2 days of Josh hiding in a small and dark corner near the playground, he didn’t go out there and he just stayed as a rabbit.
Sa loob ng dalawang araw na 'yon ay hindi sya nakakain, dahil wala 'rin syang balak kumain at ayaw nyang lumabas sa pinag tataguan nya ngayon. Wala syang ibang ginawa kundi isipin ang mga nangyare sa pagitan nila ni Ken, at matulog para kahit papano ay makalimutan ang nangyareng iyon.
9PM na ng gabi, alam ni Josh sa oras na 'to ay wala ng taong gumagala dahil tulog na ang mga iba, lumabas sya sa kanyang pinag tataguan at agad na nagpalit sa pagiging tao. Wala syang suot na kahit ano para matakpan ang kanyang tenga sa itaas ng kanyang ulo. Tinignan nya ang buong paligid, kaliwa't kanan.
Nang mapagtanto nyang wala ng taong pagala gala, ay tuluyan na syang umalis sa madilim na sulok at nag lakad papunta sa isang bench, naupo sya doon at huminga ng malalim.
Itaas nya ang kanyang mga paa at niyakap ang sarili, hindi nya napigilan ang kanyang luha.
Nagsisisi pa 'rin sya sa ginawa nya na hindi pigilan si Ken sa gusto nitong mangyare, dahil doon ay ito ang nangyare. Galit si Ken sa kanya, at ayaw na syang makit, ano ng gagawin nya ngayon?
"Si...Jessa..." Bigla syang nabuhayan ng maalala nya ang taong maaaring pwedeng tumulong sa kanya, ngunit agad din nawala ang kanyang ngiti ng maalalang wala ang kanyang cellphone at hindi nya alam kung saan naninirahan si Jessa, hindi nya 'rin kabisado ang numero nito.
Mas lalo syang napahikbing, "Ano na gagawin ko ngayon?..." Tanong nya sa kanyang sarili, tinago nya ang kanyang ulo sa pagitan ng kanyang nga tuhod.
"Babalik nalang siguro ako sa gubat...pero, hindi ko na alam kung saan 'yung daan...." Napaiyak ulit sya, hindi nya alam kung saan na sya pupunta ngayon, lalo't nararamdaman na din sya ng gutom. Saan sya kukuha ng makakain nya? Mag gagala ulit sya katulad noon bilang isang kuneho at kukuha ng pagkain kahit saan.
Bigla syang natahimik ng maramdaman nyang may kung anong malambot na tela ang dumampi sa kanyang likuran, agad nyang nilingon ang taong gumawa noon mula sa kanyang likuran. Nanlaki ang nata nya at agad na tinakpan ang kanyang dalawang tenga'ng kuneho.
Natawa ito ng mahina at naupo sa tabi ni Josh, tahimik lang si Josh ngunit nakatago pa 'rin ang kanyang mukha at nasa kunehong tenga nya naman ang kanyang dalawang palad para maitago ito.
"Ikaw 'yung nasa arcade diba?" Tanong nito, napatingin si Josh sa kanya na may panlalaking mata, natawa ulit ng mahina ang kanyang kausap at tumaas ang dalawang kamay dito at dumampi sa pisngi ni Josh at sabay ang pag punas nito ng luha. Nakaramdam naman si Josh ng hiya, dahil hindi nya napansin na basang basa pala ang kanyang pisngi galing sa pagiyak, agad sya ng iwas ng tingin.
Natatandaan nya itong taong ito, ang tumulong sa kanya makuha ang teddy bear, "Naalala mo pa ba ako?" Mahinang tumango si Josh habang hindi nakatingin sa taong iyon.
"I'm Justin, ikaw?" Napalingon si Josh sa kanya, "Josh..." Halos bulong nitong ani, napangiti si Justin at tumango.
