Sir Felip, pinigilan ko sya per-" Hindi natapos ni Jinn ang sasabihin nya ng tignan sya ng malamig ni Ken, alam nya na ang ibig sabihin nito kaya sinarado nya ang pinto.
"K-ken babe..pumayat ka." Sabi ni Ksenia at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Ken, hindi na ni Ken alam ang kanyang gagawin. Magpapadala ba sa galit o magpapadala kay Ksenia?
Agad na tinanggal ni Ken ang kamay ni Ksenia sa kanyang mukha at umiwas ng tingin, "Why did you come back?" Malamig na tanong ni Ken dito.
"Because I miss you." Sagot ni Ksenia, "What's that fucking answer?!" Sigaw ni Ken, hinawakan ni Ksenia ang kanyang kamay pero agad ito binawi ni Ken.
"Please Ken, let me explain. May rason ako-" Hindi natapos ni Ksenia ang sasabihin nya ng magsalita si Ken, "Get lost!" Sigaw ni Ken. Hindi mapigilan ni Ksenia na maluha.
"Bakit ganto ka sa'kin?" Tanong ni Ksenia, "You're so stupid!" Sigaw ni Ken sa kanya.
"Get out." Hindi na nagmatigas pa si Ksenia at agad na naglakad paalis sa office ni Ken.
"Why did you come back!?" Sigaw ni Ken at tinapon lahat ng mga papel mula sa kanyang desk, at hindi mapigilang maiyak.
"D-do you know I still love you...." Bulong ni Ken at naupo sa kanyang office chair habang nakahawak sa kanyang noo.
"Sir Felip nakaalis na po sila." Biglang pumasok si Jinn, naabutan nya namang nagkalat sa lapag ang mga papeles at si Ken naman ay nakaupo sa kanyang office chair.
"Ako na pong bahala dito." Pagsabi noon ni Jinn ay agad na kinuha ni Ken ang kanyang bag at tumakbo paalis ng kanyang office. Huminga ng malalim si Jinn, "Gulo nanaman ba 'to? Nananahimik na si Sir Felip." Sabi nya at pinulot ang mga papel, napatingin sya sa isang papel na may nakaguhit na kuneho.
"Mahilig si Sir sa rabbit?" Tanong nito sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang nakaguhit sa papel, napansin nya ulit na may bakat na lapis mula sa likod nito. Mas lalong nagtaka si Jinn sa nakita.
"Ano 'to? Half human half rabbit?" Pinagmasdan nya ng mabuti ang ginuhit ni Ken, hindi 'man ito kagandahan pero malinaw na isa nga itong taong kuneho.
"May tawag dito...Ano nga 'yon?" Inisip ni Jinn kung anong ba ang tawag sa isang 'to, "Ah! Bunny Hybrid!" Sigaw nya ng maalala nya ang tawag dito.
"Sa mga alamat ko lang dati iyon nababasa..."
"Teka, interesado si Sir Ken dito?" Tanong nya sa kanyang sarili. Dahil alam nyang walang makakasagot sa tanong nya ay pinagpatuloy nya nalang ang pag aayos ng mga kalat.
"Bunny Hybrid huh.."

YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfic"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...