MLB#27

126 5 0
                                    

Jessa: Hi Josh! Pwede mo ba ako samahan bukas? Susunduin kita, 6am tomorrow ꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱.

Maagang nagising si Josh ng mabasa nya kagabi ang text ni Jessa sa kanya, tumayo na sya mula sa pagkakahiga, it's 5 o'clock in the morning.

Lumabas sya sa kanyang kwarto, bago sya bumaba ay nadaanan nya ang kwarto ni Ken, sarado pa ang pinto nito, napatigil sya dito at tumitig. Hindi nya alam kung nakaalis na ba si Ken o hindi pa. Huminga sya ng malalim at nag patuloy ng naglakad.

Pagbaba nya mula sa taas ay napansin nyang wala na ang sapatos na laging suot ni Ken na nakalagay sa shoe cabinet malapit sa pintuan, napagtanto nyang mas naunang nagising si Ken at umalis. Josh can't help feeling sad, he just doesn't see Ken every day, he feels something is missing from him.

Sa ilang minuto nyang paghahanda para sa pag-alis nila ni Jessa ay sa wakas natapos na sya, at sakto 'ring pagdating nito.

"Morning bunny! Inaantok ka pa ba? Sorry ah...kailangan ko talaga ng kasama, pero wala akong ibang ka-close na pwedeng sumama sa'kin." Wika ni Jessa, nagtaka si Josh pero hindi nya iyon pinahalata. Isang Jessa mawawalan ng kaibigan?

"Let's go Josh!" Tumango si Josh at sinuot ang kanyang cap.

-

It was 7am when Jessa finished what she had done. Hindi talaga alam ni Josh kung bakit pinasama sya ni Jessa kung hindi naman sya ka-kailanganin doon, medyo nakaramdam sya ng pagka-weird ni Jessa ngayong araw.

"Saan mo gusto? Jollibee, Mcdo, Chowking or KFC?" Tanong ni Jessa kay Josh habang nakatuon ang tingin nito sa kanyang cellphone, napatingin si Josh sa kanya. Nagtaka naman si Josh kung anong pinagsasabi ni Jessa.

"Ha? Ano?" Tumigil si Jessa sa pag kalikot sa kanyang cellphone at tumingin kay Josh, "Jollibee." Sabi nya at hinila si Josh kung saan, wala ng nagawa si Josh kundi sumunod.

Nang makarating sila sa Jollibee, agad na nag hanap ng mauupuan si Jessa, luckily walang masyadong tao. Nag order na si Jessa habang si Josh ay tahimik lang na nakamasid sa glass wall at tanaw dito ang padadaan-daang tao.

Napatingin si Josh kay Jessa ng maupo ito sa upuang nasa harap nya, "Jessa. Nakakausap mo pa ba si Ken?" Biglaang tanong ni Josh na nagpalaki ng mata kay Jessa, "A-ah..oo naman. Pero hindi palagi, alam mo naman 'yon..." Sagot nito.

"Nagaalala na kasi ako sa kanya, lagi syang umaalis ng maaga tsaka uuwi ng late. Hindi ba masyado na syang nakatutok sa trabaho nya at napapabayaan nya na ang sarili nya." Nakayukong wika ni Josh, natahimik si Jessa, hindi nya alam ang sasabihin nya.

"Pwede bang sabihin mo sa kanya na wag nya masyadong ibabad ang sarili nya sa trabaho, baka sya'y magkasakit." Sabi ni Josh, napalunok si Jessa.

"S-sige..." Tanging lumabas sa kanyang bibig, nag-angat ng tingin si Josh at napangiti, "Salamat.."

--

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ken sighed. Sinandal nya ang kanyang ulo sa kanyang swivel chair.

"Naiis-stress din ako sa'yo." Sabi ni Stell na nakaupo sa couch, "Teka, si Josh?" Napatingin si Stell kay Ken, "Jessa." Simpleng sagot nito habang nakapikit ang dalawang mata, agad naman naintindihan ni Stell.