"Bakit ka pala nandito sa labas? Ang lamig kaya." Sabi ni Justin, natahimik si Josh, gusto nya ulit umiyak dahil pumasok nanaman sa isip nya ang nangyare dahilan bakit sya nandito ngayon, pero pinigilan nya dahil nakakahiya kay Justin.
Namayani ang katahimikan ng dalawa. Hindi inaasahan ni Josh ang pagtunog ng kanyang tiyan dahil sa gutom, nakatinginan sila ni Justin, ngunit agad na umiwas si Josh. Pangalawa nya ng kahihiyaang ginawa sa harap ni Justin.
"Sumama ka sa'kin." Kinuha ni Justin ang kamay ni Josh, hindi na nagsalita si Josh dahil gutom na 'rin sya.
Pero napatigil silang dalawa sa paglalakad dahil sa pagtigil din ni Justin, agad nya hinarap si Josh. Tinanggal nya ang kanyang cap na suot at inilagay ito sa ulo ni Josh, at tsaka ito hinila ng mahina papunta kung saan.
-
Napahinto sila sa malapit na convenience store, limang minuto lang ang nilakad nila.
Agad na bumili si Justin na pwedeng makain, at agad na binayaran. Hinila nya ulit si Josh papunta sa isang upuan at lamesa sa loob, tsaka naupo.
Binuksan ni Justin ang binili nyang pagkain at binigay ito kay Josh, ngunit tinitigan lang ito ni Josh, "Hayts...kainin mo na, mamamatay ka sa gutom sige." Napahinto si Josh, tumingin sya kay Justin at binigyan sya nito ng maliit na ngiti bago hawakan ang pagkaing nasa harap nya at agad na kinain.
"Doon ka muna sa apartment ko." Napatigil si Josh sa pagkain at tumingin kay Justin na tahimik syang pinagmamasdan.
"Hindi na kailangan..." Nahihirapan nitong salita dahil puno ang bibig nito ng pagkain.
"Kailangan.." Binigyan sya ng malawak na ngiti ni Justin, napaiwas si Josh at mahinang tumango.
Hindi nya na kailangan pa mag inarte dahil kung hindi dahil kay Justin, siguro hindi ulit sya makakakain ng pagkain sa pangatlong araw na pagalis nya sa apartment ni Ken.
Umiling si Josh at pinagpatuloy na ang pagkain at inalis si Ken sa kanyang isip.
Tinaboy ka na nya, kaya wala ka ng magagawa. Ani nya sa kanyang sarili.
"Am...hindi ka ba na-w-weirduhan sa'kin?" Biglaang tanong ni Josh, umayos ng upo si Justin at sa maraming pagkakataon ay binigyan lang sya ng malawak na ngiti nito.
"Hindi ka naman weird, ang cute mo nga eh." Nakaramdam si Josh ng pagiinit sa kanyang pisngi kaya agad na umiwas ng tingin at pinag patuloy ang pagkain, "Bahala ka nga." Tanging nasabi nito, natawa lang si Justin at kinurot ang kanyang pisngi.
--
[Sir, naiayos na po lahat. Bukas na po ang alis nyo] Sabi nito sa kabilang linya, tumango si Ken at agad na pinatay ang tawag.
Naupo sya sa kanyang swivel chair at nahilamos sa kanyang mukha, at huminga ng malalim.
Napatingin sya sa cellphone nya dahil kita rito ang litrato ng munting kuneho, "Miho..." Bulong nito.
Napatingin muli si Ken sa kanyang cellphone ng mag pop ang notification mula sa kanya amang mensahe.
:Have you packed for you and Ksenia departure tomorrow? I'm excited because you're finally getting married.
Walang naging reply si Ken ng mabasa iyon at pinatay lang ang kanyang cellphone, "Josh...." Lumabas na salita sa kanyang bibig.
YOU ARE READING
My Little Bunny
Fanfiction"The future can change." A man who owns a company, many admire his talent, but when it comes to talking to any person or when it comes to making friends he is cold. Ever since his past life came to an end, he no longer trusts the person far away fro...