It's been 3 days since Josh went out with Jessa. At gano'n pa 'rin ang naging ganap sa pagitan nilang dalawa ni Ken, laging umaalis ng maaga at umuuwi ng late sa gabi. Halos hindi na makausap ni Josh si Ken dahil doon.
Ngayon ay nakahiga lang sya sa kanyang kama, wala syang magawa dahil wala naman si Ken para makausap nya, at hindi 'rin sya nagugutom dahil kakakain nya lang.
Nagpalit sya ng pwesto sa pagkakahiga, ngayon ay nakatalikod na sya. Nadako naman ang tingin nya sa teddy bear na binigay sa kanyang ng lalaking iyon.
Hindi ko natanong pangalan nya. Sabi nya sa isip nya at kinuha ang teddy bear na nakalagay sa gilid ng kanyang kama.
Gusto sana ni Josh na sabihin kay Ken ang tungkol sa mabuting taong iyon ngunit hindi naman na sila nag kakaroon ng oras para sa isa't isa.
Parang hindi na nagpapahinga si Ken. Napanguso sya. Baka nakakalimutan nya na may kasama sya dito sa bahay nya. Sabi nya habang pinaglalaruan ang teddy bear.
Huminga sya ng maayos at pinikit ang kanyang mga mata. Sinubukan nyang matulog pero hindi sya makatulog, tumayo sya sa pagkakahiga at naglakad palabas ng kanyang kwarto. Bumaba sya at naupo sa sofa.
Hindi nya alam ang gagawin nya, binuksan nya ang tv para manood pero agad naman syang nainip kaya pinatay nya nalang ito. Tinuruan sya noon ni Ken kung paano gamitin ang tv para kung wala si Ken may mapaglilibangan sya, pero hindi umuubra ngayon dahil mas lalo na syang naiinip.
Sinubukan nyang mag ibang anyo bilang kuneho at naupo ng komportable hanggang sa makatulog sya.
Ken, miss na kita....
--
It’s 6pm now, and Ken is out of his office because his work is done. When he left the building, he immediately went to the parking lot and got in his car.
Nilagay nya sa passenger seat ang kulay pulang paper bag, at tumingin sa salamin na nasa loob ng kanyang kotse at inayos ang kanyang necktie.
They have dinner today with his family.
Sabi din ng kanyang stepmother na dalhin nya si Ksenia, pero nag text si Ksenia kay Ken na mauuna nalang sya sa mansion, kaya hindi na mag aabalang sunduin pa ito ni Ken.
Yeah, they've been dating for almost a week. Hindi mo masasabing nag balikan na sila dahil hindi pa handa si Ken para doon, nag d-date lang sila para bumawi kay Ksenia at gano'n din si Ksenia.
Pero sa t'wing mag kasama si Ken at Ksenia, may kakaibang nararamdaman si Ken, para bang may kulang.
Habang nag mamaneho si Ken papunta sa kanilang bahay, ay biglang pumasok sa isip nya si Josh. Ano kaya ginagawa no'n? Tanong nya sa kanyang isip.
Hindi na kami nag kakausap ah. Nakaramdam sya ng lungkot, kahit sya ay gustong magkaroon ng time kay Josh pero mas inuuna nya si Ksenia.
-
Pagdating nya sa mansion ay agad syang nag park, at pumasok sa loob, naabutan nya si Ksenia na nakaupo sa sofa kasama ang kanyang stepmother, nilibot ni Ken ang kanyang paningin para hanapin ang kanyang tatay.
"Anak, andito ka na pala." Naglakad palapit sa kanya ang kanyang stepmother at nasa likod nito si Ksenia, na nakangiti sa kanya. Hinalikan ni Ken ang kanyang stepmother at binigyan ng maliit na ngiti si Ksenia.
Nang marinig nila ang yapak mula sa taas ng hagdan ay agad na kumapit si Ksenia sa braso ni Ken, hinayaan nalang iyon ni Ken.
Pagbaba ng kanyang ama ay lumapit dito ang kanyang stepmother at humalik sa pisngi, napatingin naman ang ama ni Ken sa kanya, agad na yumuko si Ken at Ksenia.