Natahimik silang dalawa, maya maya ay tumunog ang cellphone ni Ken hudya't may tumatawag, nagkatinginan sila ni Stell. Parehas silang bumuntong hininga bago ito sagutin ni Ken.

[Where are you? Nandito na kami sa apartment mo!] Nailayo ni Ken ang cellphone mula sa tenga nya, si Felix ang kanyang kausap. Tanging 'hmm' lang ang binigay ni Ken ibig sabihing pag-tango nya at agad na pinatay ang tawag.

Tumayo sya mula sa pagkakaupo, "Let's go." Tumango si Stell at tumayo na 'rin tsaka sumunod kay Ken.

-

Naglalakad na ngayon si Stell at Ken patungo sa tinutuluyan nito, naabutan nya doong naghihintay ang dalawang mag-asawa at si Felix, napatigil si Ken sa paglalakad at tumingin kay Stell, alam ni Stell na kinakabahan si Ken kaya binigyan nya ito ng tapik sa balikat, "It's fine." Ngumiti ng pilit si Ken at nagpatuloy na sa paglalakad, agad naman napatingin ang tatlong naghihintay sa kanya ng mapansin nila na may taong papalapit sa kanila.

Binati ni Ken ang kanyang ama at ina, tanging tango lang ang binigay ng kanyang ama at ang kanyang ina naman ay isang matamis na ngiti, si Felix ay hindi nya pinansin na naka-cross ang dalawang braso.

Nilagay nya ang code at agad na binuksan ang pinto, naunang pumasok si Felix at nilibot ang kanyang paningin, "Hmm..maganda." Sabi nito, pero hindi iyon binigyan ng pansin ni Ken. Sumunod ang mag-asawa at nilibot ang kanilang paningin, "Siguraduhin mong wala kang kasama dito." Malamig na ani ng kanyang ama, gustong sumabat ni Ken ngunit kinalma nya ang kanyang sarili.

Sa ilang minutong pag-iimbistiga ng tatlong tao na akala mo'y pulis na may nangyareng masama sa isang lugar, ay natapos sila pero hindi pa satisfied si Felix dahil hindi pa nila nakikita ang taas, sinabi lang ni Ken na kwarto nya lang iyon. Walang nagawa si Felix kundi maniwala dahil sa sabi din ng kanilang ama na hayaan nalang ang itaas. Naupo sila sa sofa pero bago pa maupo si Ferris ang ama ni Ken ay may napansin syang kakaiba sa sofa, tinignan nya ng mabuti kung ano ito. Isang pirasong feeder, walang ideya si Ferris kung saan 'to galing kaya tinawag nya si Ken na kakagaling lang sa kusina dahil kumuha ito ng pwedeng makain ng kanyang BISITA, at buti nalang hindi hinahayaan ni Josh na maubos ang kanilang makakain.

"What is this?" Seryosong tono ng kanyang ama at pinakita ang hawak na balahibong kulay puti. Kalmado pa 'ring nakatingin si Ken kahit na sobrang bilis ng pag-tibok ng puso nya, "I brought a white cat here last time Uncle, maybe that's where he left a trace. Pusa ko talaga." Si Stell ang nagsalita, napatingin sa kanya ang apat.

"Hm." Tanging wika ni Ferris, at naupo na. Huminga ng malalim si Ken at binuka ang kanyang bibig para mag pasalamat kay Stell ng walang tunog.

Ferris says that the next time he comes here Ksenia should be with Ken.

Sinong nag sabing papayagan ko ulit silang pumunta dito? Sabi ni Ken sa kanyang isip.

Sa isang oras na nakatambay ang pamilya ni Ken dito ay maya-maya pa ay napagpasyaha na nilang umalis, ngunit bago pa 'man makalabas ng pinto si Felix may sinabi sya dahilan mapatigil si Ken at Stell.

"Justin is back." At tuluyan ng lumabas ng pinto, sinara nya ito ng malakas. The two fell silent.

My Little BunnyWhere stories live. Discover now