"Dad. I'm sorry for my behavior last week." Nakayukong paumanhin ni Ken, tinitigan lang sya ng kanyang ama, "Hmm." Tanging lumabas sa bibig nito at naglakad na papunta sa dining area. Binigyan si Ken ng matamis na ngiti ng kanyang stepmother bago ito sinabihang sumunod na sila ni Ksenia.
-
Tahimik lang sa kanilang pagitan, tanging kutsara at tinidor lang ang naging ingay. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, ay may narinig silang yapak ng paa at lahat sila'y napatingin doon.
"Sorry I'm late." Nakangiti nitong ani, gulat na nakatingin si Ken dito, habang ang kanyang ama at ina ay nakangiti, si Ksenia naman ay napalunok at bumalik nalang sa kanyang pagkain. Isang lalaking kulay blonde ang buhok, medyo matangkad at matangos ang ilong.
"Kamusta Dad? Mom?" Tanong nito sa dalawang mag asawa habang binibigyan ng halik sa pisngi, "We're fine. Welcome back Felix." Sambit ng kanyang tatay habang may ngiti sa labi.
Ngumiti at tumango ito, nadako ang tingin nya kay Ken na nakatingin din sa kanya, "Kamusta kuya?" Tanong nito at naupo sa bakanteng upuan, "Fine." Simpleng sagot ni Ken at sumubo ng kanyang pagkain, tumango-tango si Felix at napatingin naman kay Ksenia.
"Ow...Ex-girlfriend ni Kuya, right?" Napalunok si Ksenia, she's speechless.
"We are getting married." Sabi ni Ken at hinawakan ang kamay ni Ksenia at tinaas ito para mapatunayan na ikakasal na sila, napangisi si Felix at tumango.
"With no rings?" Napatigil si Ken at si Ksenia, pekeng nasamid si Ksenia at tumayo sa kanyang pagkakaupo, "I'll go to cr first, excuse me." Hindi nya na hinintay na mag salita ang apat at naglakad na ito.
"So kamusta ka Felix?" Ang kanyang ina na ang nag simulang mag salita, "Katulad nyo, ayos lang din." Sagot nito at sumubo ng kanyang pagkain.
"By the way, I have something to discuss about you Felip." Ani ng kanilang ama at tumingin ito ng seryoso kay Ken, na nagpakaba kay Ken.
"About what?" Pinilit ni Ken na umaktong normal at tumingin sa mga mata ng kanyang ama ng walang takot.
"Someone told me that you were with someone in your apartment that we didn't know about." Nanlaki ang mata ni Ken dahil doon, pero agad din iyong nawala, napakuyom ang kanyang kamay na nasa ilalim ng lamesa.
"Dad, there's no problem if I let someone else live in my apartment, right? Because it's MINE." Sabi nya at ngumiti sa kanyang ama, halos mag dikit na ang dalawang kilay ng kanyang ama dahil sa galit na naramdaman, hinawakan ng kanyang stepmother ang kamay nito oara kumalma. Huminga ito ng malalim.
"Why are you letting someone else live in your apartment instead of Ksenia being with you!" Medyo pasigaw nitong sambit.
Mas lalong napakuyom si Ken, napatayo sya, "Thanks for the dinner." Sabi nito at tumalikod na, narinig pa nito ang 'Oww..' ng kanyang kapatid na lalaki.
"Is that person important to you?" Tanong ng kanyang ama dahilan mapatigil si Ken, sakto 'ring pagdating ni Ksenia galing sa cr, at napatingin sya kay Ken na nakatalikod na sa kanila.
"Yes or no, it's my decision or whether I let him live in my place." Sabi nito at maglalakad na sana ng magsalita ang kanyang ama na nagpatigil sa kanya.
"Sa gusto mo o hindi, we will go to your apartment to find out who that person really is." Malamig na ani ng kanyang ama.
Ksenia stiffened like ice, Felix smirked and seemed eager to know who it was.
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfic"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...